Chapter Sixteen

17 0 0
                                    

I am readying my heart and mind.


Papunta ako ngayon sa apartment ni Neem. Magpapaalam na ko for good. Di na din kasi ako nagparamdam sa kaniya baka mag-alala siya. Wait. Sino nga ba ako para pag aksayahan niya ng oras isipin? :(


Pasado alas diyes na siguro kasi medyo madilim na. Gabi na din kasi kami nakauwi ni Niss. Ang dami pa namin pinagkuwentuhan eh!


Tanging mga ilaw na lang sa mga lamppost ang nagiging gabay ko sa paglalakad. Kung pwede lang talaga akong lumipad na lang eh. :(


May nakita akong maliit na bato kaya sinipa-sipa ko habang naglalakad. Hanggang maya maya, natama yung bato sa isang paa ng lalaki. (Mahina lang naman, pero rinig yung sounds kasi tahimik)


Tumingin ako. Madami sila. *gulp*


"Sorry po." Mahina kong sabi at dali daling lumakad papalayo.


Pero nagulat ako may humawak sa braso ko. "Oh? Bakit ka nagmamadaling umalis?"


Napatingin ako sa kanila. At sa taong humawak sa braso ko. AT MUKHA SIYANG MANYAKIS!


"Mukha ba kaming holdaper, Miss?" sabi noong kasama niya, nakangising aso pa. (Plus, mukha talaga siyang aso!)


"Opo. Mukha po kayong manyakis." Inosente kong sagot.


Nagulat naman sila, pero yung nakahawak sa braso ko, parang na-ngisi pa. "Haahahaa! Patawa ka Miss! Bakit gusto mo bang patunayan namin sayo?" Humigpit yung hawak niya sa braso ko. Namumutla na yung kabilang side.


Nakita ko yung mga kasamahan niya, parang may masamag balak. Pinagpapawisan na ko ng malapot. Ganito ba talaga silang mga tao?


"B-bitawan niyo p-po ako." mahina kong sabi. Natatakot na ko.


"Osige bibitawan kita." Nakahinga naman ako don. Binitawan niya nga ako, pero-


"Kayo! Hawakan niyo 'tong babaeng 'to. Ayaw daw niya magpahawak sakin eh. Hawakan niyo, baka umalis pa 'to." Putspaa!! Tatalon na yata yung puso ko!!!


Nanginginig na ko sa takot! Nakangisi lang sakin yung lalaking mukhang pinaka manyak sa lahat.


"Boss, dalian niyo na! Baka kami pa pumatos sa babaeng yan eh!"


"Heh! Manahimik ka, inggit ka lang kasi puro hipon yung nagagalaw mo!"


O_______O


Dun na ko nagsimulang tumili at humingi ng tulong. May isa namang nagtakip ng bibig ko. Pinagsisigawan ako nung mukhang pinaka manyak sa lahat tapos pamaya-maya nakahawak na siya sa damit ko.


Pilit akong nagpupumiglass at sumisigaw pero wala padin.


Sinisira na niya halos yung damit ko. Pero kinagat ko yung lalaking nakatakip sa bibig ko, sumigaw siya. Tapos nadistract lahat. Sinipa ko sa ano yung lalaking manyak tapos kumaripas na ko ng takbo. Buti na lang di pa sira yung damit ko! Di ako mabilis tumakbo kaya naman nakita ko sila na hinahabol na din ako.


Naiiyak na ko sa takot ng biglang mayroon akong lalaking nakasalubong.


Nadapa ako, pero iyak na ko ng iyak, "Kuya! Tulungan niyo po ako! May humahabol sa akin! Kuya!"


Nung nakatayo na ako, nakita ko yung mukha nung lalaki. Muntik na ding malaglag nung puso ko. Si Neem!


"D-destiny?! T-tao ka na? Anong-"


Bago pa siya matapos sa sentence niya, nakahabol na yung mga lalaking humahabol sa akin.


"Pre, kami nauna d'yan. Bigay mo na samin kung ayaw mong masaktan." Nagulat ako, niyakap ako ni Neem. Kahit ganito ang sitwasyon, I feel so secure. I feel so safe. Nagsimula nang kumalma yung katawan ko, pero yung tibok ng puso ko mas lumakas.


"MGA PUT*NGINA BA KAYO!? Di ako tulad niyo. May respeto ako sa babae mga g*go kayo!"


"Boss, matapang 'tong isang to ah! Banatan na natin o-"


Nagulat ako at biglang sinapak ni Neem yung nagsalita. Knock out agad. Nagulat naman sila. Halat naman kasing mas may laban si Neem dahil puro mga payatot na jejemon 'tong mga manyakis na to.


"G*go ka ba ha? Kala mo kung sino kang matapang!" tanong nung pinaka manyakis sa lahat.


"Oo! Mas g*go pa ko sa inyo kung babastusin niyo 'tong girlfriend ko!"


WHAT-


Feeling ko nabingi ako sa sinabi ni Neem na yun. Parang huminto yung puso ko sa pag-pump na dugo. G-girlfriend?


Napanganga na lang ako pero deep inside nangingisay na ko.


Pinagbubugbog ni Neem yung 'boss' nila. At putek, wala naman palang kalaban laban yung isang to eh. Nung mukhang di na makilala (lalong pumangit kasi) nagsitakbuhan na yung kampon ng kajejehan niya at sumigaw ng "sZ0uRh13 nH@ pH03WsXz"


Humarap naman sa akin si Neem at saka tinanong kung ayos lang ako. Napa-tango na lag ako kahit lumulutang pa din yung isip ko. Di ko matanong sa kaniya kung ano yung sinabi niya kanina.


Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit. "Nag-alala ako para sayo. Saan ka ba pumunta? Saka ano nangyari sayo? Tao ka na ba?"


"H-hindi, Neem. Mahabang istorya, pero alam ko na yung past life ko. Kanina lang."


"Talaga?" Napangiti siya, "Ikwento mo naman sa akin. Tara sa apartment, malamig na dito oh." Hinubad niya yung leather jacket niya at pinatong sa balikat ko. Naka-tank top na lang sila at.. patawarin niyo po ako pero ang hot niya tingnan. Seriously. I erased the thought dahil I need to regain my senses.


"P-pero, N-Neem. Di na ko makakasama sa apartment mo."


Na-kunot naman yung noo niya. "Bakit naman?"


"Actually, nandito kasi ako.. para magpaalam."

Destiny's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon