Chapter 08 • Kalungkutan at Happiness

64 44 39
                                    

Chapter 08 • Kalungkutan at Happiness

Janssen Halt's POV

She's sleeping peacefully beside me and I love it. I brushed my hand through her soft hair before touching her rosy cheeks.

"I missed you so much, Caulie."

Maingat ko siyang hinalikan sa noo para hindi siya magising. Napangiti ako habang inaalala ang nakaraan.

"Hoy, kalungkutan!" tawag ko sa batang babaeng nasa edad na walo.

Kabaligtaran ng tawag ko sa kaniya ang ekpresyong ipinakita niya sa akin nang humarap siya. Malapad ang pagkakangiti niya at tila tuwang-tuwa na makita ako.

"Happiness!" tili niya saka mahigpit na yumakap sa akin. "Mabuti nandito ka na. Laro na tayo?"

Kalungkutan ang tawag ko sa kaniya dahil katulog ng melancholy ang pangalan niya.

Happiness ang tawag niya sa akin para raw kahit papaano ay may koneksyon ang tawagan namin. Ngunit sigurado akong iyong 'Ha' ay kinuha niya sa Halt, na second name ko, at 'yung 'ness' ay binaligtad na 'ssen' galing sa Janssen na first name ko.

She's witty, isn't she?

"Waahhh! Tumigil na kayo!" Umiiyak na sigaw niya habang binabato ng putik iyong mga bata sa playground.

Tumakbo ako palapit sa kaniya para daluhan siya.

"Hindi ka magkakaasawa kasi pangit ka! At saka hindi rin kasal 'yung parents mo tapos wala ka pang mama!" pang-aasar nung isa sa tatlong bata.

"Magpapakasal ako at hindi kayo invited!"

"Talaga, kasi hindi ka naman maikakasal!"

Ang babata pa nila pero kasal agad ang pinag-aawayan. Hindi ko masisisi si Kalungkutan dahil mahilig siyang manood at magbasa ng fairy tales na may prince charming.

It's been her dream since then.

"Tahan na," pang-aalo ko matapos kong paalisin 'yung mga bata.

"Happiness, i-ikakasal ako 'di ba?" humihikbing tanong niya sa akin. Namumula ang pisngi at ilong niya dahil sa pag-iyak. "Kasi 'di ba princess ako, kaya may prince ako paglaki ko."

Prinsesa... iyon ang trato namin ng daddy niya sa kaniya. She's indeed a princess by the way she looks and dressed herself.

"Oo naman. Ikakasal ka."

Ngumiti siya at pumalakpak. "Yehey. Gusto ko paglaki ko... magkaroon ako ng buong pamilya. Iyong masaya."

Sumikip ang dibdib ko. Akala ko dahil lang sa mga nababasa at napapanood niya kaya gusto niyang magpakasal; hindi pala.

She wants a family... iyong buo, hindi tulad ng pamilya na kinabibilangan niya ngayon. Wala siyang mommy.

"Happiness..."

"Hmm?"

"P'wede ba ikaw maging prince ko?" Pinagdikit niya ang magkabilang dulo ng hintuturo niya at nakangusong nagbaba ng tingin.

She's so red! Ang cute niya!

"I will, Kalungkutan. I'll marry you paglaki natin."

Nagliwanag ang mukha niya at tumitig sa mukha ko. "Sabi mo 'yan ha?!"

Tumango ako. "Everything for you, my Caulie."

Napasimangot siya at natawa naman ako. Ayaw niya sa second name niya dahil hindi siya kumakain ng cauliflower. Ayaw niya no'n. Maputla at malnourished na brocolli raw kasi.

Natigil ako sa pagbabalik-tanaw nang mag-vibrate ang phone ko.

Kairon Calling...

Sinagot ko ang tawag ng kapatid ko. "Kairon, kumusta?"

"It's Kron, kuya, I'm at work."

"Psh. Alright, Kron, anong balita?"

"Kron-kun! Omg! Is that Halt-senpai?!"

Mahina akong natawa. "Hi there, Vie."

"Ahhh! Halt-senpa---Hmmp!"

"Shut up, Vie. Can't you see we're talking? So, annoying. Shoo!" pagtataboy ng kapatid ko sa kaibigan niya. Siraulo.

"Waahhh! Hermi-chaaaaann, inaaway ako ni Kron-kuun!" umiiyak na sumbong ng papalayong boses ni Vie.

"Freak, napakakulit," inis na bulong ng kapatid ko. "Anyway, we infiltrated the club. A lot of people were collected by the police."

"Thanks, Kai---I mean Kron."

"No worries, kuya. Thank you for the tip, though. We've been hunting this club for quite a while."

"Sige na, mag-asikaso ka na riyan. Salamat ulit."

"Hmm. Bye."

Nakahinga ako nang maluwag. Isa pa si Kron sa pinag-aalala ko dahil 19 years old pa lang siya. He's been training a lot for years on that Empowered Task Force or ETF, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.

Lalo na at ang kalaban nila ay ang Black Paradise. They're dangerous, kaya nag-ingat talaga ako sa mga kilos ko. I'm 100 percent sure that they won't suspect me. Natagalan tuloy akong makuha si Caulie. I guess, she's been lonely.

Isa sa mga makukulong ang mama ni Caulie at bukal iyon sa loob niya. Sinabi ko na tutulungan ko siyang magtago pero tumanggi siya. Iyon na lang daw ang magsisilbing pagsisisi niya sa nagawa niya sa anak niya.

And I fully respect her decision.

"Sleep well, baby, we'll meet a very important person tomorrow."

Hinalikan ko siya sa noo bago umayos ng higa sa tabi niya. Nakaunan siya sa braso ko kaya dobleng ingat talaga ang ginawa ko para hindi siya magising.

'God, I'm so in love with this woman, and I don't care whatever lies in her past. It's only her and our future that matters.'

Millan CaulieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon