Chapter 4

28 2 0
                                    

"Where the heck is Samantha?! Akala ko ba susunod siya dito?!" Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni direk.

Nasa beach side na kame kung saan gaganapin ang photoshoot, at ngayon ko lang nalaman na ka-pair pala dapat ni Kelsey si Sam, oo yung brat na Sam.

"Direk, tinawagan ko na yung manager niya hindi daw po ma-contact si Sam." Sagot ng secretary ni direk.

Napapikit si direk sabay hilamos sa mukha niya, patay na baka kami pa mapag-initan. Kung sumipot lang kasi yang Samantha na yan eh.

"So paano tayo nito magsisimula?!" Napaupong sigaw ni direk.

Walang gustong umimik sa amin dahul ramdam namin ang galit niya, pero naglakas ng loob si Maya.

"Direk, humanap na lang kaya tayo ng kapalit ni Sam?" Suhestiyon nito.

Napatingin naman si direk sa gawi niya, pati na rin kame.

"Sige, sabihin mo sa akin sino pwede na pagsuoting ng two piece swimsuit na may katangkaran at maganda ang katawan? Paano tayo makakahanap?" Balik na tanong ni direk, madami naman dito sa beach kaya nga lang malamang sa malamang ay hindi papayag ang mga ito.

"Si Mandy po." Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Maya, pero nakatingin lang ito kay direk.

Napabaling sa akin sa direk at sinipat ako, hindi naman yung bastos na tingin. Tinapunan ko tuloy ng masamang tingin si Maya pero ang gaga ngumiti lang.

"Sige, let's try. Mandy magbihis ka." Utos ni direk.

Napailing naman ako dito.

"A-Ako? Direk naman wala akong alam sa model model na yan, photographer ako.  Iba na lang direk oh, si Maya na lang siya naman nakaisip eh." Pagmamakaawa ko sa kanya. Ayoko talaga dahil hindi ako sanay sa harap ng camera, mas gusto ko magtrabaho sa likod nito.

Napansin ko namang napangiti si Kelsey na kanina pa nakikinig lang sa usapan namin, namula tuloy ang pisngi ko nang mapagtanto ko na siya nga pala ang kasama ko kung sakali.

"Triple ang sweldo mo, dahil alam kong wala ito sa linya ng trabaho mo, pumayag ka lang Mandy." Suhol pa ni direk, alam kong gusto na lang niya maumpisahan ito dahil nasasayangang oras.

Lumapit naman sa akin si Mandy at bumulong.

"Di ba nabanggit mong may pinag iipunan kang camera? Pumayag ka lang dito mabibili mo kaagad yun pagkatapos." Napapikit ako ng mariin dahil tama siya, may vintage camera kasi ako ng gustong bilhin at hanggang next month na lang yata iyon, kaso kulang pa ipon ko.

Tahimik ang lahat na hinihintay ang sagot ako, ako naman ay napapikit para mag-isip, gusto ko talaga ang camera na yon.

Sinamaan ko ng tingin si Maya pagkamulat ko at tsaka tumingin kay direk.

"Sige po, payag na po ako." Agad itong tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"Mga stylist at make up artist, kayo na bahala kay Mandy." Utos nito at agad namang tumalima ang lahat.

Si Maya naman agad akong hinatak sa room na pinag aayusan. Ngingiti ngiti pa ang gaga na akala mo ay hindi ako binugaw.

"Huwag ka ngumiti ngiti diyan, kasalanan mo ito." Sungit ko sa kanya habang naglalakad kame.

"Mandy, ilang beses na kita nakitang naka swimsuit tuwing pumupunta tayo sa beach, maganda ang katawan mo plus, matangkad ka pa. Kaya mo yan!" Inirapan ko na lang ito at natawa naman siya.

Pagkapasok namin at agad nila akong pinapasok sa CR para maghubad at magsuot muna ng robe para malagyan mg make up. Pagkatapos ay inabot nila sa akin ang isang white na two piece, napapikit ako at inisip na trabaho lang ito. Dati naman na akong nagsusuot ng ganito, ang kaibahan lang ngayon ay maraming titingin dahil nasa photoshoot kame.

Mangha namang napatingin sa akin ang mga stylist pagkalabas ko ng CR.

"Girlllll! Sabi ko sayo ikaw ang perfect para dito eh! Ang ganda mo!" Sigaw ni Maya, napangiti na lang ako at nag thank you sa mga papuri nila kahit na di ako naniniwala kase hello? Normal na tao lang ako. Hindi gaya nung isang diyosa na kasama namin.

Sinuot ko ulit ang robe at naglakad na kami pabalik sa beach, nanlalamig ang kamay ko kasi first time ko itong gagawin.

"Okay, Maya pumunta ka na sa tabi ni Kelsey." Utos ni direk, nakatayong naghihintay na kasi yung isa.

Tinanggal ko ang robe ko at nahihiyang naglakad papunta sa kanya, nakayuko lang ako kasi hindi ko kaya salubungin yung tingin niya. Medyo naiinsecure ako eh.

Nagulat ako nang bigla bito hawakan ang chin ko at inangat ang tingin ko.

"Heads up, babe. You are beautiful, you should have more confidence." Nakangiti nitong sabi at mukha namang sincere siya.

Napangiti na lang ako kasi hindi niya pinaparamdam na modelo siya at ako ay photographer lamang.

"Mandy, higa ka sa sand." Sabi ni Carol isang photographer rin.

Agad naman akong sumunod. "Okay, Kelsey pumatong ka sa kanya." Literal na nanlaki ang mata ko.

Papatong sakin?! Juice ko tulungan niyo po ako!

●○●○●○●

It's been a long time(years actually) since I last updated this story, but I decided to continue it, slowly. I will update whenever I have a free time. I hope everyone is safe anf doing fine.


Miss ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon