Sea Without Waves
Pissed
Draven, the nerd, wants to entertain me? Anong kabaliwan 'yon? He's wellknown for being smart. Hindi mahilig sa babae at hindi naggi-girlfriend.
Tapos sinusubok ang playgirl na kagaya ko? For what reason? Is it because of my surname? Dahil ba sa kalupitan ni Lola sa pamilya nila at naiisip niyang... gumanti sa pamamagitan ko?
Wala naman siyang interes sa akin ah? He's really up to something. Lalo na't sa nangyari sa kanilang pamilya, sa naiisip kong rason kaya siya ganito, hindi malabong ang rason nito ay dahil doon.
Ngunit kung ano man 'yon, hindi rin ako natatakot. But I won't go easy on him.
"Okay," I smiled.
Ibinalik niya ang atensyon sa libro, seryoso na ulit. Kinagat ko ang labi at nangingiting nagsulat.
"Reject Cassius," he reminded.
"No need..."
Ramdam ko ang pagiging kuryoso niya sa sagot ko ngunit tumango na lamang at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
"And Conrad?" parang may listahan pa ata sa mga lalake ko at kabisado niya?
"You kissed him. Reject him too."
"Hindi naman 'yon nanliligaw," I clarified.
"And you're letting all these boys kiss you?" parang may insulto sa tinig niya.
"Yes. Because I'm single. And I gave them my consent. What's wrong with that, primitive boy?"
Nahagip ng aking mga mata ang paggalaw ng kanyang panga. Inalis ko ang tingin sa notebook at muling dinungaw ang kanyang ekspresyon.
"'Yung kapatid mo mukhang—"
"Do you like my brother?" medyo matigas ang tinig niya ngunit hindi tunog galit.
"Hindi. Wala akong nagugustuhan," I chuckled.
Hindi siya umimik ngunit magkasalubong na ang kilay sa binabasa. Binalikan ko ng atensyon ang aking assignment. Isang tanong pa lang ang nasasagutan ko.
Kinagat ko ang dulo ng aking ballpen habang nag-iisip. Ipinatong ko ang isa kong hita sa isa at ginalaw galaw ang aking paa habang binabasa ng paulit ulit ang tanong.
Draven glanced at me. Tiningnan niya ang notebook ko. Akma siyang magsasalita nang pinigilan ko siya.
"Stop helping me out. Baka ang sunod na kapalit mo nito maging girlfriend mo ako. Hindi ko na 'yon maibibigay," I said playfully.
Huminga siya at hinila ng kaonti ang aking notebook para mapalapit sa kanya. Binasa niya iyon habang inilalahad sa akin ang kanyang palad.
"Give me your ballpen."
Ibinigay ko iyon sa kanya.
"Ako na sa iba," I said. "Baka isipin mo..."
Hindi siya nakinig at nagsulat na. I curiously looked at his answers. His chosen words are precise and they're not flowery. Maiintindihan mo agad at on point pa. Parang sakto lang kahit hindi mahaba.
Damn he's good! Ngayon lang ako nainggit sa utak ng isang tao. Ako na nga itong bobo at hindi pa nag-aaral ng maayos!
Binawi ko ulit ang aking notebook at ganadong sinagutan ang naiwang questions. Hindi ko namalayan na may ibang estudyante na palang tumitingin sa amin, nakukuryoso at ang iba ay parang nawe-weirduhan.
Naghiwalay din naman kami ni Draven noong matapos na ang break. Sabay kaming lumabas ng library.
Pumasok ako sa iilan kong subjects para magsubmit ng assignment at project s'yempre. I need a good grade lalo na't may hihingin ako kay Lola.