Chapter 35

81.3K 1.8K 407
                                    

Trigger Warning: Violence

Target

Hindi man lang nasundan ng mga mata ko kung saan galing ang baril na ginamit ni Draven. Ngunit napansin kong medyo gumalaw siya at wala na sa dati niyang kinatatayuan. Siguro ay pinulot niya ang isa sa mga baril na inilapag lang din ng tauhan ni Kaycee Williams noong inutusan ni Trison na ibaba lahat ang armas.

Masyado pa akong gulantang na marunong gumamit si Draven ng baril. Halos makalimutan kong weapon engineer nga pala siya. It's his field of expertise. He probably test his guns before releasing them.

Bumalik din naman agad ako sa reyalidad nang galit na itinutok ng kasamahan ni Trison ang baril kay Draven at nag-aambang barilin ito.

"Sa likod mo, gago!" Trison shouted but it's too late.

My instinct ruled over me. I used my left foot and did a full groundhouse kick. Kasabay ng paglingon niya sa akin ay ang pagtama ng paa ko sa mukha niya. Nawalan siya ng balanse at nabitiwan niya ang baril na agaran kong dinampot lalo na't naramdaman ko ang mabilis na pag-ahon ng iilang nakadapa.

Tatlo silang nasabayan ang alisto kong pagtayo at ang sunod sunod naming pagkasa ng baril sabay tutok sa isa't isa. Three guns are now pointed at me, while mine is pointed at the front. I can see their alert stance, the intensity of their eyes while aiming what's in front of them.

I'm outnumbered ngunit hindi na iyon mahalaga. I saw how Draven shifted from his position ngunit hindi nagtagal ang tingin ko roon dahil sa biglaang paggalaw ni Kaycee Williams dahil na rin sa pagkadistract ni Trison.

I saw how her head comes forward to avoid the gun of Trison, her right hand touching his left wrist swiftly, and turned her body until Trison is already facing her back while her other hand elbowed Trison's face, her left foot stomping Trison's foot and disarmed the weapon he's cluthing in just a matter of seconds.

Trison grunted. Nakaluhod na siya sa sahig at hawak na ni Kaycee Williams ang hawak niyang baril kanina. She's now pointing the gun at Trison.

Sa kanyang kilos, napagtanto ko agad sa kanyang galaw na hindi siya ordinaryong babae. She's skilled. Her moves showed it wasn't her first time disarming someone. Lalo na't sa bilis niya, alam kong nahasa siya ng ilang taon.

Ibinalik ko ang tingin kung saan nakatutok mismo ang tatlong baril at nakumpirmang nasa kasabwat iyon ni Trison na nakatayo mismo sa aking harapan kung saan din nakatutok ang aking baril. He's their main target. Hindi ako.

"Dapa!" one of the man shouted aggressively.

Trison's accomplice didn't listen. Nahihilo pa habang hawak ang kanyang ulo at gigil ang tingin sa akin habang marahas na nagmumura.

"Tang ina ka..." halos ungol ang pagkakasambit niya at parang hirap na ibalanse ang sarili.

"I warned you! Sinabi kong sakit 'yan sa ulo!" si Trison sa nanunuyang tinig.

"Hindi mo sinabing literal, Wallace!" he shouted back angrily.

"Tumahimik kayong dalawa!" one of the men shouted again.

Umabante ang babae at sinipa ang likod ng kasamahan ni Trison. Napaluhod siya sa sahig at nag-amba pang tumayo ngunit ang dalawa pang laake ay agarang tumulong para i restrain ito.

"Pinahirapan mo pa kami!" iritang sigaw ng babae.

Si Trison na lamang. Doon agad dumako ang aking tingin.

"Tayo!" Kaycee Williams shouted at Trison.

Nangingiting tumayo si Trison at dinilaan ang dumugong labi habang itinataas ang kanyang mga kamay.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon