CHEYENNE'S POV:
At ayun. Sa awa ng Diyos, nakatagal pa naman ako ng pagtitimpi sa school na 'to. Ilang weeks na rin ba ako dito? More or less five weeks. Nakayanan ko yun? Partida, katabi ko pa ng seven hours sa room yung impakto ah? Galing ko rin naman pala magtimpi. *Clap* *Clap*
Nasa school grounds naman nga pala ako ngayon, since maagang nagpalabas yung subject teacher namin kasi kailangan niyang umalis for some "important meeting". Pero syempre charot niya lang yun. :3 may date lang siya eh. -__- Kaya eto, nasa grounds ako, nagpapalipas ng oras, nag aadvance reading sa mga lessons ko mamaya sa susunod na subject.
"Uy. Gawa mo?" Psh. Xavier na naman. -__- Wala ba siyang ibang magawa ngayon kaya ako na naman yung bubulabugin niya?
"Pake mo ba? Tsaka, close tayo? Alis nga! Nadidistract ako."
"Antaray talaga nito. Alam mo nga, pasalamat ka at di kita masyadong binubully, di katulad nung ibang transferree!"
"Ah, so ipagpapasalamat ko pa yun? Di mo naman kasi talaga obligation yung pangbubully diba? So ba't ako magpapasalamat?"
"Ipagpapasalamat mo, kasi pogi ako." Hanuuudaw? Kapal lang ng mukha ah.
"What the hell is the connection of those two things, may I ask?"
"Ganun? Kailangan may connection? Well, mayaman ako eh, kaya wireless." Okay? Tatawa na ba ako? :3 -____- At ang AYOKO lang talaga sa lahat, may nanggugulo sa pag-aaral ko. Talk about major mess he did with me. Nasa kalagitnaan ako ng pagkakabisado ng European Economy HIstory at nawala lahat ng concentration ko noong dumating ang pangit na kumag. Wala ako sa mood makipag barahan ngayon, kaya binato ko na lang siya ng suot kong sapatos.
"Umalis ka nga dito!" Kainis. Sa braso lang tumama yung sapatos. Dapat sa mukha eh. >///< Malayo-layo siya nung binato ko sa kanya yung sapatos. At nung nakita niya kung ano yung ibinato ko sa kanya,
O_______________O
"IBALIK MO YUNG SAPATOS KO!!!!!" ftngna. Itinakbo niya yung isang sapatos ko! >//< At dahil sa hindi naman ako likas na maarte katulad ng ibang babae na paraan lang ng pagf-fling nila yung pakikipaghabulan sa lalaking kumuha ng sapatos nila, tumakbo ako para habulin siya. Pero wala yung pampabagal effect na kunwari di ko siya maabutan.
Nung naabutan ko siya sa gym, (tanga niya eh, huminto pa siya) hinablot ko yung sapatos ko sa kanya sabay suntok straight sa mukha. BIGTIME.
"Ms Gomez! In case you don't notice, we tolerate utmost DISCIPLINE here in our school. Now, give me your most favorable reason so as why you punched, STRAIGHT in the face, Xavier here?" Naghihingalong pasok nung isang registrar. Seems like nakita niya kaming naghahabulan at sumunod.
"I need to catch up with him all the way here through the grounds because he ran with my shoes. It just serves him right. Kulang pa nga po yun, if you might ask." Napairap pa sa'kin yung registrar. Ms. Ponce yata name nun? Y'right. Whutever.
"I had just finished talking to your Filipino teacher, and we've got good news for the two of you. Now, since both of you had shown permissiveness around the campus, maybe we'll change our mind. Follow me, straight ahead to the guidance office, now." Filipino teacher? Good news? Ta's may iibahin sila dahil lang sa panget na'to? Psh. As if I'd let that happen. And since nafefeel ko ang cold atmosphere ng registrar na'to, sumunod na lang ako at tinikom yung bibig ko.
Habang naglalakad sa hallway, walang ginawa yung reg. kundi tumawag sa mga teacher namin, sa guidance, sa principal. Lahat pinapapunta sa office. Hrrrr. Umiinit na yung ulo ko ah? Bakit lahat kailangang tawagin? Baka gusto niya pati mga janitor at janitress na?! Pagpasok namin sa office, taray, nandun na agad karamihan sa kanila. Yung iba naman, di pa kami nakakaupo, nagsipasok na rin. Ba't pag ganito ang aga nila dumating?! Nandun na rin yung principal, and there's so much dismay in her face.