21.B. Coca-Cola Glasses

10.4K 395 20
                                    

Chapter Twenty-One: Coca-Cola Glasses

Bakit ang mga bata, matapos umiyak, naghahanap ng pagkain?

Nang makalabas kami ni Jayden sa auditorium, inaya niya akong kumain. Pero nang mapadaan kami sa harapan ng cafeteria, dire-diretso siyang naglakad hanggang sa makarating kami sa parking area ng Wildcats.

Sasakay na sana kami sa kanyang Chevrolet nang mapansin ni Jayden na butas ang isang gulong nito sa hulihan.

"This is getting serious." Nakayuko siya habang iniinspeksyon ang gulong ng kotse.

"Isang gulong lang naman ang flat kaya h'wag ka nang ma-bad trip."

Tumayo si Jayden at pinaspasan ang kamay. "You don't understand. I mean—Nothing."

"May problema ba?"

"Nope." Ngumiti siya.

Pero hindi ako kumbinsido. Bigla kasing nagbago ang kanyang aura simula nang makita niya ang flat na gulong ng kanyang sasakyan. At base sa kanyang mga titig, para bang naglalakbay ang kanyang isip.

"Okay." Sumandal ako sa van na katabi ng kotse ni Jayden.

"Galit ka na naman ba sa 'kin, Ri?" May pangamba sa kanyang mga mata.

Umiling ako.

"Nakasimangot ka kasi."

Hindi ko namalayan, gusot pala ang aking mukha kung hindi pa napuna ni Jayden. Naiinis kasi ako na naglilihim siya sa akin. Pero sino nga ba naman ako para panghimasukan ang kanyang pribadong buhay?

"Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong sabihin sa 'yo. I mean, this is my problem. This is about me."

Nakonsensya ako. Para bang minanipula ko ang emosyon ni Jayden. Paano kung seryosong bagay pala ang tinutukoy niya at dapat na isikreto? Patitigilin ko sana siya pero tuluy-tuloy siyang nagsalita.

"Ilang linggo na kasing may nanggugulo sa 'kin. At ito na ang pangatlong beses na flat ang gulong ng kotse ko dahil may taong bumutas nito."

Naalala ko ang biglang pagkabutas ng gulong ng kotse ni Jayden sa tapat ng aming bahay noong araw ng Linggo. Naalala ko rin ang mga basag na paso sa harapan ng Tambayan. Ang Underground Society Against Jayden Peralta o USA-JP lang ang kilala kong grupo na laban kay Jayden. Pero imposible na sila ang nasa likod ng panggugulo. Bagama't wirdo ang kanilang pinuno na si Sider at kakatuwa ang mga kilos at gawa ng mga miyembro, hindi sila sa ganitong paraan lumalaban, malayo sa karahasan ang layunin ng kanilang samahan. Pero posible rin namang mga tao lang na walang magawa sa buhay ang may kagagawan nito.

"Ayos lang ba kung maghintay tayo dito ng ten to fifteen minutes? Tumawag na 'ko sa bahay at maya-maya lang, darating na ang sasakyan."

"H'wag na lang kaya tayong tumuloy."

"Gusto mo na bang umuwi?" Lalong naging malungkot ang mukha ni Jayden.

"Hindi naman," sabi ko. "Pero ikaw ang inaalala ko. Sigurado ka ba na ayos ka lang?"

Tumango siya. "At mas magiging okay ako kung sasabayan mo ako sa pagkain."

Labanan pala ito sa pagkontrol ng tao gamit ang emosyon. Kung hindi lang siya nag-iyak at hindi binutas ng kung sinuman ang gulong ng kanyang kotse, hindi ako maaawa sa kanya.

*   *   *

Isang matangkad na lalaki, na sa tingin ko ay hindi bababa sa six feet ang taas, ang bumaba sa kotse na silver metallic ang kulay. Siguro nasa pagitan ng late thirties hanggang early forties ang kanyang edad. Nakasuot siya ng polo barong na kulay abo, black pants at black leather shoes. May earpiece na nakasalpak sa kanyang kaliwang tenga. Natatakpan ng black shades ang kanyang mga mata. Nang tinanggal niya ito, bigla kong naalala kung sino siya. Si Kuya Rods, ang security ni Jayden na kasama niyang naghatid sa akin sa aming bahay noong isang linggo.

Jayden UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon