Chapter 09 • Princess, Prince, and King

63 44 22
                                    

Chapter 09 • Princess, Prince, and King

Millan Caulie's POV

"Baby, wake up."

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko matapos magising sa mahina at maingat na tapik sa pisngi ko.

"Janssen..."

"Good morning, baby." Hinalikan niya ako sa noo nang may malawak na ngiti sa labi.

Hindi ko maiwasang maluha. Hindi ko na kasi naisip na p'wede pa pala akong makaranas ng ganitong klaseng pagtrato.

"Don't cry, baby. May bisita ka."

Nangunot ang noo ko. "Sino?"

"You'll know. Mag-ayos ka na muna, may mga pinamili akong damit nung nakaraan, nasa closet na. Pili ka na lang, okay? I love you. Baba lang ako sa kusina." Dinampian niya ng halik ang labi ko saka nagmamadaling lumabas sa kwarto.

Hawak-hawak ang labi akong napaupo at inilibot ang paningin sa kwarto, kulay blue ang pintura, at naaamoy ko ang pabango ni Janssen. Halos lahat din ng gamit dito ay naglalaro sa puti at asul.

Bumangon ako't pinagapang ang daliri ko sa bawat nahahawakan ko. Napahinto ako sa pag-ikot sa buong kwarto nang mapadpad ako sa maliit na table rito sa kwarto.

Kinuha ko iyong picture frame at pinag-aralan ang mukha ng dalawang bata, isang babae at lalaki. Nakaakbay 'yung batang lalaki sa babae na naka-ngiti habang naka-peace sign.

Muntik ko nang maihulog iyon pero salamat at maingat kong naibaba. Iyong picture na 'yon. Ako 'yung batang babae.

"Happiness?" halos pabulong na usal ko habang nakatitig sa mukha ng batang lalaki. "Happiness... i-ikaw si Janssen?"

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya nang ma-realize lahat. Kaya pala ganoon niya ako itrato dahil ganoon na siya sa akin noon pa man. Isang prinsesa na ang turing niya sa akin... at siya ang prinsipe ko.

Napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang paghikbi. Tinutupad niya 'yung pangako niya sa akin, kaya pala sige ang alok niya sa akin ng kasal.

Iyong dampi ng panghilod sa balat ko, iyong marahang paglilinis niya sa akin... ganoon din dati. Anak si Janssen ng dating yaya ko, at lumaki kaming magkasama sa loob ng sampung taon. Tuwing may ginagawa si yaya ay siya ang nagpapaligo sa akin.

"Paanong hindi kita nakilala agad? You've been giving me all the hint." Kinuha ko ang picture frame at niyakap iyon.

Sobrang daming nagbago sa kaniya kaya hindi ko rin siya nakilala. Sampung taon lang kasi ako nung magkahiwalay kami, nag-aral kasi siya sa ibang bansa. Sayang 'yung scholarship.

Caulie... siya lang ang tumatawag sa akin no'n. Tatawa siya at sisimangot ako, alam niyang ayaw ko sa cauliflower. The 8-year-old me thought that it was unhealthy. Anemic brocolli.

"I missed you, Happiness. God, thank you. Thank you for bringing me back to him. Thank you," paulit-ulit na dasal ko.

• • •

Matapos kong maligo ay nag-ayos ako nang maganda. Sa lahat ng damit na binili niya ay iyong unang ibinigay niya sa akin ang isinuot ko. The elegant white long sleeves, and black skirt.

Mabuti at hindi halata ang pag-iyak ko kanina. Akala ko lalo akong papangit. Hmp.

"Happiness!" nakangiting tawag ko sa lalaking nagtitimpla ng juice sa counter island ng kitchen. Tanaw na tanaw ko siya mula rito sa baba ng hagdan.

Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling lumapit sa akin. "Anong sabi mo?"

"Happiness."

"You remembered?"

Nahihiya akong napanguso. "I saw the picture frame on the table. Hindi kita nakilala kasi---"

"Shhh, it's alright, baby. Hindi mo kailangang mag-explain." Hinalikan niya ako sa noo saka pinadausdos ang palad papunta sa mga kamay ko. "Come," anyaya niya at hinatak ako papasok sa kusina.

Napasinghap ako nang may makitang likod ng lalaki. May kasama pala kami rito. Ay, oo nga pala, may nabanggit siyang bisita ko.

"Tito, she's here."

Biglang umiyak 'yung lalaki, nakatalikod pa rin sa akin at nakaupo sa harap ng dining table.

"What happened?" takang tanong ko kay Janssen.

Nginitian niya lang ako at hinatak papunta sa gilid ng lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung sino siya.

"D-Daddy?" nanghihinang bulong ko. "Daddy... daddy..."

"My princess," umiiyak na tawag niya. Tumayo siya at mabilis akong ikinulong sa mga bisig niya.

"Daddy!" hagulgol ko.

"Shh, daddy's here. I'm sorry I wasn't able to find you. I'm sorry I was unable to save you. I'm so sorry, my princess. I missed you... so much."

Lalong lumakas ang hagulgol ko nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Hindi ako nagsalita at parang nagsusumbong gamit ang pag-iyak.

Tumanda ang hitsura ni daddy, pero iyong amoy niya, iyong lambing niya magsalita... nandoon pa rin. Parang bumalik tuloy ako sa nakaraang sampung taon. I missed him so much.

And slowly... the pain that were buried in my chest was slowly vanishing.

Millan CaulieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon