Naghihintay

3 0 0
                                    

Pinipigilan ang sarili,
Pinipilit na manahimik.
Sasabihin ko ba,
Ang tunay na nadarama?


Naghihintay sa iyo,
Sa mga salita mong oo.
Patuloy na umaasa,
Na sana'y maging tayo.


Ramdam na ika'y ubos na,
Wala na bang mga bala?
Hindi mo na ba kaya,
O ayaw mo na talaga?


Huwag kang mangamba sinta,
Kaya nating ibalik pa.
Hayaan mo na ako,
Para mabalik ang dating tayo.



Poetry of RealityWhere stories live. Discover now