Chapter Five

28 1 0
                                    

Humigab ako, at saka humiga. Nakahanap na ako ng matutulugan. Dito, sa second floor terrace ng isang bahay na hindi ko kilala ang may ari. Well, okay lang 'yun. Di naman nila ako makikita.

Pinikit ko ang mata ko, at natulog...

Pagkamulat ko ng mga mata ko, umaga na. Kailangan ko nang ipagpatuloy ang misyon ko. Pupunta dapat ako sa isang fast food chain malapit dito, pero may narinig akong nagsisigawan sa loob.

"Xander, ano ba!" narinig kong sigaw ng isang babae. Lumapit ako, nang lumapit hanggang makapasok sa kwarto kung saan ko narinig ang mga sigawan. May nakita akong dalawang taong nag aaway — siguro mga kasing tanda ko. Hmmm.. Pero 'di ko naman alam kung ilang taon na ako! Hay.

Biglang sinampal no'ng lalaki 'yung babae, na ikinagulat ko. Natumba 'yung babae at saka nag-iiyak. "Ano?! Sinabi na nga ba, may lalaki ka! Ilang linggo pa lang naging tayo, pero ano? Kumekerengkeng ka na. Hindi ko alam na pokpok ka pala, at kung kanikanino ka lang sumasama!" sigaw 'nung lalaki.

"Xander! Sinabi na ngang—-"

*PAK!*

"Ano? Magsisinungaling ka na naman? Na, katropa mo 'yung kasama mo? HA! Wag mo nga akong pagmukha-ing tanga, kitang kita ko kayo. Magkasama kayo at nagtatawanan pa. At nakita ko 'din na hinalikan ka niya sa pisngi. Akala mo maniniwala ako sa dahilan mo? Tama nga sila. Malandi ka nga."

Iniwan ng lalaki 'yung babaae sa kwarto. "Alexander!" sigaw ng babae. Ngunit nagulat 'yung babae, pagkadating 'nang Alexander ay may dala itong tape at tali.

"X-xander, 'w-wag kang mag-biro ng g-ganiyan..." natatakot na sabi ng babae.

Ngumisi ang lalaki at saka sinabing, "'Diba mahal mo ko? Pwes ako lang dapat ang mahalin mo. 'Di kita pakakawalan hangga't 'di pa dadating ang mommy at daddy mo."

"Ano? Isusumbong kita sa kanil—-"

"Sa tingin mo, hindi ko naisip na sasabihin mo yan, ha? Kapag nagsumbong ka sa kahit kanino, ipagkakalat ko 'yung private video nating dalawa. Sige. Mamili ka, honey." ngumisi ito sa kaniya at saka iginapos yung babae sa upuan .

"Mahal kita Hermionisse, kaya ko ito ginagawa." sabi niya at saka isinara 'yung pinto.

Nag-iiyak naman 'yung babae. Naawa naman ako kaya nilapitan ko siya. Chineck ko kung nakikita niya ba ako.

Kumaway kaway ako sa kaniya, pero talagang 'di niya ako nakikita. Sinuri ko muna siya.

Sa totoo lang, may itsura 'yung babaeng 'to. Kaso, puro galos ang mukha niya at may kapansing pansing eyebags. Magang maga 'din ang mata nito na siguro, kakaiyak na 'din. Inaabuso siguro siya ng lalaking 'yun. Kung ano man siya, boyfriend, ka-live-in, etc.

Sinuri ko 'din 'yung kwarto. At may nakita akong litrato na nasa frame. Nakita ko 'yung babae, na... Masayang nakangiti. Walang bahid ng pasakit o abuso. May kasama siyang babae na simple lang, pero maganda 'din. Tinitigan ko 'yung kasama niya.

Parang may kakaibang feeling na.. Parang konektado ito sa past life ko. Sino kaya siya? At sino 'tong babaeng 'to?

Tingnan ko 'yung note sa ibaba.

"Niss and Dess forevs <3 #bff

    -09/19/14"


(Hermionisse at the top)

Destiny's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon