Chapter 3

40 4 0
                                    

"What do you think?" Tanong na nagpabalik sa akin sa earth.

"Ha?" Lingon ko kay Paulo. Or Paula, gay na stylist. Malapit din kaming magkaibigan nito.

"Mandy, seriously? Ang dami kong sinabi tapos 'ha' lang masasabi mo?" Nakapamewang na sermon nito sa akin.

Nandito kasi kami ngayon sa isang napakalaking room sa hotel dito sa may beach resort kung saan gaganapin ang shoot.

Nakapag lunch na kame at inaayusan ngayon si... uhh... Kelsey...

Ang awkward talagaaaa. Nakaka-ilang nung nalaman ko na siya ang model namin at siya yung nakabunggo ko kahapon at siya din pala yung katabi ko sa bus. Huhu lupa make lamon me na.

"Sorry. What was it?" I asked.

"I said, what color would you think will suit her better, red or black?" Sabay taas ng dalawang one piece bikini na revealing.

Napansin ko naman na nag angat ng tingin sa Kelsey mula sa kanyang phone at tumingin sa reflection namin sa salamain. Napa iwas tuloy ako ng tingin. Kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa tapat ng salamin at inaayusan ng buhok habang naka bathrobe lang na light pink na silky.

"I-I think kahit ano naman sa dalawa. But black will be better sa tingin ko." Tinignan ako ni Paula na parang may question mark sa kanyang mata.

Kabado kasi ako eh sorry na. Ba naman kasi eh huhuhu.

"Owkayyyy." Tugon na lang nito at lumapit sa modelo matapos itong maayusan at inabot ang itim na one piece.

"Mandy, would you mind helping her change?" Pagtawag sa akin ni Paula. Nanigas naman ako bigla.

"B-Bakit ako? Ayan si Marc oh." Turo ko naman kay Marc, yung make up artist.

"Gurl, baklush ako pero mas okay if babae na truelaloo ang sumama sa kanya." Sagot nito habang inaayos mga gamit niya.

"Si Maya nasaan ba?" Oh gash where na ba mga humans?

"Diba nga kasama ni direk mag ayos nung place para sa shoot sa baba." Sagot ni Paula. I mentally slapped myself. Oo nga pala how could I forget? Aysh.

"So... Are you going to accompany me or we'll just stand here and have a conversation with one another?" Nabaling ang tingin ko sa modelo. Huhuhu ang intense makatitig eh. Wala naman akong choice eh haysh.

"Okay." I manage to say hence the nervousness that is eating me right now.

Nauna na siyang pumasok sa bathroom at sumunod naman ako, nang mai-lock ko na ang pinto pagkaharap ko sa kanya ay siya namang tanggal nito sa roba niya kaya napabalik ako ng tingin sa pinto. WOOOH BUTI WALA AKONG NAKITA.

"Can you help me tie this thing?" Napatingin ako bigla, suot na pala niya yung one piece. Buti na lang, pero it doesn't hide the fact na para pa din siyang nakahubad since super revealing talaga. Tinulungan ko itong itali yung nasa batok na part, mahaba kasi masyado yung tali kaya mahirap i-tie ng ikaw lang.

Nanginginig naman ako habang nagtatali, kahit kasi nakatalikod siya, super exposed naman ang likod niya. Ang init bigla dito!

"Calm down, I can feel your nervousness radiating from your body." She chuckeld. Oh Good Lord!

"A-Ano. M-Malapit na, a-ano saglet..." Ni hindi man lang ako maka form ng maayos ng sentence!

"Haha, chill. I don't even know why are you nervous. Tao lang din naman ako." Sabay harap sa akin dahil tapos na akong itali yung nasa likod, at nahirapan ako don ah, may katangkaran kasi ito.

"Tao ka ba?" Bulong ko, pero mukhang narinig niya dahil natawa siya. Maygee pati tawa maganda eh!

"Of course I am. Do I look like an alien to you?" Napatitig ako sa mata niya.

Those eyes! I wouldn't mind getting lost to it if I find myself in front or near her.

UGHH STOP IT BRAIN!

Okay now I sure look like a fool battling to my inner self.

Sa sobrang awkward (para sakin) ng staring competition namen, ako na unang nag alis ng tingin.

"Ahh, ehh, ano, tara na, ano kase, baka ano..." COMPOSE YOURSELF!  "...ehem, baka hinahanap na tayo ni direk." Pagkasabi ko noon ay dali dali akong lumabas ng banyo at naghanap ng tubig.

Sakto namang may nakita ako sa table na bottled water na hindi pa nabubuksan. Binuksan ko ito at inubos ng tatlong lagukan llang

"Teh, init na init? Summer na summer lang ganern?" Singit ni Marc, tumawa naman si Paula.

Inirapan ko na lang sila at kumuha ng tissue para magpunas ng pawis. Woooh! Init!

"Oh ayan na si ganda(referring to Kelsey), tara na, hoy sumunod ka don Mandy ha!" Paalam nila Paula, tumango na lang ako at tinignan ko lang silang lumabas kasama ang modelo na ngayo'y suot na muli ang bathrobe niya. Buti naman.

Hay nako! Wala pa ngang isang araw eh! Lord, give me strength. I get so weak on the knees, I can't hardly speak po kase pag malapit siya sa akin huhuhu.

●○●○●○●

Miss ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon