Chapter Fourteen

15 0 0
                                    

"..ate?"


"Ate okay ka lang?"


May pamilyar na boses ang sumalubong sa paggising ko. Unti unti kong dinilat yung mga mata ko. May nakita akong babaeng may mahaba at kulot na buhok. Medyo malabo pa yung mukha niya pero maya maya ay nakafocus na yung paningin ko. Nagulat ako at biglang napaupo sa kinahihigaan ko — which is sa sahig ng mall.


"H-hermionisse?"


Nagtaka naman yung babae. "Hala? Bakit alam mo yung pangalan ko?!"


Nagtaka din naman ako. "Eh ako, paano mo ako nakikita?" Tinignan ko yung kamay ko. Visible nga. Pero kinapa kapa ko yung likod ko. Nandito pa yung pakpak ko. Ako pa din ito, si Destiny.


Nagpigil naman ng tawa si Hermionisse. "Ate okay ka lang? Mukhang nabagok yata yung ulo mo eh. Natural nakikita kita. Di ka naman multo diba?" Tinulungan niya akong tumayo, "Halika sa Starbucks, usap muna tayo."


Kahit naman di ko alam kung saan niya ako dadalhin, nagpahila na lang ako. "Te-teka!" Huminto naman siya. "Hindi ako pwedeng makita ng mga tao ng ganito ang hitsura ko! Kailangang itago natin ang pakpak ko!" bulong ko.


Yung ekspresyon ng mukha ni Hermionisse ay di maipaliwanag. "Pakpak? Wala namang pakpak ha? Teka, ate realtalk ha. May sayad ka po ba? Ayoko naman magdala ng taong di ko kakilala tapos may tililing pala."


Medyo natawa naman ako doon. Pero nagsalita na lang ako, "Wala ka talagang nakikita? Osige mamaya ko na lang ie-explain pero wala naman akong tililing, Hermionisse grabe ka ha."


Habang nasa daan, well actually malapit naman dito yung pupuntahan namin, tinanong niya ko kung bakit ako nakahiga doon. "Eh, di ko din alam. Siguro sa sobrang pagod?"


Maya maya ay nakarating na kami. Umupo na kami at umorder na si Hermionisse.


"Bago ang lahat. Sino ka ba? Bakit mo ako kilala?"


Nilagay ko yung kamay ko sa lap ko saka ko nilaro-laro yung mga daliri ko. Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya.


"H'wag kang mabibigla ah. Pero, Hermionisse, ako to. Si Destiny."


Medyo tumaas naman yung kilay niya. "Destiny?! Wala naman—-"


Biglang nanlaki mata niya, "Oh em gee! OMG OMG OMG! Ikaw yung— Ikaw yung boses na tumulong sakin noong nakaraan! OMG I cant believe it! OMG—"


Napansin niyang napapalakas yung boses niya at pinagtitinginan na din siya kaya medyo hininaan na niya.


"What the hell has happened to you? Bakit nakikita na kita? Namin?"


"D-di ko alam. Siguro—"


"SIGURO TAPOS NA YUNG MISYON MO!"

Destiny's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon