Umaasa

6 0 0
                                    

Mga gabing kay tahimik,
Mga umagang kay sabik.
Bawat sulat ng titik,
Tadhana'y nagbabalik.

Isa, dalawa, tatlo,
Kaya ko pa ba ito?
Nararamdaman sa'yo,
Tila ngayon ay bisto.

Ngayon ay alam mo na,
Tuluyang nahulog nga.
Umaasang tapos na,
Ngunit 'di ko pa kaya.

Oo na, tama ka nga,
Dapat ngang itigil na.
Hindi na aasa pa,
Ako ay lilisan na.

Poetry of RealityWhere stories live. Discover now