Sea Without Waves
Fiancé
Boys at my age are easy to read. They're driven by their lust and they always like the thrill of being in a relationship with someone they admire.
In Draven's case, hindi ko alam kung alin sa dalawa. Sex? No. He's not driven by his lust. Thrill of being in a relationship with a Ferrarin? I don't think so. Revenge? There's a high chance for that.
Nawala tuloy ang kagustuhan kong makipaghalikan.
"Balik na tayo sa itaas," sabi ko at nag-ambang umalis sa kanyang kandungan.
"Hintayin na natin sila dito. Bababa rin ang dalawang 'yon," ani Draven at hinawakan ang aking hita para pigilan ako sa pag-alis.
Napatingin ako sa kanyang kamay. Nahulog din ang kanyang mga mata roon at tila ba nagsisi kaya dahan dahan niyang inalis.
Ngumisi ako at hinabol ang kanyang kamay. Hinila ko iyon pabalik sa aking hita. Draven looked at me and chuckled softly.
Oh... he chuckled.
"Gusto mo akong masolo huh?" bintang ko.
"Hindi kita nasolo kanina. Parang ang sarap ng usapan niyo ni Trison," halos marinig ko ang tampo sa kanyang boses.
Natawa ako. Iniisip ko pa lang na nagseselos siya, parang ang hirap paniwalaan.
"I hate clingy boys! Stop it, Draven."
He nodded obediently. Saktong natanaw namin ang pagbaba ng dalawa kaya doon din ako umalis sa kanyang kandungan para umupo sa kanyang tabi.
Nag-amba pa akong gumapang pabalik sa driver's seat kaso hinawakan na ni Draven ang aking baywang para pigilan ako.
"Tabi na tayo," aniya sa baritonong tinig.
Napalingon ako sa kanya. Umusog siya ng kaonti at inalis ang kamay sa aking baywang. Tinapik niya ang kanyang gilid kung saan niya ako gustong umupo.
Umupo ako roon habang dumudungaw na si Trison sa front seat. Tiningnan niya kaming dalawa ni Draven sa likod.
"Sabi ko na hindi na aakyat ang dalawa," si Trison nang tingnan din si Sanders na kakaikot lamang patungong driver's seat.
"Sa front seat kana, Trison," si Draven.
Humilig saglit si Trison sa nakabukas na bintana ng front seat. Tumingin saglit si Trison sa akin at ibinalik agad kay Draven.
"Ano 'to thirdwheel kami sa inyong dalawa?"
Ilang sigundo pa atang kinutya ni Trison si Draven hanggang sa humupa rin naman. Una akong inihatid nila. Sa gate pa lang ng mansyon, ramdam ko agad ang pagkamangha ni Trison habang tinitingnan iyon.
"Dito na ako," sabi ko.
"Hindi ka magpapahatid papasok?" si Sanders nang nilingon ako.
Umiling ako habang sinusuot na sa aking likuran ang mini backpack na dala ko kanina.
"Salamat pala sa pagkain, Ashtraia. Ang sarap," ani Trison nang lumingon din.
I nodded and smirked. "Basta galingan mo sa reporting natin."
Napawi ang kanyang ngiti.