Chapter 2

41 3 0
                                    

Fudge!!! I need to hurry up! Hay nako. Shu-shunga shunga kasi ako di ko na set ang alarm ko kagabi.

So ayun, eto ang resulta, nagmamadali ako ngayon sa pagsakay sa sasakyan ko dahil 6:50 na mga kaibigan.

6:50 na! I should be there by 7 pero eto ako ngayon papunta pa lang. Napuyat kasi ako dahil inayos ko yung ipapasa,kong drafts para sa photo shoot namin kahapon.

15 to 20 minutes pa naman ang drive papunta sa office namin. Huhu keri ko toh.

I started the engine at pinaharurot ang bago kong kotse na kakabili ko lang last month. Ang aking baby. Ang bagong model ng Honda Civic. This is the fruit of my labor. Ilang years din akong nag-ipon para makabili ng sariling kotse. Ang hassle kasi minsan mag commute lalo na pag rush hour.

Nag-iisa na lang ako sa life since I was 18. Nakatapos naman ako ng college dahil scholar ako at suma-sideline din na photographer paminsan minsan. Accountancy ang kinuha kong kurso nung college ako sa kagustuhan na din ng parents ko but I really love taking pictures at iyon ang pinili ko ngayon.

Sabi ng iba sayang daw ang pinag-aralan ko, matalino pa naman din daw ako. Pero who cares? I love what I'm doing and that's what matters the most.

In 10 minutes nakarating na ako sa office namin. Saktong-saktong 7 ay nasa parking lot na ako at tumakbo papunta sa bus namin. Isang bus lang kasi sasakyan naming lahat. Tipid na din sa gas at makakatulog pa kami dahil hindi kanya-kanyang drive.

Nasa labas naman si Sir Nico. Binati ko ito ng magandang umaga at bumati naman siya pabalik.

"Saktong-sakto dating natin Miss Villafuerte ah." Biro nito saken.

Strict si sir Nico pag oras na ng trabaho pero mabait siyang kaibigan.

"Oo nga po sir eh, buti po sakto dating ko." Nginitian ko na lang ito.

"Okay. Hop in. Ikaw na lang iniintay namin." Sabi nito kaya pumasok na agad ako.

Nang makapasok ako, wala nang bakanteng upuan bukod sa medyo dulong parte ng bus. May nakaupo ditong babae na naka white na hoodie nakasuot yung hood sa kanya, naka sunglasses at mask pa. Pansin ko din na naka black skinny jeans ito at all white na converse. Mukhang tulog siya.

No choice naman ako kaya sa kanya ako tumabi. Though, I don't know her balot na balot kase di ko makita kung sino. Pagkaupo ko, agad kong naamoy ang vanilla with candies na scent. Ang sarap amuyin. Tatanong ko nga sa kanya mamaya ano perfume niya. Hahaha.

"Okay guys, listen up. We'll be staying sa isang beach resort sa Batangas for a couple of days. Minimum of four days, maximum of seven. Depende gaano tayo kabilis matatapos sa shoot. Kaya galingan natin ang trabaho naten and maybe, just maybe, bigyan ko kayo ng time na mag relax don..."

Di pa man natatapos ang sinasabi ni sir Nico eh bigla nang naghiyawan ang mga kasamahan ko sa sinabi niya. Aba, sino ba namang ayaw magpahinga diba? Nakakapagod din na puro work noh.

"... settle down people. It's only just a 'maybe'." He air quoted. "So just do your best sa trabaho niyo. We have 4 hours to get there, depende sa traffic, matulog muna kayo. Alam kong pare-parehas tayong kulang sa tulog." Naupi na ito sa kanyang upuan sa harap katabi ng kanyang assistant.

Matagal-tagal pa naman ang byahe, makatulog nga muna. Besides, kulang talaga tulog ko. O kung tulog pa ba ang tawag dun kase parang siesta lang yun or power nap.

Inayos ko ang upo ko at pumikit na. Maya-maya lamang ay kinonsumo na ako ng antok.

※◎※◎※

"Hey..." rinig ko at ramdam ko din na may bahagyang natapik sa pisngi ko.

"Hmmm..." tanging tugon ko lsng at mas sumiksik pa sa mabangong human size na unan.

Wait lang... wala naman akong human size na unan ahh...

Napadilat ako bigla at napakalas sa pagkakayakap ko sa 'unan' na sinasabi ko.

"Hi." Ngiti nito sakin...

Wait... yung brown eyes niya... familiar... pati yung amoy niya...

"Ikaw?!" Di ko namalayang napasigaw ako.

Siya si ate gurl kahapon! Yung gorgeous na nakabangga ko. Maygahd. She look like an angel sent from above to spread her wisdom, elegance and gorgeousness here on earth.

"Yeah... me. Hi. Tinakbuhan mo ako kahapon." Nakangiting saad nito.

Omaygahd ang perfect ng ngipin mga beksh, parang ten times a day nagsisipilyo. Amoy na amoy ko din yung minty strawberry na hininga niya.

"A-Ano... Kase... About d-dun... Sorry nga pala." Napayuko na lang ako kase for sure hiyang-hiya lahat ng kamatis, red pepper at red apple sa pula ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"It's fine. No biggie. By the way, I don't know your name yet." Malumanay na sabi nito. Halata mong medyo may accent ang boses niya.

Grabe, mapapanganga ka na lang talaga sa ganda niya.

"A-Amanda. Amanda Villafuerte." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya para naman medyo formal.

"Nice to meet you. Kelsey Merritt by the way." Sagot nito ng nakangiti at kinamayan ako. Shet na malagket ang lambot! Ayoko bitawan kaso kailangan baka sabihin pa creepy ako or what.

Wait... ano daw? Kelsey Merritt?!

Nanlaki ang mata ko sa realization ko.

OMAYGEE!

●○●○●○●




Miss ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon