Misunderstanding
- sol 🌞I'm on my way to my gf's dorm to surprise her since it's our first anniversary. Kabado ako while carrying a box of cookies and a bouquet of books.
What if... hindi niya pala magustuhan ang mga libro? But that can't be. Sure ako kasi fina-follow ko siya sa Wattpad and I know na paborito niya ang author na nagsulat sa mga librong binili ko. Pero... hindi ko maiwasang kabahan.
Nandito na ako sa loob ng building nila. Mabuti na lamang at kakilala ako ng nag-ha-handle rito kaya pinayagan ako makapasok even for just an hour.
I excitedly went up to her room's door. I texted her roommate a while ago kaya mag-isa lang siya ngayon hehe. Perfect timing para sa anniversary namin!
Nag-deep inhale muna ako then binuksan nang mabilis ang pinto. "Surprise Kate!!" Napanganga naman ako sa nasilayan.
There I saw... my girlfriend hugging a guy in the living room. What the-
Nakita naman ako ni Kate kaya agad siyang umalis sa pagkakayakap. "K-Kate.." Nanlalaki pa rin ang aking mga mata dahil sadyang hindi ako makapaniwala.
"How could you..." 'Di ko na tinapos ang sasabihin ko at agad na tumakbo palabas. Pinilit ko ang sarili na lumayo dahil baka masapak ko ang lokong 'yon.
Narinig ko naman ang sigaw ni Kate, mukhang hinabol niya ako. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako kaya napatigil ako sa pagtakbo. "Luis!"
Humarap naman ako sa kanya, punong puno ng pinaghalo halong emosyon. Galit, inis, lungkot, gulat... hinanakit. "B-Bakit?" Nanghihinang tanong ko.
"Luis... nagkakamali ka." Napakunot naman ako ng noo. Ha, seryoso ba siya? "Mag-aalas siyete na, bawal ang mga bisita lalo na ang mga lalaki sa dorm niyo... tapos sasabihin mo nagkakamali lang ako?" Tumango naman siya..
Umatras naman ako sa kanya. "Huwag mo akong lokohin pa, Kate."
"Teka, 'di mo naiintindihan eh." Sambit niya. Tatalikuran ko na sana siya when she shouted.
"SHUNGA! KAPATID KO KASI SIYA!!"
"H-ha?" Napairap naman siya sakin. "As I said, kapatid ko lang siya okay? Plus bakla siya." Medyo naiirita niyang sabi.
Oops.
Author's note:
September 2020 ko pa 'to sinulat
hahahaha.