Chapter 6

22 3 0
                                    

"Teh, need mo raw lumipat ng room." Napabangon naman ako sa sinabi ni Maya.

"Ako? Bakit? At saan naman ako lilipat?" Takang tanong ko rito.

"Eh may dumating kasi na isa pang stylist, sabi ni direk iyon daw ang matutulog dito, ikaw lipat ka raw sa 402." Napapikit na lang ako at napahiga ulit. Hindi naman sa ayaw ko pero inaantok na kasi talaga ako. Buti na lang at hindi ko pa nailalabas mga gamit ko madali na lang bitbitin.

Tumayo ako at nag ayos, gusto ko na talaga matulog kaya lilipat na ako. Buti na lang rin same floor lang yung lilipatan kong room. Ang tanong sino ba mga kasama ko ron? Dito kasi si Maya at Nicole ang kasama ko, photographer si Nicole.

May isang queen sized bed at isang solo bed dito, tabi kami dapat ni Maya pero wala lilipat ako eh.

"Oh siya, gogora na ako. See you bukas gusto ko na talaga matulog." Paalam ko sa mga ito.

Naglakad lang ako ng ilang minuto at nasa tapat na ako ng room 402. Nakaka ilang katok na ako ngunit walang nagbubukas ng pinto.

Akmang kakatok ulit dapat ako nang bigla itong bumukas. Bumungad sakin ang isang magandang nilalang na nakaputing roba at nagpupunas ng basa nitong buhok. Kakatapos lang yata niya maligo.

"H-Hi Kelsey. Room mo pala ito." Napatingin ulit ako sa room number sa pinto para i-double check kung tama ba ang napuntahan ko.

Kasi bakit naman ako papatulugin ni direk sa parehas na kwarto kasama ang modelo?

"Hi Amanda. Yeah, Nico told me if it's alright daw na you sleeo here because may bigla raw dumating. I said it's fine naman para hindi rin ako mag-isa." Ngiti nito at binuksan ng malaki ang pinto.

Agad naman akong pumasok at ang una kong napansin ay isa lang ang kama sa loob. Isang queen sized bed at may sofa sa gilid.

"Uhm, ano, sa sofa na lang siguro ako." Sabi ko rito. Tinignan naman ako nito na parang nagtataka..

"What are you saying? Tabi tayo sa bed and I won't take no for an answer." Medyo seryoso nitong sabi kaya parang natakot ako. Tumango na lang ako at inayos ang gamit ko.

Kumuha ako ng pamalit pati na rin towel ko dahil balak kong maligo. Iniwan ko si Kelsey na nagbo-blower ng buhok niya. Dali-dali akong naligo dahil inaantok na ako talaga. Nagpalit ako ng puting t-shirt at shorts. Hindi na rin ako nag bra kasi di talaga ako nagsusuot non pag natutulog.

Pag labas ko ay bumungad sakin si Kelsey, naka black itong nighties at nagcecellphone lang habang nakahiga.

Inilagay ko sa isang bag ang madumi kong damit at tinuyo na ang aking buhok. Actually, di ko kasi alam paano ko lalapit kay Kelsey. Nahihiya ako tumabi sa kanya sa pagtulog. Wala namang kaso sa akin sa sofa matulog pero sigurado akong hindi ito papayag.

Dahan-dahan akong lumapit sa kama at humiga. Napatingin ito sakin kaya agad akong napa-iwas ng tingin.

"Do I make you nervous?" Nabigla na naman ako sa tanong niya at napatingin sa kanya.

Nakatitig lang ito sa akin at ito na naman ang puso ko na sobrang bilis ang tibok.

"Ano... Sa totoo lang medyo? Eh kasi, ang ganda mo sobra." Medyo mahina ang pagkakasabi ko nito pero alam kong narinig niya dahil napatawa ito.

Tinabunan ko ng kumot ang mukha ko dahil alam kong pulang pula na ito.

"You're pretty too. Okay, here. Tomorrow sumama ka sakin mag breakfast. My treat." Rinig kong sabi nito.

"Sure ka? Eh nakakahiya naman sayo." Silip ko sa kanya mula sa ilalim ng kumot.

"No, it's fine really. Besides, it looks like na ikaw ang magiging partner ko dahil mukhang hindi na darating si Sam. Kaya mag-bond tayo para you won't get shy around me na." Lord, yung ngiti talaga nitong babaeng ito napaka perfect!

"Okay." yun na lang ang tangi kong naisagot at nag goodnight na sa kanya.

Nag goodnight na rin ito at pinatay ang ilaw na nasa bedside table. Sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon