"Hey, you good? namumutla ka." Puna ni Kelsey sa akin, ang awkard ng posisyon namin dahil nakapatong siya sakin.
Ang kanan niyang tuhod ang nasa pagitan ng sa akin, at ang dalawa nitong kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"A-Ano, sorry di talaga ako sanay eh." Napa-iwas ako ng tingin sa kanya kasi nahihiya talaga ako.
She just chuckled at mas lalo pa nitong nilapit ang mukha niya sa akin na oara bang hahalikan ako nito.
Diyos ko po, hindi naman ako bakla pero bakit ganito ang epekto nitong babae na ito sa akin. Napakarami ko na ring nakatrabahong magagandang modelo pero kakaiba siya. Nakakapanghina siya ng tuhod.
"It's alright I'll guide you. Look at me." agad ko naman siyang sinunod. Grabe yung mata mga bes, ang ganda! Ang unfair Lord may paborito ka talaga.
"Now, I'll touch your hands okay? I'll just guide it where it's supposed to be." She smiled, at tumango na lang ako.
Kinuha nito ang dalawa kong kamay at ipinalibot sa leeg niya. YUNG PUSO KO GUSTO MAGWALA! Mas nagdikit ang mga katawan namin dahil sa pwesto namin.
Narinig ko naman ang tunog ng camera, oo nga pala nasa shoot kami muntik na mawala sa isip ko.
"Just think of this as a dance and I'll be your guide, okay? Just do what I tell you to do and after that you won't even feel tapos na ang shoot." Again, napatango na lang ako.
Hindi ko pinagkakatiwalaan ang boses ko ngayon dahil nahihiya talaga ako. Totoo naman ang sinabi niyang siya ang nag guide sa akin kung paanong pwesto ng kamay at binti ang gagawin. Ang galing nga niya eh, pero nakakahiya lang dahil parang medyo erotic yung mga pwesto namin.
Damang-dama ko yung tibok ng puso ko, at ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko pero hindi ko na lang ito pinansin.
"Okay, now put both your hands above your head," sabi nito kaya agad ko siyang sinunod. "Good." Ngiti nito. Ang ganda niya ngumiti nababakla na yata ako huhu.
Walang alinlangan na hinawakan nito ng kanan niyang kamay ang parehas kong kamay na nasa itaas ng ulo ko. Ang kaliwa naman nitong kamay ay humawak sa pisngi ko at mas lalo pang nilapat ang katawan namin.
Ayaw kong isipin pero ang pwestong ganito ay parang pwesto ng mga nagtatalik. Dahil sa realisasyon na iyon ay mas namula ang pisngi ko at napabaling sa kaliwa ang tingin ko.
"Hey, just look at me. This will be the last position and then we're done for today okay?" Hinawakan muli nito ang aking baba at pinatingin sa magaganda niyang mata.
Lumunok na lang ako habang sinasalubong ang mga tingin niya na para bang nagbabaga. Ilang sandali pa ay sumigaw na si direk, senyales ito na tapos na ang shoot para sa araw na ito.
Hindi rin biro dahil halos dalawa o tatlong oras kaming nakababad sa initan. Agad naman akong sinalubong ni Maya at may hawak itong silk robe na parehas kay Kelsey.
Inabot niya ito sa akin at agad na bumulong.
"Girl, ang hot niyo! Alam mo may chemistry kayong dalawa! Nakakakilig kayo tignan." Napa-ubo naman ako sa sinabi nito.
"Tigilan mo nga Maya mamaya marinig ka non. Grabe kaya ang hiya ko kanina!" Naka pout na sabi ko dito at naglakad na papunta sa hotel room namin.
Matapos makapagbihis ay niyaya ko si Maya na maglakad-lakad muna dahil mamaya na ulit kami magkikita-kita para mag dinner.
Tamang picture lang kami ni Maya, ito namang maharot na ito ay panay send ng picture ng mukha niya sa boyfriend niya.
"Buti hindi nauumay sa mukha mo boyfriend mo." Pang-aasar ko rito.
"Girl, subukan lang niyo kung hindi ay bukas single na siya." Natawa naman ako sa sagot nito sa akin. Kahit kailan talaga.
Nang sumapit at ala-siyete ng gabi agad na kami pumunta sa isang restaurant kung saan kami kakain. Nakita ko na halos kumpleto na sila at dalawang upuan na lang sa tabi ni Kelsey ang bakante.
Masaya itong nakikipag usap sa mga staff. Sa totoo lang ay napakabait niya hindi katulad ng brat na si Sam.
"Ikaw na sa tabi ni Kelsey ha." Bulong ni Maya.
"Bakit ako? Ikaw na!" Pabulong rin na sigaw ko rito.
"Girl, ikaw na. At least kayo may interactions na kami wala pa." Ngiti nito at sabay takbo sa isang upuan. Wala akong choice kundi tumabi kay Kelsey.
Agad itong napatingin sa akin nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Tinapunan na naman niya ako ng makalaglag panga niyang ngiti. Lord, help me po huhu..
"Hi! You were great kanina. It was like you were born to be a model." Hindi ko alam ano isasagot sa compliment nito dahil nahihiya pa rin ako sa kanya.
"Salamat, kung hindi naman dahil sayo di ko iyon magagawa." Nahihiyang ngiti ko rito.
"No babe it's all on you. I just guided you and it all came out naturally." Lord please patigilin niyo na ito sa kakangiti niya, kasi yung tibok ng puso ko ang bili na naman.
Ngumiti na lang ako at kumuha ng makakain, si Maya sa tabi ko ay kumakain na rin at nakikipagchikahan sa mga staff. Si Kelsey naman ay tinatanong ako anong gusto kong kainin at nilalagyan ako ng pagkain sa plato.
Balak yata ako patabain nito dahil pang tatlo na yata ang pagkain na nasa plato ko.
"Wow beh, instant jowa yan?" Natatawang bulong ni Maya sa tabi ko nang mapansin niya ang ginagawa ni Kelsey.
Siniko ko na lang si Maya at bumalik na sa pagkain ko.
"Do you have a boyfriend?" Nasamid naman ako sa tanong ni Kelsey sa akin, agad naman niya akong inabutan ng tubig.
"Sorry, nabigla ka ba?" Tanong nito.
Umiling-iling naman ako at tuluyang nilunok ang pagkain.
"Hindi naman, medyo unexpected lang yung tanong mo. Pero, uhm, ano... wala naman akong boyfriend."
Tumango-tango naman ito sabay ngiti.
"Good." Masayang sabi nito at muling bumalik sa pagkain niya. Good? anong good don?
Bumalik na lang rin ako sa pagkain ko at nakinig sa usapan ng mga kasama ko.
----
Been ages since I last updated but I'm kinda back I guess?? Anyways, the whole story will be in Amanda's POV unless stated otherwise. Thank you! <3
![](https://img.wattpad.com/cover/145393446-288-k349484.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Model
FanficAmanda Villafuerte is a just a simple photographer. Not until the international model entered her life. Will they be each other's endgame? Or just a chapter in each other's story?