Fake smile
- sol 🌞"Alexa.." She quickly faced me and flashed her usual bright smile. "Hmm?"
I kept a straight face, "Bakit ka ba nagpapanggap?" Her smile faded then she raised an eyebrow due to confusion.. more of an assurance exactly, as I know that she already knew what I meant.
I took a deep breath, "..I know you're hurting." Her mouth slightly opens as she didn't expect the question.
"Haha anong hurting ka diyan? Saya-saya ko kaya, kuya wil!" Biro niya at sinama pa ang pun dahil sa name kong William.
Fine, if she's not ready yet then I won't press her any further questions. Kahit na magkunwari pa siya, alam ko na 'yung Lola niya ay pumanaw na. That's the reason kung bakit this past week, bumababa ang scores niya sa quizzes. But why does she still hide her sadness behind that smile?
Alam ko rin na 'yung business nila ay flop na. Kaya todo puyat siya kaka-sideline, dahilan kung bakit madalas late na siya sa morning classes.
Pero kahit hirap na hirap na siya, I witnessed to how she tries her best to help others in need. Kahit kaklase na halatang tinatamad lang ay tinutulungan niya. That's how kind she really is. Kung hindi ko lang siya kaibigan, inisip ko na isa siyang malaking shunga.
Why bother helping them if they don't necessarily need it? Sa realidad, okay lang na magdamot, okay lang kung iisipin mo muna ang sarili. Walang masama dahil ayun naman talaga ang true nature nating mga tao. Siguro nga, papasa na si Alexa na anghel eh. Nasobrahan masyado sa kabaitan.
Gustuhin ko man siyang tulungan, I know na hindi niya tatanggapin. Ayaw niya kasi ng awa, sapat na para sa kanya ang sarili niyang pagtitiyaga.
Kaya kung hindi ko man siya matutulungan financially, I help her in many different ways. Tuwing na-le-late siya sa morning class, pinapasabi ko sa president na huwag siyang i-mark as absent. Ako rin 'yung patagong naglalagay ng lecture notes sa ilalim ng desk niya para may maipang-review siya.
Tapos para naman sa panibagong negosyo nila, ipinakilala ko kay Alexa ang pinsan ko na businessman para kahit papano, ay mag-grow ang business nila.
Sana ma-overcome niya na ang mga paghihirap niya. Na-miss ko na kasi ang geniune smile niya. Kahit gaano pa man siya ngumiti ng pilit, wala pa ring tatalo sa totoong ngiti niya.
At sana.. balang-araw, maging isa ako sa dahilan sa kanyang pagngiti ng labis.