3. Text Message

24.9K 498 25
                                    

Chapter Three: Text Message

Halos matatapos na ang unang linggo ng balik-eskwela pero tila ba napakahabang panahon na ang nagdaan dahil sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari – ang Wildcats, buhay-kolehiyala, si Andrew at si Jayden. Akala ko makakalibre na ako dahil Biyernes na, huling araw ng klase ngayong linggo, pero hindi pa rin ako pinatawad. May natanggap akong text message mula sa hindi kilalang numero.

Good day Ms. Maria Ella Marquez! For your eyes only. If you are against Jayden Peralta, please continue on reading. We want to invite you to join our secret organization. Please respond to this message to set an appointment. :-P

Sa sitwayon ko ngayon, nakakatuwang isipin na merong isang lihim na organisasyon ang laban kay Jayden. Nakakatuwang isipin na baka sila ang makatutulong sa akin. Pero mahirap na basta-basta na lang magtiwala sa isang numero na hindi kilala.

Malay ko ba kung mga tripper pala ang gumagawa nito. At mas malala kung patibong ng grupo ni Jayden. Pero sinubukan ko pa ring mag-reply; ibinigay nila sa akin ang kanilang address sa loob ng campus.

*   *   *

Kahit alas-kwatro pa ang napagkasunduang meeting, tanghali pa lang ay pumunta na ako sa lugar. Sa pinakadulo at pinakasulok na bahagi ng paaralan matatagpuan ang gusali sa address. Pumwesto ako sa ilalim ng isang puno (na hindi ko kilala pero mababa lang at makapal ang mga dahon) sa bandang tagliran ng gusali kung saan ay kitang-kita ko ang kabuuan nito.

Dito matatagpuan ang mga classroom at laboratory ng Industrial Technology courses. Halos mga kalalakihan ang estudyanteng labas-pasok sa gusali. Bukod sa lumang hitsura, nakakatakot ding isipin na naririto ako sa pinakaliblib na lugar sa Wildcats. Kaya lalong lumakas ang aking paniniwala na tama nga ang aking hinala, hindi ko talaga dapat pagkatiwalaan ang secret org kuno na ito. Kaagad din akong umalis.

Alas-tres na nang matapos ang aking mga klase ngayong araw. Isang oras na lang ang nalalabi bago sumapit ang aking appointment sa suspicious secret org. Pero desidido na talaga akong iitsapwera sila.

Patungo ako sa gate ng campus upang umuwi sa bahay nang mapansin ko ang buong grupo ni Jayden. Pinagmasdan ko sila mula sa malayo, sa likod ng malalagong bulaklak. Patungo sila sa parking area, sumakay sa dalawang kotse at lumabas sa gate. Isa lang ang napagtanto ko, hindi sila ang nasa likod ng secret org.

Muli akong bumalik sa address na ibinigay nila. Hindi para makipagkita kundi alamin kung sinuman ang may pakana ng kalokohang ito. Muli akong pumwesto sa puno kung saan ako nagmanman kanina. Kalahating oras na lang bago ang napagkasunduang meeting.

Mataman akong nagmasid kung sinu-sinong mga estudyante ang pumapasok sa gusali. Halos lalaki silang lahat, gaya ng nasaksihan ko kanina. Pero wala sa kanila ang mukhang kahina-hinala at gagawa ng masama.

Kumakabog na ang aking dibdib. Hindi ako sanay sa ganitong undercover na gawain, maliban sa pag-stalk na ginagawa ko kay Andrew, pero ibang motibo 'yon. Pigil at marahan ang ginagawa kong paghinga nang may humawak sa aking braso.

"BOO!" sigaw ng lalaki sa likuran.

"Ay palakang petot!" Nagulat ako. Halos magkalas ang lahat ng aking lamang-loob dahil sa tindi ng adrenaline na dumaloy aking katawan. Secret org ang una kong naisip na gagawa nito. Lumingon ako at nakita ko ang hindi inaasahang prinsipe, este lalaki.

"Andrew? Hi."

Wala pa ring pagbabago sa kanyang taya, nakaitim mula ulo hanggang paa. Nakapagtataka nga kung ilang black T-shirt, black pants at black shoes ang meron siya. Pero imposible naman na hindi siya nagpapalit ng kanyang damit dahil napakabango ng kanyang halimuyak, katulad ng mga sariwang prutas tuwing tag-araw.

Jayden UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon