CHEYENNE'S POV:
Haaaaaaynako. Ba't ba kasi madaling nakukumbinsi ni Kuya si Mama? To think, dapat nga, mas ako yung pinagbibigyan. Pa'no, si Kuya, panganay na nga, bulakbol pa! Papalit-palit din yan ng girlfrined, kala mo may balak ubusin lahat ng babae sa mundo. Pero take note, alam yun lahat ni Mama ha! Ang weird, diba? Tapos ngayon, isasama pa'ko ni Kuya sa kalokohan niya. Nagtataka siguro kayo kung bakit ayaw ko sa school na yun no? Kasi, nakakapang hilakbot. Di dahil sa may mumu or waht, kung multo lang yun, di mas nag enjoy pa'ko lalo. Yung mga kwento ni Kuya yung nakaka.. gross, let's say.
Ang mga estudyanteng walang ginawa kundi mag-away kahit nandyan ang teacher sa harap. School na magaganda nag facilities pero trip ng mga estudyanteng sirain. Aaaaaang. BOYS RULE over girls. Yun talaga yung may pinakamalaking impact sa'kin eh. Natatakot ako hindi para sakin, para yun sa mga girls na walang ginawa kundi maglaro ng maika nung mga bata kaya hindi natuto ng self defense. Kuyaaaaa, Mama, ba't niyo ko ipapasok sa school na yun?!
Yung school nga pala, medyo malayo dito. Kaya pag pasukan, nagdodorm si Kuya. And that school, may 4 years levels ng highschool and they offer some two year college courses. At dun na rin pinili ni kuya na magcollege. Sabi na sa inyo eh, walang pangarap sa buhay yun. He's living a stupid life. Nagcollege na rin siya dun dahil dun rin yung mga barkada niya. Epic lang talaga. >/////<
At dahil di ko na matiis na tinotorture ko lang si kuya sa isip, pinatuyo ko na yung amoy chlorine kong buhok at dumiretso sa kwarto ni kuya. As usual, parang sasabog sa sobrang lakas ng patugtog niya.
"Kuya? Kuya. KUYAAAA."
"Kuya, ano ba? KUYAAAAAAAA, BUKSAN MO PINTO!"
BLAG.
"Yen, ano ba? Sinira mo na naman yung pinto ko! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kumatok ka mu--"
"Shut up, di ako pumunta lang dito dahil sa gusto kong sirain pinto mo. Pa'no ko nagawa? Isang matinding flying kick lang naman. Tsaka hello?! ang kapal ng mukha mo. Kumakatok kaya ako, ayaw mo buksan yung pinto! Bingi ka na talaga no?"
"Hey, lil sis. Ano bang problema at napunta ka dito, ha?"
" Wag mo'ko malil sis-lil sis dyan. Nakita mo yung pinto mo? Gawa yan sa Narra diba? Nasira ko. Imaginin mo yang mukha mo pag sinipa ko yan."
"Uy, chill naman. Tsaka di naman kita inaano ah, bakit ba? Ikaw pa nagalit eh ikaw na nga tong sumira ng pinto ko. Ano ba yun?"
"Hoy ikaw! Kung gusto mo ng gulo, wag mo'ko dinadamay ha? Alam mong tahimik lang ang buhay ko, ba't bigla mo kong ipapatransfer sa walang hiyang school mo?! Bawiin mo kay Mama yung sinabi mo, ibalik mo'ko sa dating school ko!" Sa lahat ng pagwawala ko, nagsmirk lang siya at tinalikuran ako.
"Tingin mo maibabalik mo'ko sa school ko ng pagsmirk mo? Isa, seryoso na'ko ha?"
"Hay na'ko, nakapag decide na si Mama no. Dun ka na daw. Tsaka fully accomplished na yung papers mo. Nasakin na nga yung ID mo eh. And one more thing to consider, sayang naman yung pera ni Mama diba? Kahit ba kumikita siya ng more than a million a week, pera pa rin yun. Fully paid ka na kasi sa tuition mo eh. 160k din yung ginastos dun. Kala ko ba matalino ka? Dapat naisip mo yun!" Saby talikod na naman. Timpi lang, Yen. Kausapin mo muna. >:|
"Kuya, wag mo'ko sinusubukan ha. Ano ba talagang plano mo at hinihila mo'ko sa school mo ngayon? Akala ko ba ayaw mong nasa same school tayo para di kita naisusumbong pag may kasalanan ka?"
"Hey, let's just say na trip ko lang na gusto kitang makasama sa isang school, miss na kasi kita. Okay? Now get out of my room." Ah ganun?! Tignan nga natin. Mehehehe. >:D<
BLAG BLAG BLAG
isang flying kick, isang suntok sa tiyan, at binalibag ko siya sa kama. Yun lang naman ang naging dahilan ng ingay.
"Aray ko naman Yen! Bakit mo naman ginawa yun?! Kuya mo'ko kaya konting respeto lang!" Di ka madaan sa mabuting usapan ha? Well well well, daanin sa classic style ni Asiong Salongga. DAHAS.
"Hey, let's just say na trip ko lang na gusto kitang bugbugin dahil gusto mo ako makasama sa isang school, miss mo kasi ako. Okay? Now I'll get out of your room."
Sabing wag na wag niya talaga akong gagalitin at makakatikim siya eh. Ayaw pa kasing maniwala.