NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mga bisig na pumulupot sa aking baywang. Amoy palang nito ay kilalang-kilala ko na kung kaya't nakampante ako. Titingnan ko sana ito kung hindi lamang ako nito napigilan. Naramdaman ko pa ang pagsubsob ng mukha nito sa aking leeg."I'm sorry for disturbance, sweetheart. Let's sleep again" Paos ang boses na wika nito. Dinampian pa nito ng halik ang aking leeg.
Napalunok-laway ako. "Hindi ba tayo uuwi?" Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin kami sa bahay ni tito Dion at narito kami ngayon sa kwarto na ibinigay sa akin ni Mrs. Flora kanina habang nag-uusap ang mag-ama.
Naramdaman ko ang pag-iling nito at ramdam ko rin na inaantok na ito kung kaya't hindi na ako umimik pa. Hinawakan ko ang kamay nito na nakayakap sa akin para tingnan ang pambisig nitong relo. Doon ko nalaman na alas diyes na pala ng gabi.
Nang marinig ko na malalim na ang paghinga ni Dior, senyales na mahimbing na itong natutulog ay dahan-dahan akong umikot paharap dito. Napangiti ako no'ng makita ko ang bahagyang nakabuka nitong bibig. Hindi ko lubos maisip na araw-araw kong nakikita ang maamo at gwapo nitong mukha. Masyado akong swerte.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na damhin ang pisngi nito. Maaaninag sa mukha nito ang aliwalas kung kaya't alam ko na ayos na ito at ang dad nito.
"I love you" Usal ko bago ito dinampian ng halik sa labi. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko dito pagkatapos.
Kinaumagahan ay nagising ako na mag-isa nalang sa kama. Napansin ko na naroon pa rin ako sa kwarto na ibinigay sa akin ni Mrs. Flora. Napangiti nalang ako habang nag-uunat ng mga braso.
Agad rin naman akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang aking sarili. Naabutan ko sa loob ng kusina sina Dior at tito Dion na nagtatawanan. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapangiti. Natutuwa ako na makita na ayos na ang mga ito.
"Magandang umaga po, tito" Agaw-pansin ko sa mga ito dahilan para matuon ang paningin ng mga ito sa akin.
"Hey, sweetheart?"
"Gising kana pala, iha. Good morning. Join us here" wika naman ni tito habang nakangiti at nakaturo ang isang kamay sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ni Dior.
Ngumiti ako dito. Maglalakad na sana ako palapit sa mga ito no'ng matigilan naman ako dahil sa boses ni Mrs. Flora. "S-sir, s-sir" Nasa boses nito ang pagkabalisa kaya agad akong napalingon dito gano'n din sina Dior at tito.
"Ano ba 'yun Flora? Bakit ba humahangos ka diyan? May problema ba?" Tanong naman dito ni tito na ngayon ay nasa likuran ko.
"M-may babae po kasing naghahanap po sa inyo"
"Sino daw?"
"Linda San Isidro daw po" sagot ni Mrs. Flora na nagpakunot sa aking noo.
Anong ginagawa ni inay dito?
"Sige, lalabas na ako" Narinig ko pang sagot ni tito bago ako nito nilampasan para sundan si Mrs. Flora na ngayon ay tumalikod na upang maglakad palabas ng kusina.
Maglalakad na rin sana ako pasunod kay tito no'ng maramdaman ko ang kamay ni Dior sa aking braso. "Stay here, sweetheart" wika pa nito na lalong nagpakunot sa aking noo. Naguguluhan ako sa nangyayari.
"Huh? Bakit?" Nalilito na baling ko dito.
Ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito kaya lalo akong nagtaka. Hindi agad ito sumagot sa tanong ko at para bang nag-iisip na ito ng idadahilan sa akin.
BINABASA MO ANG
CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED]
RomanceSiya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturing siyang walang kwentang tao ng mga taong nakapaligid sa kanya lalong higit ng kanyang ina. Namumuhay siya sa isang squatter area na puno n...