Chapter Fifteen

13 0 0
                                    

Mukha kaming hinahabol ng mga rapists.


May nagtanong pa samin, "Ate okay lang kayo?" Di na lang namin pinansin dahil nagmamadali kami. Wala nang paki si Niss sa hitsura niya habang tumatakbo kami sa ospital, puro luha at uhog na yung mukha niya, saka yung damit niyang suot na hanging blouse halos maging off shoulder na kasi hinihila ko siya tuwing tatawid kami. Excited kasi masyado, eh may sasakyan pa pala. -_-


Noong makarating na kami sa ospital wala nang patumpiktumpik pa at umakyat agad kami ng third floor kung saan nakahimlay ang aking katawang lupa na matagal ko nang inaasam asam na masilayan.


Nang makarating na kami..


'Room 147'


"Ito na 'yun." sabi ni Niss sa'ken. Pakiramdam ko bumibilis yuung tibok ng puso ko. Babalik ba lahat ng ala-ala ko pag nakita ko ang sarili ko? Ano kaya hitsura ko? Umiikot pa ang ilang tanong sa utak ko. Huminga ako ng malalim bago ko hawakan yung doorknob.


Papasok na sana ako ng hinarangan ako ni Niss. Mauna na dw muna siya dahil baka may bantay sa loob. Maya maya ay lumabas siya kasama ang isang nurse. Medyo nagtaka naman yung nurse nung nakita ako, nginitian ko na lang at sabing "Kakambal po ako noon hehe" saka naman napa-"Ahhh" yung nurse.


Pumasok na kaming dalawa sa loob. Bigla akong nanlamig kahit na di naman ako natatalaban ng kahit anong temperature.


Lumapit agad ko sa hospital bed. Nakita ko ang sarili ko. Namumutla. Gloomy. Halos di na nga kami magkamukha. Hanggang sa may nakita akong malaking sugat sa may noo ko (KO as in yung comatose patient).


Biglang sumakit ulo ko. Sobrang sumakit. Napahawak ako sa ulo ko. "Okay ka lang?" sab ni Niss sa akin.


"Ah— Ang sakit ng ulo ko!"


Napapikit ako sa sobrang sakit. Pero sa ilang segundo kong nakapikit biglang bumalik ang ala-ala ko..



"Wag ka na ngang magmukmok d'yan girl. Hay, ano ka ba! Ang dami dami pang isda sa dagat."


"Yun nga e. Sa dinami dami ng isda, hipon pa ang nakuha ko. At perfect! Nakakuha siya ng katapat niya. Isang balyena."


"Hayy, Dessirae! Ang bitter mo na talaga. Malay mo hindi siya yung nakadestined sayo! Oh diba. Sign na yun para maghanap ka ng iba,"


"Ewan ko, Niss.. Bahala siya. Siya ang nawalan, hindi ako."


Nakita ko ang satili kong tatawid sana ng kalsada pero di na ko nakaabot dahil may nakasagasa sa aking motor.


Di ko maalala yung mukha, pero.. Tandang tanda ko pa din yung tattoo sa balikat no'ng lalaki. Infinity sign.


Dinilat ko yung mata ko. Parang sa pagkamulat ko, bumalik na din yung buhay ko. Pero wala pa ko sa katawan ko. Tandang tanda ko pa yun. Yung araw na muntik na akong kunin ng Diyos.


Napansin naman ni Niss na natahimik ako bigla. "Ano 'yun Desti— I mean, Dessirae?"


"Naalala ko na lahat!" sabi ko sa kaniya, nagulat din siya. Sinabi ko sa kaniya na pagkatapos ng pag-uusap namin ay may nakasagasa sa akin.


"Naaalala mo ba yung mukha? Nako, ipapakulong natin yung gag*ng 'yun! Hahanapin natin!"


"Hindi, pero may naaalala akong—" di ko na tinuloy kasi alam ko namang di naman namin makikilala yun dahil sa maliit na detalyeng yun. Kaya naman di ko na sinabi.


"May naaalala kang?"


"Wala, nevermind. Tara uwi na tayo?"


Um-oo naman si Niss sa akin kaya naman papunta na kami sa bahay niya. Sinamahan ko muna siya saka kami nag paalam sa isa't isa.


"Bye, Des! I can't explain how happy I am ngayon at nakita na muli kita, after few weeks! See you tomorrow, then."


"Bye din Niss." sabi ko saka ako nagwave.


Napagpasiyahan ko na. Babalik na ko sa buhay ko. Gagamitin ko na ang last arrow ko. "Yeah, see you tomorrow." Nginitian ko siya at saka naglakad papalayo.


Then, a crazy idea strucked me.

Destiny's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon