Chapter Three

20 0 0
                                    



Ilang oras pa lang akong nakakatulog, pero nagising agad ako. Ang ingay! Timungin ako sa langit. Siguro madaling araw pa lang. Lumipad ako at napagpasyahang maglibot libot. Wala nang gaanong tao, kaya naman bumaba ako. Wala din namana akong mapapala.

Naglakad lakad ako. Wala naman sigurong manghoholdup sa'kin no? Wala namang nakakakita sakin! Kaya di ako natatakot kahit medyo liblib 'tong dinadaanan ko.

"Ugh!" napalingon ako. May nagsalita ba? "Nakakainis! Bwisit! Aaahh!"

May nakita akong lalaking dutdot ng dutdot sa cellphone niya. Ano problema nito? Pinanuod ko lang siya.

"Hello— Hello?! Pakshet, nalowbatt pa! Bwiset!!!" at saka sigaw siya ng sigaw. Nagulat ako ng tumingin siya sa direksyon ko. Lumingon ako sa likod ko. Baka kasi may tao sa likod ko. Pero wala naman.

Imposible namang makita niya ako, hindi ba?

"Pst." Pero teka, ako nga yata 'tong tinatawag niya!

Umatras ako ng konti. Lumalapit naman siya. "Hoy, Miss!"

Hinabol niya ako, at saka hinawakan sa braso. HINAWAKAN SA BRASO! Paano niya nagawa 'yun?

"Miss, teka—"

"Sino ka? Paano mo ako nakikita?" tanong ko sa kaniya.

"Adik ka ba?" halos natatawa nitong tanong. "Malamang may mata ako! Saka gabing gabi, nakacostume ka d'yan? Saan may party ha?! Pfft."

Ano sasabihin ko? 'Hindi ito costume. May kapangyarihan kasi ako.' Tss. Kailangan kong mag isip ng palusot! Dahil pag nalaman niya ang totoo, maaaring may mangyaring 'di maganda.

"Ah, sabi ko nga e. Galing kasi ako sa mall. May cosplay kasi. Bakit mo nga pala ako tinatawag? Ano kailangan mo?" mahinahon kong tanong.

"May load ka ba? Tm. Patext naman o?" Napangiwi naman ako. Mukhang desperado si Kuya. "Naku, pasensya na. Wala kasi akong cellphone."

"Okay." at saka umalis na siya sa harap ko. Aba! Bastos 'yun ha? Ano kayang problema nun?

At higit sa lahat sino kaya siya? May kapangyarihan din kaya 'yun? Paano niya ako nakikita?!

Sa ngayon, malabo pa'din sa utak ko ang mga nangyayari. Pero sana naman liminaw na ito pagdating ng panahon. Naks! Hahaha.

Teka teka! Subukan ko kayang panain 'to? Baka sakaling 'yun ang solusyon sa problema niya! Kaso, baka naman makita niya ako. Lumipad muna ako, saka ko siya pinana mula sa itaas.

Pababa na ng pababa ang pana, pero—

Bigla itong nagapoy no'ng papalapit na sa lalaking 'yun. Hindi tumama sa kaniya! Demonyo kaya 'to kaya gano'n? Nakakapangilabot tuloy!

Brr. Makaalis na nga lang. Bumalik ako sa puno kung saan ako matutulog. Ilang minuto bago ako matulog, napansn kong bumukas 'yung pinto sa kwarto ng katapat kong apartment. May pumasok na lalaking mukhang hulas na hulas.

Pamilyar!

Teka, ito 'yung demonyo— este 'yung lalaki kanina ha?! Dito siya nakatira?!

Patay.


(Neem at the top)

Destiny's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon