CTBC: Kabanata 21

71.5K 1.5K 43
                                    


Precious Gem

LIHIM kong pinagmamasdan ang bawat reaksiyon ni Dior habang nasa hapag-kainan kami kasama ni tito Dion, sir Diom, at ate Dianne. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang bawat pag-ismid nito at pagtataas nito ng isang kilay sa tuwing magsasalita ang dad nito.

"Tsk!" Narinig kong lihim na pag-asik ni Dior. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na nito iyong ginagawa.

"How are you, sons?" Basag ni tito Dion sa tensiyon na namamagitan sa aming lahat.

"I'm perfectly fine, dad. I'm enjoying my passion now" Agad na sagot naman ni sir Diom na nagawa pa nitong ngumiti sa dad nito. "By the way, here's my gift for you dad. I'm sorry if I didn't visit you often" wika pa nito bago mayroong inabot na box kay tito Dion.

Mababakas naman sa mukha ni tito Dion ang labis na tuwa. Pakiramdam ko tuloy ay gumaan din bigla ang aking nararamdaman. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapangiti. "I understand, son. Thanks for the gift" wika ni tito matapos nitong abutin ang regalo na ibinibigay dito ni sir Diom.

"It's my pleasure, dad" sagot pa ni sir Diom bago bumaling sa kinakain nito.

Muling namayani ang katahimikan sa hapag-kainan no'ng bumaling si tito Dion sa gawi ni Dior na ngayon ay balewalang patuloy na kumakain. "Ylecander?" Pukaw dito ni ate Dianne na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin dito. Muling bumalik ang tensiyon sa loob ng silid.

"I like the dishes. It tastes good" Balewalang wika naman ni Dior na muling naghiwa ng karne at isinubo iyon. Hindi manlang ito nag-aksaya ng pagkakataon na tumingin sa dad nito.

"Ylecander Dior Montemayor" suway ng ate nito na halata sa boses ang pagtitimpi ng galit. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng pagkailang.

"What? Alessandria Dianne Montemayor?" Balewalang tanong naman dito ni Dior na sinalubong pa ang tingin ng kapatid. Nagsimula na naman akong makaramdam ng kaba dahil sa kawalan nito ng emosiyon. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kinikimkim itong galit sa dibdib. Ano bang meron?

"Stop being stubborn" May diin sa boses na wika dito ng ate nito. Maging si sir Diom ay napatigil na rin sa ginagawa at masama na rin ang tingin kay Dior.

"Kuya"

"Tsk!" Asik nalang ni Dior bago binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. Kinuha nito ang wine glass at ininom ang pulang likido na laman niyon. "I'm stubborn" Bulong nito sapat lang para marinig ko.

"That's enough, kids. Don't fight infront of foods. Let's continue eating" wika ni tito Dion na nagawa pang ngumiti kahit makikita sa mga mata nito ang lungkot. "Happy birthday, son" Dagdag pa nito habang nakatingin kay Dior.

Hinintay ko ang magiging reaksiyon ni Dior pero nanatili lamang itong walang imik at para bang wala itong narinig. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis sa ugali nito. Hindi ko maintindihan kung bakit nakuha pa nitong pumunta dito sa bahay ni tito Dion kung ganito lang din naman ang gagawin nito. Gusto lang ba nitong mang-asar?

"I'm sorry, iha" Pukaw ni tito na sa akin na pala nakatingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil nahuli nito na kay Dior ako nakatingin.

"A-ayos lang po, t-tito" sagot ko naman dito. Bahagya naman itong ngumiti sa akin bago muling bumaling sa anak nitong si Dior.

"Take these, son. I cooked these as my birthday present for you" wika ni tito Dion habang dahan-dahang inaabot ang dalawang platito kay Dior na mayroong lamang dalawang klase ng pagkain.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon