Chapter 4

18 0 0
                                    


Simula nang huli naming pag tatalo , parang nag iba na siya pero ako patuloy pa rin sa pag papadama sakanya na andito lang ako pwedeng maging karamay niya . Naging matagumpay ang online selling ko at naka ipon rin ako ng malaking halaga estimated ko ay umabot din ng thirteen thousands , malaki laki na rin ito para maka tulong sakanya. Hindi ko naman kasi masyadong kailangan ng pera dahil hindi naman ako gipit , ginawa ko lang ang online selling para makaipon ng pang dagdag sa marticulation niya para sa fourt year sayang naman kasi kung hihinto pa siya e , isang taon na lang makaka graduate na kami.

Madalas ko na lang din makasama si kayden dahil parati siyang madaming ginagawa , minsan nakakapagtaka dahil kahit gabi wala siya sakanila . But instead na pag dudahan ko siya ay pinili ko na lang na intindihin siya dahil baka pag mulan na naman ito ng away namin which is iniiwasan kong mangyare.

It is sunday morning ng mapag isipan kong puntahan siya sa bahay nila , namimiss ko na ang mga date namin na ngayon ay bihira na lang mangyare . Nag ayos ako at pinili ko na lang suotin yung ripped jeans na navy blue partner with croptop. I decided to tie my hair in bun , nag spray din ako ng konting pabango and ready to go na.

Sumakay lang ako ng tricyle at nag pahatid lang ako sa kanto kung saan ilang lakad na lang ay bahay na nila . Medyo kinakabahan pa ako kasi baka wala na naman siya at masayang lang effort ko pero laking tuwa ko ng makita siya sa kubo sa gilid lang ng bahay nila na may kausap siyang limang lalaki . Hindi sila gaanong familiar sa akin kasi ngayon ko pa lang sila nakita at hindi ko rin alam na may iba pa palang kaibigan si kayden .

Lumapit ako sakanya at humalik sakanya dahil miss na miss ko na siya.

" Hi mhine , sino sila?"

' A-anong ginagawa mo dito ? ' agad na tanong niya , bakas pa sa mukha niya ang pagkagulat na nasa harapan niya ako.

" It''s sunday remember? Tara gala? "

' May ina asikaso pa kasi ako e, pwede ba sa sunod na lang? '

" Ganun ba? Sige , btw sino sila?"

Nagkatinginan ang limang lalaki na nasa harapan ko at kahit si kayden ay halatang hindi rin alam ang isasagot. Kaya napag isipan kong ako na lang ang maunang magpakilala dahil baka nahihiya lang sila.

" Hi sa inyong lahat :) I'm Martina Allyson , Kayden's girlfriend " sabay lahad ng kamay ko sakanila.

' Wayd , ka grupo ni kayden '

' Liam here '

' I'm Zach , it is pleasure to meet you '

' Nix , Co founder of the group '

' I'm Brax, welcome to the dangerous world '

Lahat sila ay binigyan ng pag babantang tingin yung lalaking huling nagsalita . Hindi ko rin maintindihan bat ang weird niya magsalita.

Hindi ko namalayan kung bakit biglang galit ang expression ni Kayden at saka ito nag salita .

' Stop threatening her ' saad niya habang matalim ang tingin sa lalalaking nag ngangalang Brax.

" I'm not . Just a warning " . Makuhulagang sagot nito.

Nahalata siguro ng lahat na medyo na iilang na din ako sa usapan nila kaya isa isa na silang nag si alisan , mga bigatin ah . Siguro sila yung nag mamay ari nung mga kotse dun sa may kanto.

Nang maka alis na sila ay bigla na lang akong niyakap ni kayden , which I found it sweet kasi hindi na siya galit at namiss niya din ako.

' Mhine saan mo gustong pumunta? Treat ko kahit saan ' biglang offer niya.

" Wow ah , mapera ka HAHAHA "

' Seryoso nga mhine , sabihin na natin na pang bawe ko na din sayo kasi alam kong nag tatampo kana '

" Para kang timang , hindi naman ako nag dedemand na bumawe ka , gusto ko lang magka ayos tayo "

' Ah basta mag dedate tayu , may nakita akong bagong bukas na milktea shop '

Para akong nabuhayan bigla dahil sa sinabi niya. It's milktea my favorite milktea .

" Sure ka ba ? Bale ganto na lang hati na lang tayo sa bills para di naman mabigat sa parte mo game ? "

' Ako ang taya ngayon mhine , sagot ko lahat kahit ano pang order mo '

" Nakain mo hah? Diba nag titipid ka?"

' I just realized na you deserved to be treated well , lagi na lang kitang dinadala sa hepa lane e . Kaya ngayon dun na muna tayo sa paborito mo. '

" I love you and Thank You "

Tulad nga ng sabi niya ay pumunta kami sa bagong bukas na milkshop which named as TEAcuPs . Ang gaan ng ambiance ng lugar na toh at pati rin mga interior design ay magaganda , perfect place toh sa mga gusto mag relax while drinking their favorite milktea or either frappe.

Nasa menu din nila ang iba't ibang uri ng pasta and pizza. Madaming masarap kainin sa menu ang problema lang ay ang mamahal nito.

' Mhine anung gusto ? Let's order na '

" Ahm ano sakin , Fries cheese flavor saka Tuna pizza and Milktea yung red velvet "

' Yun lang ba? Baka may gusto kang idagdag ?'
tanong niya na para bang hindi inaalala yung bills na babayaran mamaya.

" Okay na sakin yon " sagot ko na lang .

Dumating ang order namin at para kaming sabik pareho kumain ng marami , hindi naman sa first time namin kumain ng ganto sadyang bihira lang talaga kami pumasyal sa mga shop na ganto kasi pang hepa lane lang yung budget namin.

May pag aalangan man ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko , hindi ko pa rin kasi maiwasan maisip kung bakit bigla bigla siya nagyaya sa gantong lugar . Saan niya nakuha ang pera niya? Hmm maybe mga tips sakanya dun sa Restobar na pinag tatrabahuhan niya..

' Mhine ang takaw mo HAHAHA '

Tinignan ko siya ng masama dahil ayan na naman yung pang asar na side niya.

" Parang ikaw hindi ah " sabay irap

' hindi naman talaga , ikaw kaya jan parang may ka agaw '

" may katabi kasi akong magaling mang agaw "

It was supposed to be a joke pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag iba ang mood niya na para bang may nasabi akong masama.

' Minsan kailangan mo matutong mang agaw para hindi ka masamantala ' makahulugang saad niya .

The Sweetest LiesWhere stories live. Discover now