Sa bawat salita na ating isinulat,
Mga paraan kung paano natin nilikha.
Tunay ngang hinding-hindi maiintindihan,
Kung ang ating sinimulan ay kathang isip lang ba.Kulitan, asaran, kwentuhan,
Hindi mawari kung ito'y tunay ba.
Mga araw kung saan tayo'y masaya,
Mga gabing tayo ay gumagawa na.Sa kapirasong papel kung saan ito nakasulat,
Sa lukot na ito aking isinulat.
Sa dinami-raming salitang ating inilathala,
Tanging pahimakas lamang ang siyang ating nabigkas.
YOU ARE READING
Poetry of Reality
PoetryOur life is fragile, yet we enjoy things that makes us feel alive and free. Let your true feelings be free, just like every lines in the verses of freedom.