Sea Without Waves
Falling
My body calmed down after that released. Ang nakaparte kong hita ay muli kong isinara habang si Draven ay nag-aalab pa rin ang tingin sa akin.
Inalis niya ang kanyang kamay roon at nag-iwas ng tingin. I chuckled and pulled his nape for a kiss.
"Bring a condom next time..." I whispered sensually and bit his lowerlip.
"Then that means... I am your boyfriend?" namamaos niyang bulong na nagpakurap sa akin.
Iniisip niyang boyfriend ko na siya dahil lamang dito? I know he's innocent. He doesn't know how flirting works. Bukod doon, parang limitado pa ang alam niya sa ganitong bagay at hindi lumalagpas kumpara sa alam ko.
I smiled while looking at him.
"I don't do boyfriends, Draven," bulong ko at nag-amba siyang halikan ulit ngunit iniwas niya ang mukha.
"Then what's this?"
Binasa ko ang labi at binitiwan ang kanyang batok. Umayos ako sa pagkakaupo at humalukipkip habang ang isa kong hita ay nakapatong na sa isa pa.
Namulsang tumayo si Draven. He looked at me helplessly.
"A consent is enough for sex, Draven. I am game if you're game. Hindi na kailangang maging tayo. That's how it works sometimes..."
It's not just a reminder to Draven but also a reminder to myself. Ayokong lumagpas. I don't want feelings attach. That's how it make things more complicated when you let your emotions ruled over you.
Naalala ko ang narinig kong usapan nila ng kanyang kaibigan. With the death of his mother, he's probably blaming us.
Ngunit hindi ko rin maiwasang isipin ang sinseridad niya lagi sa tuwing may sinasabi siya. He wants a relationship with me.
Relationship. Tingin niya ba talaga ganoon iyon kadali? At sa akin pa? A girl who's only wellknown for her trouble and a bad influence? Nasisilaw lang siya sa kagandahan ko ngunit kung titingnang maigi, wala akong maidudulot na maganda sa kanya.
"Congratulations, Miss Ferrarin. You passed your exam," ang prof nang ilapag ang test paper sa aking desk.
Umangat ang aking kilay at mabilis iyong kinuha para tingnan. I scored Eigthy five. Not bad. I smirked to myself. I studied.
"Na-perfect mo ang exam mo. Congrats, Trison," ang prof nang doon naman magdistribute ng test papers.
I glanced at Trison. Titig na titig siya sa test paper niya. Lagi namang ganoon ang nakukuha niyang score. He's the smartest student in our class kaya hindi kataka taka ang bagay na 'yon.
"Mag-aapply ka sa isang scholarship hindi ba?" ang prof nang muling bumaling sa kanya habang naglalapag ng test paper sa ibang desk.
"Yes Ma'am..."
Tumango ang prof at ngumiti sa kanya.
"Matataas ang marka mo. Sigurado akong makakakuha ka ng full scholarship..."
Humilig ako sa aking desk at naisip ang plano rin ni Draven. Kung may pagkakatulad man sila ni Trison, parehas silang determinado sa pag-aaral. Parehas na matalino at parehas din na priority ang pag-aaral.
Ang kaibahan nga lang, wala akong naririnig na nalilink na babae rito kay Trison. Or maybe I don't really care. Sadyang ngayon ko lang naiisip dahil magkaibigan silang dalawa.
Hindi ako nadismaya sa iba kong subjects nang malamang napasa ko ang mga exams ko. Ang pinaka mababa kong nakuha ay eighty. Sa Math iyon.
Nagligpit agad ako ng gamit para magyabang kay Draven. Suot ko ang aking backpack habang patungo sa field, nagbabaka sakali na baka naroon siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/312731344-288-k502723.jpg)