Chapter 7

22 0 0
                                    

Days had passed since he left pero yung sakit nandito pa rin . Hindi ko alam kung paano ako nakakasurvive everyday na hindi ko siya nakikita at nakakasama . Feeling ko bigla na lang ako nawalan ng matinong pag iisip simula nung iwan niya ako . Pati magulang ko hindi na rin nagugustuhan ang mga kilos ko .

Linggo ngayon at napagdesisyonan ko ng bumaba para kumain ng tanghalian , nakalimutan ko ng kumain kagabi at kaninang umaga dahil wala akong gana .

' Martina anu ka ba? Pinapabayaan mo sarili mo dahil sa lalaking yon. Matalino ka wag kang umastang tanga at desperada ' saad ni mama.

Hindi ako umimik at hinayaan lang tumulo ang luha ko . Hindi ko kailangan ng sermon ngayon , gusto ko nang makakaramay .

' Ano , balak mo na lang lagi mag kulong sa kwarto mo? Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin na iniwan ka na? Hindi na yon babalik at kung bumalik man siya wala na siyang babalikan '

" M-ma , Wag ngayon p-please " pakiusap ko dahil hindi ko na kaya pa tumanggap ng masasakit na salita , hindi ngayon.

' Andami mo ng naka relasyon at kahit isa sakanila hindi ka nag habol , hindi ka nagkaganyan . Ayos lang sayo kahit iwan ka o ipagpalit , pero ano toh ngayon? Bat ka nag kakaganito? ' bulyaw pa niya .

Mas lalong bumuhos ang luha ko sa mga sinabi niya , kung alam mo lang ma! Kung alam mo lang.

Sa kabilang banda hindi na napigilan ni papa na sumabat sa usapan , na ipinagpasalamat ko .

" Tama na yan , Nak Allie usap tayo mamaya . Kain ka muna " saad ni papa sabay bigay ng tipid na ngiti .

" Kaya lumalakas loob ng isang yan e, kinokunsinti mo "

' May pinagdadaanan yung anak natin , intindihin mo naman '

Sa sinabing yun ni papa , hindi na umimik pa si mama . Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko dahil nagugutom na din ako .

Nang matapos na kaming kumain ay niyaya ako ni papa na pumunta sa likod ng bahay namin. Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung san ako mag sisimula .

' Nak , Allie . Andito lang si papa '

" Alam ko po "

' Bat hindi mo sakin sabihin kung ano yung tinatago mong sama ng loob ? '

" K-kasi po hindi ko matanggap "

' Allie , alam kong matagal na kayo ni Kayden pero siguro kailangan mo din matuto at tanggapin na hindi lahat ng oras ay magkasama kayo . Marami pa kayong dapat mas unahin kesa sa relasyon ninyo , kasi anak hindi lang naman sainyo iikot ang mundo . Tandaan mo ito Allie hah , wag mo gagawing mundo yung alam mong tao lang , para hindi ka sobrang nasasaktan. '

" P-pa , g-ginawa ko naman l-lahat e. Pero bat ganun? Bakit parati akong iniiwan ?"

" Sa t-tingin mo pa ? San ako nagkulang?"

' Sa palagay ko nak , Hindi ka nagkulang sumobra ka lang sa pagmamahal
sakanya kaya siguro nakampante yung tao na kahit anong gawin niya , anjan ka pa rin para sakanya. '

" Akyat muna po ako Pa. Gusto ko magpahinga "

' O siya sige , basta wag ka ng mag kukulong sa kwarto ah . Pinag aalala mo kami '

" Sige po "

Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko at dun hinayaan kong tumulo ang luha ko . Masyado na kong nagiging mahina .

Nang mapagod ako sa kakaiyak ay nahiga na lamang ako sa kama ko at hinayaan kong lamunin ako ng antok .

Nagising lamang ako ng may malakas at walang tigil na kumakatok sa pintuan ko . Tamad akong binuksan ang pinto at nabigla na lang nang salubungin ako ng yakap ng best friend ko .

The Sweetest LiesWhere stories live. Discover now