Chapter 01 • The Boss

87 47 23
                                    

Chapter 01 • The Boss

Millan Caulie's POV

"Here, take this." Inilahad sa akin ng lalaking hindi ko kilala ang sampung libong piso.

Hinatak ko ang kumot pataas para takpan ang hubad kong katawan saka ko kinuha iyong pera. Hindi man ako tumingin sa lalaki ay alam kong nakangisi ito habang punung-puno pa rin ng pagnanasa ang kaniyang mga mata.

Ibinaling ko sa kaliwa ang mukha ko nang nagtangka itong halikan ako.

"Ilang beses na kitang naikama... halik lang iniiwasan mo pa?" nanunuyang sambit niya.

Bumuntung-hininga na lamang ako at hinintay siya na lumabas. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay doon nagsimulang magtubig ang mga mata ko habang kinukuyom ang kamao ko na may hawak na pera.

Nakakadiri. Nakakasuka. Kung ako lang ay ayaw ko na ng ganitong trabaho---kung trabaho man itong matatawag.

Ngunit hindi iyon hahayaan ni mama dahil ito lang ang alam niyang pagkakakitaan. Isinunod niya ako sa yapak niya na hindi ko na dapat natahak.

Gusto ko ng normal na buhay pero malabo iyon. Lalo na sa akin. Lalo na sa katulad ko.

"Anak, ano ka ba naman? Bakit ayaw mong magpahalik? Iyon lagi ang reklamo sa 'kin ng mga customers mo," sermon ni mama habang inaayos ang buhok ko mula sa likod.

Pagkatapos ng isa, pahinga lang nang kaunti, may isa na naman.

Hindi ako umimik at nanatiling walang emosyong nakatitig kay mama mula sa salamin sa harap namin.

"At saka, anak, ang ganda-ganda mo. Mas maaakit sila sa 'yo kung ngingiti ka. Isa pa, hindi ka rin daw umuungol. Jusko! Alam mo bang isa 'yon sa nagpapagana sa kanila?"

Wala pa rin akong binago sa ekpresyon ng mukha ko. Ayaw ko silang maakit sa akin at ayaw kong ganahan sila sa akin. Sinasamaan ko na nga ang ugali ko tuwing may nag-re-request sa akin para tigilan na nila ako, pero wala, heto at binabalik-balikan pa rin nila ako.

Siguro dahil ako 'yung hindi pa masyadong nagagamit. Mahal ako, eh, puro mayayaman ang kliyente ko. At lahat may hitsura.

Ang rason ni mama? Para kapag nabuntis daw ako, hindi lugi. Putangina. Hindi ako magpapabuntis. Hindi sa ganitong paraan.

"Fuck, you're so tight," ungol ng lalaking nasa ibabaw ko ngayon.

Nakapikit siya habang ang isang kamay ay sumasakal sa leeg ko, ang isa naman ay marahas na minamasahe ang dibdib ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang namumuong tensyon sa puson ko. Alam kong ganoon din ang lalaking 'to dahil bumibilis at lumalakas na ang pwersa ng bawat pag-ulos niya.

"Shit, that was great," hingal at paos na saad niya. "You should moan for me the next time, hun."

Tunog lamang ng paghahabol namin ng hininga ang maririnig matapos ng tagpong iyon. Iyon lang din ang maririnig nila mula sa akin.

I won't moan because I don't find anything pleasurable.

Tulad ng ibang lalaking nakasama ko ay umalis din siya pagkatapos magbayad. Siguro siya na rin ang huli ngayong gabi. Hindi ko na kaya. Pagod na rin ako.

• • •

"Anak, ikaw ang naka-sched na mag-grocery ngayon. Heto ang listahan... at pera." Iniabot sa akin ni mama ang papel at pitaka bago ako itinaboy palabas.

Malalaswang tingin at sipol ang natanggap ko mula sa mga kalalakihan sa paligid. Minsan ay may pasimpleng hinihipuan ako na hinahayaan ko lang.

Simula noong gawin akong bayarang babae ni mama ay bumaba na talaga ang tingin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, wala nang silbi kung ipagtatanggol ko pa ang sarili ko sa mga nambabastos sa akin.

Ano pa bang mawawala sa akin? Wala na.

Nasa train station ako, pauwi na, tapos na akong mamili. Malayo ang lugar namin sa bayan at liblib iyon kaya hindi maabot ng pulisya. Isa pa, may sindikatong pumoprotekta sa lugar na iyon kaya hindi basta-basta ang mga nakakapasok.

Puno na kaya wala akong choice kung hindi ang tumayo. Yumuko ako para ibaba iyong karton ngunit natigilan ako nang may sinadyang idikit ang pagkalalaki niya sa likod ko.

"Nice butt you got there, miss," nang-aasar na bulong niya.

Hindi ko siya pinansin at tumuwid na lamang ng tayo. Okay lang 'to, sanay naman na ako. Pero deserve ko ba 'to? Siguro.

'Aarte pa ba Millan, eh, marami nang nakagalaw sa 'yo. Tsk.'

Parang may tumarak na punyal sa puso ko dahil heto na naman ako't nanliliit sa sarili. I feel so hopeless... so helpless.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ang pagpisil niya sa pang-upo ko. Iyong mga kasama niya ay natutuwa pa sa ginagawa ng katrabaho o kaibigan.

Patay-malisya naman ang ibang nakakakita. Sino ba namang gustong makialam kung ako mismo ay wala nang pakialam?

Mariin akong napapikit habang pilit na binabalewala ang ginagawa ng lalaki. Ngunit naidilat ko ang mga mata ko nang may narinig akong paghampas sa kamay nung lalaki.

Lumingon ako't bumungad sa akin ang mukha ng gwapong lalaki na nakasuot ng puting long sleeves, at dark blue na necktie. Nakasampay sa braso niya iyong kulay itim na suit.

Masama ang tinging ipinupukol niya sa bastos na lalaki na ngayon ay nakayuko na at dumidistansya sa akin---sa amin.

"You are all fired," anunsyo niya maya-maya.

Nanlaki ang mga mata nung grupo ng lalaki kanina at nag-angat ng mukha.

"Pero, boss---"

Napalunok ako. 'Boss?'

"No buts, or else I'll put you all in jail. Wala akong empleyado na walang respeto." Madilim ang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Kung magalit siya ay parang kamag-anak o malapit sa kaniya ang binastos.

Nagbaba ako ng tingin nang lingunin ako ng lalaki. Wala akong lakas ng loob na tumingin sa kaniya. Siya 'yung unang tao na tumayo at nagsalita para sa akin.

Pamilyar siya sa akin. Kung boss siya ng isang kumpanya ay baka naging kliyente ko na siya. Ngunit bakit ako nakakaramdam ng hiya sa kaniya?

"S-Salamat," sambit ko.

Eksaktong tumigil ang tren kaya dali-dali akong bumaba bitbit ang pinamili ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon ay muling nakaramdam ng init ang puso ko.

'Sana hindi na kami magkita ulit.'

Millan CaulieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon