Chapter 05 • Not Normal

66 45 23
                                    

Chapter 05 • Not Normal

Millan Caulie's POV

For almost six months, siya lang ang naging customer ko. Binabalik-balikan niya ako once or twice a week pero kahit isang beses ay hindi niya ako ginalaw.

Just kisses and hugs.

Napahawak ako sa dibdib ko at mariing napapikit. Kahit naliligo ako sa ilalim ng shower ay ramdam ko kung alin ang luha sa mga tubig na dumadaloy sa pisngi ko.

I've never felt so respected as how he was to me.

Sa anim na buwang pagkakakilala namin ay ilang beses niya rin ako inalok ng kasal. Bakit ba? Bakit kailangan niya pa akong pakasalan bago niya gawin ang gusto niya?

Pakakasalan niya ako tapos ano? Ikukulong sa bahay at gagawing parausan? O siya naman 'yung magbebenta sa akin dahil isa siyang businessman?

'Fuck, Millan, ano bang iniisip mo? Mukha bang ganoon si Janssen?!'

Napasabunot ako sa buhok ko at ibinaon ang mukha sa tuhod ko. Kung anu-anong masasamang bagay ang iniisip ko sa taong walang ibang ipinakita sa akin kung hindi kabutihan.

Paano kung maskara lang pala niya iyon? Paano kapag halimbawang nagsama na kami sa iisang bahay ay saka niya isumbat sa akin ang pagiging prostitute ko? Paano kung saktan niya ako?

"Millan. Fuck. Millan. Stop. Stop thinking!" Mahina kong kinatok ang likod ng ulo ko habang umiiyak.

Alam ko na kung bakit hindi ko matanggap-tanggap ang alok niyang kasal kahit na gustung-gusto ng puso ko. Dahil alam kong hindi na ako sapat para sa kaniya.

He deserves someone who's a lot better. Not me. Not when a lot of men already feast on me.

• • •

"VVIP." Kinalabit ako ni mama dahil tulala na pala ako sa salamin.

Tumayo ako agad at nagtungo sa kwartong iyon. Kailangan ko nang tapusin kung ano man 'to. Hindi na kami p'wedeng magkita pa. Papaasahin ko lang siya at ang sarili ko na p'wede kami.

"Hey, baby!" masayang tawag niya sa akin.

Nakalahad ang mga kamay niya habang lumalapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Mariin akong napapikit upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

'Hindi ko siya deserve.'

"Janssen, sana ito na 'yung huli," walang emosyong saad ko.

"Nah, I'll continue seeing you until you accept my proposal."

"I won't accept it. Nagsasayang ka lang ng pera at oras. Tama na. Tumigil ka na. Marami pang babae riyan."

Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Pero hindi sila ikaw, Caulie. Aanhin ko sila kung ikaw ang kailangan ko?"

"Janssen, please." Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya pero hindi niya ako hinayaan.

"Alam mo ba kung bakit itong pinakamahal na kwarto ang kinukuha ko, at kung bakit hindi kita ginagawan ng kalokohan dito?"

Napahinto ako sa pagpupumiglas. Iyong lambing ng boses niya ay talagang nagpapasakit sa puso ko. How can he be like this to me?

"Bakit?" pinilit kong buuin ang boses ko. Hindi niya p'wedeng makitang mahina ako.

"Dahil gusto kong burahin sa isip mo 'yung mga bagay na nangyari sa 'yo rito. You are a special woman, and you don't deserve to be treated like that. I can also tell that you're not happy with what you're doing. It's all written in your face."

And just like that... I burst into tears.

"I want to turn your nightmares into beautiful dreams. Kaya tuwing pumupunta ako rito kung anu-anong hitsura nitong kwarto." Mahina siyang tumawa habang hinahaplos ang buhok ko, hinahayaan akong umiyak sa dibdib niya.

Naaalala ko nung maging romantic place ang lugar na 'to. Iyon 'yung unang beses na tinransform niya ang kwatro na 'to.

From being a romantic place to being a paradise, an ocean park, a cinema, an amusement park, and even a horror house. Wala talagang imposible kapag marami kang pera.

"Now, tell me what's bothering you, baby. I wanted to know kung anong pumipigil sa 'yong tanggapin ang proposal ko."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inihiwalay ako sa kaniya para makita ang mukha ko. Nanatili akong umiiyak habang nakababa ang paningin.

Hindi ko siya kayang tingnan sa mata.

"I don't deserve you... or any of these," sambit ko sa nasasaktang tono.

"You deserved the world, baby."

"No, Janssen. Hindi. Stop treating me like a normal girl."

"I'm treating you like how a princess should be treated. You're not normal---you're extraordinary."

Pumikit ako at hinayaan ang sariling humagulgol. Ang mga sinasabi niya sa akin ay masarap sa pakiramdam pero masakit din at the same time.

"Hindi na ako buo, Janssen. Sige, sabi mo pakakasalan mo ako, tapos ano? Wala ka nang makukuha sa 'kin... wala na 'ko... ubos na ubos na 'ko," hirap na hirap na sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Paanong hindi buo? You're complete as you are, baby."

"I am not a virgin," anunsyo ko kahit pa alam kong alam niya na iyon.

Hindi siya nagsalita. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko, punong-puno iyon ng pagmamahal.

"Marami nang gumamit sa 'kin, Janssen. Alam mo ba 'yon? Dapat alam mo 'yon kasi nandito ako, eh, dito mo 'ko nakilala. Sampung taon... sampung taon ko na 'tong ginagawa," diring-diri sa sarili na dugtong ko.

Napakapit ako sa robe ko nang mahigpit. Unti-unti kong iginalaw ang kamay ko sa paraan na ipinanghihilod ang tela niyon sa katawan ko. Ang dumi-dumi ko.

Tinabig ko ang mga kamay niya at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang shower at hinayaan akong basain no'n. Hinubad ko ang robe at nanginginig ang kamay na kinuha iyong face towel at sabon.

"Fuck," inis na mura ko saka lumuhod para kunin ang sabon na dumulas sa kamay ko.

Ngunit may naunang dumampot niyon bago ko pa man maabot. Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko habang hinihintay kung anong susunod niyang gagawin.

"Lagi mo ba 'tong ginagawa?" seryosong tanong niya habang kinukuha sa kamay ko ang face towel.

Nakalukot na ang suot niyang long sleeves hanggang sa siko habang nilalagyan ng sabon ang towel.

"Are you doing this because you think that you're dirty?"

"I didn't just think of that... because I am dirty. I am filthy," may diing sambit ko.

Humugot siya ng malalim na hininga saka sinimulang hilurin ang katawan ko. Napapikit na lamang ako dahil sa paraan ng paghilod niya.

Magaan iyon, dahan-dahan, at puno ng pag-iingat. Malayung-malayo sa kung paano ang ginagawa ko.

"You're not filthy, baby. Kung mayroong marumi rito, iyon ay 'yung sindikatong nagpapatakbo rito."

Napahinto ako sa pag-iyak at ninamnam ang paglilinis niya sa katawan ko. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong parang natatanggal 'yung dumi sa katawan ko.

"Stay still, baby, I'll get you out of here. I promise," sambit niya bago dinampian ng magaan at mabilis na halik ang labi ko.

Nagdilat ako ng mata at nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin.

"Remember that you are still whole, baby. Your virginity doesn't matter to me at all... it's your heart. I want to own it. I want to marry you and be with you... forever."

I was lost for words. I just hugged him and cried my heart out. Ikinwento ko lahat ng matagal ko nang kinikimkim sa sarili ko. Sa loob nang mahabang panahon, nakahanap ulit ako ng kakampi ko.

Millan CaulieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon