Chapter 07 • Everthing For You

65 44 37
                                    

Chapter 07 • Everything For You

Millan Caulie's POV

"Millan! Sa VVIP daw!" Kinatok ni Marie ang pinto ng kwarto ko.

'VVIP? Si Janssen?!'

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Naka-tshirt ako at shorts. Gusto kong kahit papaano ay disente na akong haharap sa kaniya.

"Yuck! Bakit ganiyan ang mga mata mo?!"

Hindi ko na pinansin si Marie na nakatitig sa namamagang mata ko. I cried that's why it's swollen. Wala akong pakialam kung hindi maganda ang hitsura ko ngayon.

I missed him. Gusto ko lang siyang makita.

"Janssen---S-Sino ka?" Naglaho ang ngiti ko.

Tumayo ang isang lalaki na may salamin at may hawak na laptop. May hitsura siya at mukha namang disente tingnan... ngunit kilala ko siya! Isa siya sa mga naging customer ko.

"Good evening, hun."

Napaatras ako at naghandang tumakbo palabas kung sakaling lapitan niya ako. Siya 'yung laging tumatawag sa akin na 'hun'. Hindi ko siya gaanong nakilala dahil iba ang hitsura niya noon kaysa ngayon.

"Don't be scared, I won't ever lay you in bed this time forward, because I'll be fucking dead," natatawang saad niya. "I'm harmless now, hun. By the way, I'm Demetrius Kali Oliveros, Janssen Halt Ponce's trusted friend."

"H-How can I trust you?" kinakabahang tanong ko. Ang kamay ko ay nasa seradura ng pinto.

Naiiling siyang tumawa. Itinulak niya pataas ang salamin niya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at may dinial saka iyon niloudspeaker.

"Do you behave yourself?" sambit ni Janssen mula sa kabilang linya.

"Of course, I do."

"Mabuti naman. Nasaan na siya? Bilisan mo naman!"

"Chill, my friend. Galit ka pa yata, eh."

"Of course, moron! Sinong hindi magagalit kung---Oh, God, I can't even say it. Get your ass over here, or else, I'll bury you alive!"

"But I'm innocent, hindi ko naman alam na siya 'yung---"

"Fuck you, Oliveros! Get out of there or I'll bomb your car!"

"Oo na! Teka, kausapin mo muna siya, ayaw yatang sumama sa akin."

Napalunok ako. Alam niya 'yung nangyari sa amin ng kaibigan niya? I guess I can't keep any secrets from him when he's surely had his way.

"Hun, listen to---"

"FUCK YOU, OLIVEROS! DON'T CALL HER THAT, OR ELSE I'LL BURY YOUR 9-YEAR-OLD SON, 9 FEET BELOW THE GROUND!"

"DON'T YOU DARE TOUCH MY PRECIOUS YUAN CLYDE, OR ELSE I'LL CUT YOUR DICK, I SWEAR!"

May anak siya? Eh, bakit siya napapadpad sa lugar na 'to? Am I a family wrecker?!

"Baby, let him assist you, but don't let him cross the line or else I'll murder an innocent kid," malambing at pabiro iyong banta niya, inaasar ang kaibigan.

"PONCE!"

"Bye. I love you, baby!" And then he hung up.

Iyong huling sinabi niya ang nakapagpatunaw talaga sa puso ko. I was waiting for that for months, at ngayong narinig ko na... I can't help but be in tears.

'I will take the risk if it's for you, Janssen.'

"Hoy, huwag ka na umiyak, baka mamaya ako pa sisihin nung sintu-sinto kong kaibigan," aniya habang naglalakad kami palabas.

Mabilis kong tinuyo ang mukha ko. "May anak ka pala?"

"Yeah. They are twins, actually," pagkukwento niya. "Pero hindi ko pa nakikita 'yung anak kong babae, nasa mommy niya."

"Hiwalay kayo?"

"I can't say that, when in the first place hindi naman naging kami." Mapakla siyang tumawa. "Pananagutan ko naman siya kung nagsabi siya kaso pinagtaguan ako. After a year, nagpakita siya sa 'kin para lang ibigay 'yung anak ko. Sa inis ko sa babaeng 'yon, ipinaalaga ko sa kapatid kong bunso 'yung anak ko. But I'm doing my best to take care of him now."

Tumangu-tango ako.

"Pero, maiba tayo, natutuwa ako kasi may ekpresyon na 'yung mukha mo. Akala ko ganoon ka na talaga, eh, medyo creepy."

"Eh, bakit mo 'ko kinuha no'n?"

"Curious? Hmm. And I always go for the special one. Ayaw kong magkasakit 'no."

"Tsk. Special."

"You're indeed special... especially to my dear friend who's killing me with his stare right now." Pilit siyang ngumiti.

Noon ko lang napansin na nakalabas na kami, at mayroong dalawang kotse na nag-aabang sa hindi kalayuan. Nakasandal sa isa si Janssen at pinapatay ang kaibigan niya gamit ang tingin.

"I won't ask you to forget what happened to us, well, 'di kita masisisi---"

"I won't really forget... how small it is," pang-aasar ko.

I've never been this comfortable, siguro naging komportable lang ako dahil alam kong kaibigan siya ni Janssen at ramdam kong mabuti naman siyang tao.

"The fuck are you talking about?!" inis na sigaw niya.

I was just bluffing, though. Pero natuwa ako sa reaksyon niya.

"Don't shout at my woman, Oliveros!" Nakalapit na pala sa amin si Janssen at hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya.

"Argh! Whatever! I won't take that for I know it was just a bluff!" inis pa ring baling niya sa akin.

Napanguso ako para pigilan ang paghalakhak.

"Go away! Alis na!" pagtataboy ni Janssen sa kaibigan.

Naglabas ng hininga mula sa ilong si Demetrius, para siyang toro, bago naglakad palapit sa isang kotse na katabi ng kay Janssen.

"Wala naman siyang ginawang kalokohan sa 'yo, hindi ba?" nag-aalalang baling sa akin ni Janssen habang sinusuri ang kabuuan ko.

Umiling ako at yumakap sa bewang niya. "Thank you... for keeping your promise," maluha-luhang sambit ko.

"No problem, baby. You'll marry me now, a'right?"

Mahina akong natawa at kinurot siya sa tagiliran.

"I'm serious about you, baby. Huwag mo na lang pansinin 'yung sasabihin ng iba kung natatakot ka man sa magiging reaksyon nila. Sa akin ka lang makikinig, understand? I love you, and I will do everything to help you cope up from the things you've been through."

Lumuluha akong tumango. Punung-puno ng pagmamahal ang puso ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.

"Bakit nga pala siya 'yung pinagsundo mo sa akin? Narito ka naman pala?" tanong ko habang nagmamaneho siya palayo.

"Kasi ayaw kong magulat ka. You're going to enter my world, baby, and that means you'll bump into that jerk a lot of times. He's my good friend, but been an ass to you. I'm sorry about him."

"O-Okay lang... matagal naman na 'yon at saka ako dapat 'yung nag-so-sorry sa 'yo. Kasalanan ko kung bakit galit ka sa kaniya."

"Hindi ako galit sa kaniya, baby, at lalo na sa 'yo. It's fine. Trust me. We'll start a new life, and forget everything about your past."

Naluluha akong tumingin sa bintana sa tabi ko. "Thank you so much, Janssen."

"Everything for you, my Caulie."

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanan niya, ang isa ay naiwan sa manibela. Marahan niya iyong pinaglalaruan at parang sinasabi sa akin na...

'From now on, everything will be alright.'

Millan CaulieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon