CTBC: Kabanata 18

75.7K 1.7K 108
                                    


NAPASABUNOT ako sa aking buhok habang nakaupo sa isang upuan na nasa gilid ng patient bed na okupado ni miss San Isidro. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tumingin kay miss San Isidro na ngayon ay mahimbing na natutulog.

"Please don't stress your wife, Mr. Montemayor. Stress may affect your baby. Better take care of your wife and child----and don't let this happen again" wika ng doctor matapos ako nitong kausapin tungkol sa kondisyon ni miss San Isidro.

"She's not my-----"

"Husband should make her wife happy" Putol no'ng doctor sa iba ko pang sasabihin na nginitian pa ako. Wala na akong nagawa kundi bumuntong-hininga. Tsk!

"Ok"

Muli akong napabuntong-hininga pagkatapos kong maalala ang pag-uusap namin ng doctor. Sinabi lang nito sa akin na masyado lang naging emosiyonal si miss San Isidro kung kaya't nagdulot iyon ng break down. And that's my fault!

"I'm sorry" wika ko habang hawak ng mahigpit ang isang kamay ni miss San Isidro. Inilapat ko pa ang kamay nito sa aking labi para halikan iyon. Napabuntong-hininga ako pagkatapos.

"What happened, bro?" Pukaw ng isang boses mula sa may pintuan. Nalingunan ko si Rayven kasama ang asawa nito na si ate Dianne, my elder sister.

Napansin ko na agad napatitig si Rayven kay miss San Isidro na ngayon ay nakahiga sa patient bed kaya naman napakunot-noo ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis sa paraan ng pagkakatitig nito. "Tsk! My SISTER is here, your WIFE. Damn playboy!" Paalala ko dito. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

"Relax, bro. Don't be jealous and  I'm loyal to your sister. Diba, love? Alam mo naman na loyal ako sayo diba?" wika naman ng gago na nagawa pang bumaling sa kapatid ko para kumindat.

"Of course, hubby" sagot naman ng kapatid ko. I can't believe this!

"Tsk!"

"See? May tiwala sa akin ang kapatid mo, ikaw lang ang wala" Natatawa at may pagmamalaki ang boses na wika pa nito sa akin. Hindi nalang ako umimik. "By the way, bro. Is she a half a million girl?" Tanong nito no'ng muli itong bumaling kay miss San Isidro.

"Tss!"

"Whoa! No wonder, bro----she's too beautiful" Komento pa nito na hindi magawang alisin ang tingin kay miss San Isidro.

"Kailangan ko na bang magselos?" Tanong naman bigla ng kapatid ko dahilan para mawala ang paningin ng gago kay miss San Isidro. Agad itong lumapit sa kapatid ko na ngayon ay nakasimangot para yakapin ito at halikan sa noo.

"You are more beautiful, love" Malambing na wika nito sa kapatid ko.

Tsk!

Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na hininga at umiwas ng tingin sa mga ito. Damn sweetness! "Please wake up Gem" Bulong ko nalang habang nakatingin sa natutulog na si miss San Isidro.

"Do you want to talk?" Pukaw sa akin ni ate Dianne na ikinatingin ko dito. Lihim nalang akong napaasik no'ng mapansin ko na nayakap sa likod nito si Rayven. Sandali kong nilingon si miss San Isidro. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni ate kaya naman muli akong bumaling dito. "Don't worry about her, brother. My hubby will look after her"

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon