Kung talagang kabataan ang pag-asa ng bayan,
Bakit niyo tinatanggalan ang boses ng sambayanan?
Mga kabataang pinaglalaban ang kanilang karapatan,
Sa ating bansang tila ba nawalan na ng kapayapaan.Mga namumunong nagpapasarap sa pwesto,
Mga taong patuloy na binoboto.
Mga mamamayang nagtiwala sa pekeng pagbabago,
Mga pangakong napako na sa ating estado.Akala ko ba kabataan ang pag-asa ng bayan?
Bakit parang kami pa ang nagmukhang kalaban?
Sa mata ng mga nakaupo'y hindi pa handa,
Kabataang namulat dahil sa mga akda.Hindi kami ang kalaban dito,
Kami ang gagawa ng mga pangako.
Mga pangakong pinili niyong kalimutan,
Habang ang iba'y nanatili sa kahirapan.Oras na para sa tunay na pagbabago,
Tama na ang inyong mga pangloloko.
Mga kabataang handa nang maglingkod,
Henerasyong hinding-hindi mabubuklod.
YOU ARE READING
Poetry of Reality
ПоэзияOur life is fragile, yet we enjoy things that makes us feel alive and free. Let your true feelings be free, just like every lines in the verses of freedom.