Sea Without Waves
Reject
Draven just disappeared. Hindi ko na nahanap dahil sa biglaang pagsulpot ni Cassius.
The next days are boring. Draven's not around. He's absent. I don't know where to find him. Hindi ko siya nakausap noong biyernes dahil bigla rin siyang nawala.
Pinaglaruan ko ang aking ballpen habang tamad na tumitingin sa labas ng bintana. I was trying to participate in class but I couldn't concentrate sometimes.
Medyo napatid ako noong huli naming pag-uusap. He's studying hard for a scholarship. Ako naman, talagang hindi nagseseryoso at minsan nagc-cutting pa.
Kahit hindi naman ako mag-aral alam kong may magandang buhay na naghihintay sa akin. Hindi tutuyo ang pera namin sa sobrang dami. Kahit walang ibigay si Lola, sapat na ang mana ko kay Daddy. That's enough for a luxurious life only for myself.
But then again, there's nothing wrong if I work hard with my own future right? At ano bang kurso ko sa kolehiyo? Saan ba ako mag-aaral?
Ang mga kaedaran ko ay pursigido at palaban. Grade Eleven pa lang naman ako ngunit hindi naman masama siguro na isipin ko rin ang pagkokolehiyo ko?
"Himala. You're here, Miss Ferrarin," iyon ang bungad sa akin sa sumunod na subject.
I smiled a little. My classmates looked at me suspisciously, like I'm up to something. Ibinalik ko ang tingin sa bintana at muling tinangay ng akong isipan.
"Where's Draven?" tanong kong muli nang mapadpad sa library para doon magtanong.
"Absent siya," isa sa mga nerd at mukhang close sa kanya.
Absent? Simula noong Lunes wala na 'yon ah? Akala ko ba he cares for his study so much? Eh bakit absent? Baka nagbubulakbol?
Imposible. Mas iisipin ko pang may sakit 'yon kaya hindi pumapasok kaysa ang magbulakbol.
I have no choice but to attend my classes to kill some time. Hindi ko rin kasi kabisado ang mga subjects noon. Ano rin bang apelyido niya? That guy is like a blank page. Kahit kaonti, wala akong mabasa tungkol sa kanya.
Weekend. Pansin na pansin sa umaga ng Sabadong iyon ang preparation na hindi ko na kinwestyon pa. Lola's fond of parties. She's throwing it sometimes for a petty reason. Minsan dahil may kailangang icelebrate, minsan din naman, dahil bored lang. But it's always the latter.
"Pinapasukat ni Donya ang dress niyo, Miss Ashtraia," salubong ng kasambahay, ang umaasikaso sa akin na si Merideth.
"Ilagay mo nalang sa kuwarto ko. Mangangabayo ako pansamantala," sabi ko at nilagpasan siya.
Nasa pool area ang ilan kong pinsan. My sister is probably in her room. Nagtungo ako sa rancho lalo na't wala pa naman si Lola.
Kinuha ko si Janus. He's my own horse. Puting kabayo at malaki ito. Hinaplos ko ang kanyang katawan at nangingiting iginiya palabas ng kwadra.
"Gagala tayo sa bayan. Let's find Draven," I smirked.
Alam ko namang imposibleng nandoon siya, but Drystan's always there. I should approach him and ask for his brother's whereabouts.
Gusto ko lang din magpasalamat dahil malaki kahit papaano ang naitulong niya.
Nagtungo ako sa bayan. The looked on the people's eyes are full of hatred. Kita ko ang ilang nagbubulung-bulungan, ang ilan naman, talagang irita.
"May gana pang magpaparty si Donya?"
"Kung hindi niya pinakulong si Damian, nahanapan siguro ng solusyon ang gamot para sa asawa. Ngayon, namatay na."