Tala

6 0 0
                                    

Sa bawat bagong umaga,
Ikaw ay tila tala sa aking mga mata,
Ang lakas ng dating sa bawat tingin,
Ngunit hindi ko kayang abutin. 

Tinig mo na tila ba tugtog sa tenga,
Kakulitan mo'y doon nahulog nga,
Sa bawat ngiti mong kaakit-akit,
At sa mga mata mong singkit. 

Bakit ba laging napapangiti,
Sa mga biro mong bigkas ng labi,
Nakakainis, pero napapawi,
Dahil sa mga mata mong nakangisi, nakabibighani

Ngunit kaibigan lang ang turing,
hindi na ba talaga pwedeng humiling?
Dalangin man ay ika'y mapa sa akin,
Ipagsasawalang bahala na lang sa hangin.

Sa mga likod ng ulap ay nagsisilbing tala,
Hindi maabot ng kahit sino pa,
Kahit ano pang sabihin ay wala talaga,
Kailan ma'y hindi magkakaroon ng pagasa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poetry of RealityWhere stories live. Discover now