HINDI ko maiwasang mailang dahil sa tensiyon na bumabalot sa loob ng sasakyan. Simula no'ng makita ni Dior ang daddy nito ay nawalan na ito ng imik at parang nawala na ito sa mood. Napabuntong-hininga nalang ako."We're here" walang emosiyon na wika nito no'ng makarating kami sa tapat ng bahay. Bumaba na rin ito ng kotse ng hindi manlang ako tinitingnan. Mukang may malalim itong iniisip.
Wala akong nagawa kundi kusang bumaba nalang ng kotse at sumunod dito papasok ng bahay.
"G-galit ka ba sa akin?" Hindi na nakatiis na tanong ko dito. Hindi ako mapakali sa ikinikilos nito ngayon, hindi ako sanay.
"I-I'm just tired. I'll go upstairs first" sagot nito habang patungo sa hagdan. Hindi manlang ako nito nilingon.
Malungkot na nasundan ko nalang ito ng tingin. At sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong napabuntong-hininga.
"Nag-away ba kayo, anak?" Pukaw sa akin ni inay Besilda na noon ko lang napansin na nasa likod ko pala.
Napapabuntong-hininga no'ng humarap ako dito. Umiling-iling pa ako sa tanong nito. "Hindi po, inay"
"Kung gano'n, bakit parang masama ang timpla ni señorito?"
"Hindi ko rin po alam, inay. Naging ganyan lang naman si Dior no'ng makita niya po ang daddy niya" Malungkot na sagot ko.
Nagpakawala naman ng isang malalim na hininga si inay Besilda na nagpakunot sa aking noo. "Kaya pala"
"Po?"
Makahulugang tumingin sa akin si inay at malungkot na ngumiti. "Galit kasi siya sa daddy niya, iha---at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito napapatawad"
"Huh? B-bakit po? A-ano po bang nangyari?" Usisa ko dahil sa kagustuhang malaman ang dahilan ng pagkakagano'n ni Dior.
Bahagya namang ngumiti sa akin si inay Besilda. "Sa tingin ko ay wala akong karapatang magkwento ng mga nangyari, anak. Si señorito nalang tanungin mo, iha" wika nito na tinapik pa ng mahina ang aking balikat bago ako nilampasan.
Bagsak ang mga balikat na napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Nagpakawala muna ulit ako ng isang malalim na hininga bago ko naisipan na pumunta ng kusina para kumuha roon ng strawberry ice cream. "Sana maging ayos na ulit ang mood ng daddy mo, anak" Usal ko habang nakangiti at hawak-hawak ang ice cream.
Pagkarating sa tapat ng kwarto ni Dior ay kumuha muna ako ng lakas ng loob bago kumatok sa pinto. Nang wala akong makuhang anumang reaksiyon mula sa loob ay kusa na akong pumasok roon. Hindi naman siguro ako sisigawan ni Dior.
Nang makapasok ako sa loob ay agad na natuon ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa may terrace habang nagsisigarilyo. Sa paraan palang ng pagtayo nito ay mahahalata mo na na mayroon itong malalim na iniisip.
Nagsimula akong lumapit dito. "D-Dior?" Agaw-pansin ko dito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang lihim na pagpunas nito sa mga mata nito gamit ang kamay. Umiiyak ba ito?
"B-bakit?" Garalgal ang boses na tanong nito. Bahagya pang kumirot ang puso ko dahil sa malamig nitong pakikitungo sa akin.
Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan. Pilit rin akong naglagay ng ngiti sa labi. "Dinalhan kita ng strawberry ice cream. Gusto ko sana----"
BINABASA MO ANG
CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED]
RomanceSiya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturing siyang walang kwentang tao ng mga taong nakapaligid sa kanya lalong higit ng kanyang ina. Namumuhay siya sa isang squatter area na puno n...