Masaya

35 2 0
                                    

Isang salita na nararamdaman,
Na laging nasa isip at puso.
Pero ito ay laging maskara,
Na laging tinatago ang lungkot.

Hindi lahat ng oras ay masaya,
Bagkus ito ay kabaliktaran.
Palaging nakatago sa madilim na mundo,
Na tinatakpan ng liwanag na kay ganda.

Kung sabihin mo man na ikaw ay laging masaya,
Puwes ikaw ay nagsisinungaling at di pinapakita,
Nagiging peke ang tunay na nararamdaman mo,
Sa mga taong nakapaligid sayo.

Ngayon wag ng mahiya,
Wag nang matakot sa iyong nararamdaman.
Wag nang magsinungaling at maging totoo na,
Maging totoo sa iyong sarili at sa iba.

Poetry of RealityWhere stories live. Discover now