CTBC: Kabanata 30

69.2K 1.4K 32
                                    


Precious Gem

"Is it ok with you, my lady?" Tanong sa akin ni Fabian matapos akong paupuin ng photographer sa kandungan nito.

Naiilang ako, oo. Pero may bahagi sa akin na komportable din dahil alam ko naman na trabaho lang naman ito. Para lang ito sa ilalabas na love couple magazine ng kompanya. Ngumiti ako kay Fabian. "O-oo naman"

Ngumiti sa akin si Fabian bago nito inilapit ang labi sa may tainga ko. "But I think, he is not" wika nito sa makahulugang tinig. Naguluhan naman ako bigla.

"A-anong sinasabi mo?"

Imbes na sagutin ay ngumiti lang ito sa akin ng makahulugan. Lilingon na sana ako para alamin ang kasagutan no'ng pigilan naman ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa aking pisngi. "Huwag masyadong malikot, my lady. Let's end this pictorial fast" wika nito bago inilapit ang labi sa aking leeg na para bang hinahalikan nito iyon. Natigilan ako bigla.

"That's good. Perfect! Give me a seconds please" Masayang wika no'ng photographer kung kaya't wala akong ibang nagawa kundi ang manatili sa gano'ng posisyon. Sunod-sunod na flash ng camera ang sumunod.

"Are you ok, my lady?" Pukaw sa akin ni Fabian na bahagyang inilayo ang mukha sa akin. Tapos na pala ang photographer sa pagkuha ng mga larawan sa gano'ng posisyon namin ni Fabian. Alam ko naman na hindi pa talaga tapos ang pagkuha nito ng larawan dahil may isa pa.

Napalunok-laway ako. "O-oo"

Ngumiti sa akin si Fabian. Bahagya pa akong natigilan no'ng hawiin nito ang buhok ko na tumabing sa aking mukha. Nakatitig ito sa mga mata ko habang ginagawa nito iyon. Napalunok-laway ako dahil sa pagkailang.

"How long it will take to finish this shoot? Tsk!" Agaw-pansin na tanong ng isang boses. Agad na sumikbo ng mabilis ang aking puso. Boses palang nito ay iba na ang dating sa akin.

Lumingon ako sa pinagmulan ng boses. Nakita ko sa hindi kalayuan si Dior na ngayon ay nakatayo at napapakamot sa kilay nito. Halata sa itsura nito ngayon ang tinitimping inis at inip. Anong ginagawa nito dito?

"One left pose, Mr. Montemayor" sagot naman no'ng photographer na halatang hindi mapakali ngayon dahil sa nakakatakot na ekpresiyon sa mukha ni Dior.

Muling napakamot sa kilay nito si Dior. "Do it fucking fast" Nawawalan ng pasensiya na wika pa nito. Nagkasalubong ang mga mata namin nito no'ng bigla itong tumingin sa akin.

Naramdaman ko ang pagbilis ng aking puso kung kaya't nag-iwas nalang ako dito ng tingin. "Ano bang nangyayari sayo Precious Gem?" Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili.

"Ok, ok" Agaw atensiyon naman sa amin no'ng photographer na pumalakpak pa. "Let's continue. Give me your sweetest scene, Mr. Lopez and Ms. San Isidro" Nakangiting wika nito sa amin.

"Let's do this" wika naman ni Fabian na kinindatan pa ako. Napakunot-noo naman ako. Tumango nalang ako kahit pa hindi ko ito masyadong naintindihan.

"Ok. Let's start. Please do your pose now" Utos no'ng photographer pagkatapos nitong iayos ang hawak nitong camera.

Isang bekeng photographer ngayon ang kumukuha ng aming larawan dahil may ginawa daw ngayong araw si sir Diom na siya naman talagang photographer namin. Wala naman akong ideya kung ano iyon.

Bahagya akong napapitlag no'ng maramdaman ko na sinakop ng dalawang palad ni Fabian ang magkabila kong pisngi. "Relax my lady. We will just do a fake kiss" wika nito habang nakangiti at nakatitig sa mga mata ko. Alam ko naman na pinalalakas lang nito ang loob ko.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon