NAPANGITI ako no'ng sa pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa paningin ko ang isang pulang rosas. Mabilis ko iyong pinulot mula sa sahig at inamoy."You'll be my girlfriend soon, sweetheart. By the way, I'm courting you now. I won't give up 'til you fall in love with me"
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa simpleng notes na iyon na nakadikit sa tangkay ng rosas. Nararamdaman ko rin ngayon ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
"Ang aga-aga Precious Gem" suway ko sa aking sarili.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago naglakad pababa ng hagdan.
Napakunot-noo ako no'ng sa pagbaba ko ay naabutan ko pang busangot ang mukha ni Dior habang nakapaywang ang kaliwang kamay at napapakamot naman ang kanang kamay sa batok. Napansin ko rin ang gusot nitong long sleeves at ang hindi tamang pagkakabutones no'n. Ang suot nito ay 'yung suot pa rin nito kagabi. Halatang sumasakit ang sentido nito ngayon.
"Damn!" Narinig ko pang asik nitong no'ng madanggil nito ang kamay na mayroong sugat. Ginamot ko na rin naman iyon kagabi at nilagyan ng benda bago ako bumalik sa aking kwarto. Napabuntong-hininga ako.
"Thank you" wika pa nito dahilan para balingan ko ng tingin ang tinitingnan nito. Noon ko lang din napansin ang mga delivery men.
Napamaang ako no'ng sunod-sunod ang pagpasok ng mga gamit pambata. May crib, may maliit na kutson at unan, mga laruan, at mga pandisenyo. Hindi ko alam kung ano pa ang mayroon doon sa ibang kahon. Umalis na rin ang mga delivery men pagkatapos.
Hindi makapaniwala na muli akong bumaling kay Dior na ngayon ay may kausap naman sa cellphone.
"Send furniture designer here. I want my place to be comfortable for my wife and child" wika nito sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.
Wife and child. Kailan pa ako naging asawa nito? Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Wala naman akong nakikitang ibang babae dito sa bahay na pwede nitong maging asawa maliban sa akin. Hindi naman pwede si inay Besilda dahil matanda na iyon. Agad na nag-init ang magkabila kong pisngi.
"Malala na. Kahapon girlfriend, tapos ngayon asawa?" wala sa sarili na usal ko kaya nabaling ang atensiyon sa akin ni Dior. Napatakip ako sa aking bibig no'ng mapagtanto ko ang lumabas sa aking bibig.
"Hey, sweetheart?" Nakangiting baling nito sa akin. Kinilabutan pa ako no'ng bigla itong kumindat sa akin. "I'll not just make you my girlfriend, sweetheart---- but also my wife" Dagdag pa nito na nagpabilis sa tibok ng aking puso.
"Nababaliw kana" wika ko nalang bago ito nilampasan para tumungong kusina. Hindi ko napigilan ang pagsilay ng aking ngiti. "Tumigil ka Precious Gem!" Suway ko sa aking sarili bago kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang paglawak ng aking ngiti.
"I'm damn and deadly serious, sweetheart" Narinig ko namang wika ni Dior. Alam kong sinusundan ako nito patungong kusina dahil nararamdaman ko ang presensiya nito.
Hindi ko nalang ito pinansin. Nagulat pa ako no'ng bigla nalang ako nitong hinapit sa baywang at isinandal ang likod ko sa pader. Nanlalaki ang mga mata na sinalubong ko ang mga titig nito.
Itinuon nito ang isang braso nito sa pader dahilan para makulong ako sa bisig nito. "I'm attention seeker, baby. I don't want you to ignore me because it hurts. I want all your attention with me" Marahan nitong wika habang pinagmamasdan ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED]
RomanceSiya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturing siyang walang kwentang tao ng mga taong nakapaligid sa kanya lalong higit ng kanyang ina. Namumuhay siya sa isang squatter area na puno n...