Chapter One

66 2 0
                                    

Chapter One


Naiinis ako. Naiinis ako sa mundo. Sa lahat. Nabubuwisit ako sa mga kaklase kong halos ipagsigawan na may syota sila. Kung makapagPDA akala mo silang dalawa lang sa mundong ibabaw. Haller! Madami kayang nandidiring pares ng mga mata sa kanila! Nakakabanas. Oo, ako na ang bitter.


"Wag ka na ngang magmukmok d'yan girl. Hay, ano ka ba! Ang dami dami pang isda sa dagat." pag-checheer up sa'kin ni Niss. "Yun nga e. Sa dinami dami ng isda, hipon pa ang nakuha ko. At perfect! Nakakuha siya ng katapat niya. Isang balyena." inis kong sabi habang inaalala yung nangyari kahapon. Dapat 8th monthsary na namin ni Dane next week. Pero ano? Nakita ko siya kahalikan ang isang balyenang 'di na natin papangalanan pa. Leader siya sa cheering squad ng school. At ito namang ex-boyfriend ko, captain ng basketball team. Tch. Halos lahat naman ng love stories na may umaahas, ganito ang set up. Isang girl nahindi masyadong pansinin sa school (ako 'yun), isang lalaking napakagwapo at famous athlete pa (si Dane), at isang maganda at sexy'ng cheer leader.


Napapikit ako sa inis, "Hayy, Dessirae! Ang bitter mo na talaga. Malay mo hindi siya yung nakadestined sayo! Oh diba. Sign na yun para maghanap ka ng iba," sabi ni Niss. Hay palibhasa ka-MU niya 'yung super duper crush niya na si Alexander na tiga kabilang section. 'Di man halata, pero medyo sikat itong bestfriend ko. Actually, siya nga ang muse ng section namin eh. Samantalang ako, eto hanggang Auditor lang. Nyaaaak! Sila na kasi maganda, oo na.


"Ewan ko, Niss.." sobra ko kasing minahal si Dane. "Bahala siya.Siya ang nawalan, hindi ako."


Ipapangako ko sa sarili ko. MULA NGAYON, mag momove on na talaga ako. I flipped my hair, at saka dumiretsyo sa gate.


Dito na ako maghihintay ng jeep. Kaya nagpaalam na ako kay Niss. Walking distance lang kasi yung bahay niya.


Ilang minuto pa ang lumipas, at di ko namalayang 6:30 na pala. Ilang oras na akong naghihintay, wala pading dumadaang matinong jeep. Puro puno! Kainis.


Wala na kong nagawa kundi tumawid ng kalsada, may pila kasi dun pero pupunuin pa bago bumyahe.


Pero 'di na ko nakaabot pa sa kabila nang may bumangga sa aking motor. 'Di ko masyadong nakita ang mukha nung lalaki, pero..tandang tanda ko ang kapansin pansin nitong tattoo sa balikat.


Infinity sign.


-

Ugh.


Nahihilo ako. Nasa'n na ba ko? Puro puti lang nakikita ko. Teka..teka. Inalala ko lahat ng nangyari— Yung isda, yung balyena, yung jeep— Omaybetchagollywow! Yung motor! Nabangga ako. Nasa'n na kaya ako? Patay na ba ako? Shett. Pero feeling ko hindi eh. Buhay pa ako! Lumakad ako. At napagtanto kong nasa pasilya ako ng isang malaking building. Ospital siguro? SANA!


Madami akong nakakasalubong na tao. Kaya naglakas ako ng loob na magtanong, "Uhm excuse me, Miss pero alam—" ay bastos? Nilayasan ako?!Kainis. 'Di siguro naturuan ng magulang kung paano rumespeto. Laking baluga na e, 'di padin marunong sumagot sa tulad ko! Hmp.


Nagtanong pa ako sa iba, pero laging deadma. 'Di ba nila ako naririnig? So may apocalypse na ngayon ng pagkabingi? Kaloka! Okaya naman..


*gasp*


'Di nila ako nakikita?


Humanap agad ako ng salamin.At humarap dito. Then it hit me. Wala ako sa katawan ko. Wala akong repleksyon.Ano'ng nangyayari?


Nagpapanic na ako. Humanap ako ng kwarto na may posibleng katawan ko. Maaaring nacomatose ako or something.


May isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Si Dane.


Papunta siya sa isang kwarto. Sa kwarto ko! Sinundan ko siya, at tama nga ang hinala ko. Nakita ko ang sarili ko na nasa isang kama na suportado lang ng kung ano anong makinang nakakabit sa akin. Nakita ko ang nanay ko, ang tatay ko.. Yung mga kaklase ko. Si Dane.. Si Niss! Lahat sila, bakas ang gulat at lungkot sa sinapit ko. Di ko alam kung matutuwa ako at ganito pala ako kahalaga sa kanila o maiiyak ako dahil, eto ako at 'di ko magawang bumalik sa katawan ko.


Sinubukan kong pumasok. Oo nga, nakakatagos ako sa mga pinto at pader. Lumapit ako kay mama. Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin, pero wala talaga eh! Naiiyak na ko. Lalo pa't nakikita kong nahihirapan yung mga mahal ko sa buhay.


Pumunta ako sa kama kung saan nakahimlay ang malamig kong katawan. Hinawakan ko ang kamay ko, pero wala. Tumatagos lang ako. Kaya nawalan ako ng pag-asa na makabalik sa katawan ko.


Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita sa likod ko, "Dess.. I'm sorry." umiiyak na sabi ni Dane sa katawan ko. "Sorry kung niloko kita." At napahagulgol na ito.


Ayokong masaksihan sa ganitong sitwasyon ang paghingi ng tawad sa akin si Dane. Kasi nagiging emosyonal na lalo ang halos lahat na nasa kwarto. Lalo na ang magulang ko, at ang bestfriend kong si Niss.


Kaya lumabas muna ako.


Ano gagawin ko? Saan ako pupunta? Ugh.


Umupo muna ako sa isang sulok na parang isang kaawa awang kuting na inabandona. Nilagay ko ang palad ko sa mukha ko. "Ano ba, Dessirae.Mag isip ka!"


Pagkaalis ko ng palad ko sa mukha ko, biglang naging blurry yung paningin ko. Sumasakit yung ulo ko!! Sobra. Namimintig na parang pinipiga ng kung sino man. Napasigaw na lang ako sa sakit at namilipit.


Sumakit din ng unti unti ang likod ko. Parang may humihila na 'di ko alam kung ano.


Ilang minuto pa ng sobrang pamimilipit, binuksan ko ulit ang mata ko.


Naninibago ito.


At pati ang buong katawan ko.


Tumingin ako sa likod ko, may nakita akong pakpak. Parang isang anghel. Napakalaki ng pakpak nito na may purong puti na kulay. May nakita din akong bow at ilang piraso ng arrows sa balikat ko na nakasabit.


Tumingin ako sa paligid ko.


Nasaan ako?

 


At sino ako?


(Dessirae at the top)

Destiny's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon