Chapter 5

20 0 0
                                    

Wala kaming imikan hanggang matapos kami sa pagkain hindi ko alam bakit parang iba yung naging dating sakanya nung sinabi ko at hindi na rin ako napalagay kaya napag desisyonan ko ng kausapin siya.

" Kayd? Did I say something wrong ?"

' Wala '

" Sure ka? Para kasing bigla ka nawala sa mood"

' Pagod lang , tara iuuwi na kita sainyo '

" Pero marami pa tayong  oras na mamasyal ? Bat iuuwe mo agad ako?
may lakad ka ba? "

' Wag ng madaming tanong mhine '

" Pero kasi -

' Sinabi ko na diba? Uuwe kana at ihahatid kita kaya pwede ba wag ka ng makulit at sumunod ka na lang '

" S-sige "

Tulad nga ng sinabi niya ay hinatid niya na ako sa bahay at umalis na rin siya ka agad , eventhough gusto ko pa sana siya makasama ng matagal tagal ay wala rin naman akong magawa dahil kung paiiralin ko lang ang kakulitan ko ay paniguradong mag aaway lang kami .

Pagpasok ko pa lang ay nakita ko agad ang matamis na ngiti ni papa sa akin habang si mama naman ay naka abang sa sasabihin kong good news.

' Martina Allyson anong resulta ng finals mo?' agad na tanong ni mama , well para sakin hindi na toh bago dahil lagi niya naman yan tinatanong sakin.

" Still on the top ma " saad ko sabay ngiti ng matipid.

' Inaasahan na namin yan nak , congratulations pala ' singit na saad ni papa.

' Madali na ang summer vacation at ilang buwan na lang fourth year kana kung ako sayo mas pag bubutihan ko para maging runner up ka at makuha mo ang  title na  Summa CumLaude '

And here we go again , the pressure which make me overthink what if I failed , would they still be proud of me or will they dissappointed on me.

' Ma , masyadong mataas yung title na yon baka hindi ko ma reach ' reklamo ko.

" Lagi kang top 1 , hindi naman mahirap makuha yung title kung gugustuhin mo "

Yun na nga e. Hindi ko gusto kasi napapagod na din yung utak ko. Mga salitang gustong gusto ko ipaalam sakanila pero hindi ko magawa kasi nakikita nila ako as the figure of a perfect daughter .

' Sige ma , pag bubutihan ko pa po . Pasok na po ako sa kwarto '.  biglang paalam ko para hindi na humaba pa yung usapan tungkol sa studies ko.

I realized now na may punto naman si kayden na pinipilit ko lang talaga yung sarili ko sa bagay na hindi ko naman talaga gusto. Alam niya na dati pa lang na I rather prefer to be a normal student dahil walang stress at walang expectations , gusto ko lang naman is yung ma ayos na marka kahit hindi matataas basta pasado ay ayos na .

Pero simula ng tumungtong ako sa first year college at nag rank 1 ako sa classroom achievers namin , doon na lahat nag simula lahat . Naging proud sakin si mama at pinagkalat niya pa sa mga kamag anak at kaibigan niya na top 1 ako at forever achiever daw hanggang maka graduate ako . Back then I saw how happy she was , kaya sabi ko sa sarili ko na lagi kong pag bubutihan para maging masaya si mama not knowing na naisantabi ko na din yung mga gusto ko .

Nahiga ako sa kama ko at nag isip isip nang ilang minuto bago ko napag desisyonan na tawagan si kayden . I miss him already .

After a couple of ring at last he picked up the phone.

" Ahm mhine ? San ka? Miss you agad "

' Busy ako mamaya kana tumawag '

Bago niya ibaba yung phone ay may narinig akong putok ng baril kung hindi ako nag kakamali , at sa kadahilanang hindi ako mapalagay kung asan ba siya ay muli ko siyang tinawagan .

But this time  he's not answering my calls , What the hell are you doing Kayden ? Your'e making me worried damn it.

Sa pagkakataong ito ay hindi talaga ako mapalagay kaya umalis ako ng bahay at pumunta sakanila , I am expecting to see him there pero nagkamali ako dahil hindi siya ang nakita ko , naka itim na mga lalaki na may hawak ng baril ay sa ngayon nasa harapan ko na . Hindi ko alam kung anong irereact ko dahil hindi pa rin ma absorb ng utak ko ang pangyayare ngayon .

" A-anong ginagawa niyo dito at sino kayo ?" tanong ko ng may halong kaba.

Nginisihan lang ako ng isang lalaki bago ito magsalita.

' Mukhang grasya na ang lumalapit satin ah , tignan natin kung makapalag pa yung Axel na yan gayong nasa atin na ang shota niya '.

Nakaramdam ako ng takot kaya humakbang ako ng humakbang palayo sa bahay nila at humanap ng bwelo sabay takbo pero kahit sobrang bilis ko na ay na abutan pa rin nila ako . Nasaktan ako ng bigla na lang may humawak sa buhok ko sabay suntok sa bandang tiyan ko , parang nawalan ako ng lakas na tumakas kaya hinayaan ko na lang sila na ipasok ako sa loob ng van , while deep inside I'm praying desperately na sana mailigtas ako ni Kayden .

Dinala nila ako sa abandon building kung saan maraming nagkalat na broken glass , tinali nila ako ng mahigpit at nilagyan ng busal ang bibig ko para hindi raw ako masyadong maingay dahil naririndi na sila sakin. Right now naiisip ko na sana wag na lang pumunta si Kayden dito kasi parang dehado siya lalo na may mga baril yung mga naghahanap sakanya , while on the other hand sana pumunta man siya dito may pulis na siyang kasama para hindi siya mapahamak .

Naka ilang tawag sa telepono niya yung lalaking sumuntok sakin kanina at base sa expression niya ay parang pikon na pikon siya sa kausap niya . Ng matapos na itong makipag usap sa kabilang linya ay ako ang pinagbalingan niya ng inis niya , hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko na sa sobrang sakit ay namamanhid na at hindi pa siya nakuntento sinampal niya pa ako .

Tumigil lang siya sa pananakit sakin ng biglang awatin siya ng isa pa nilang kasamahan at sinabing nasa labas na daw yung inaantay nilang bisita.

Gusto kong umiyak dahil nasasaktan na ako at idagdag pa yung napakahigpit na lubid na nakatali sa kamay ko , pero imbes na umiyak ay naagaw ng tatlong lalaki na kakapasok pa lang ang atensyon ko . Nakita ko si Kayden na nangunguna sa paglalakad at naka sunod sakanya yung dalawang lalaki na naabutan ko sa bahay nila na nagpakilala sakin kanina

' Sa wakas dumating ka din , akala namin hindi mo na ililigtas tong shota mo eh '  saad ng lalake na sumuntok sakin kanina .

I am expecting to see how much he worried on me kasi yun naman lagi yung nakikita ko tuwing nasasaktan ako at makikita niya akong nahihirapan , pero ngayon his cold stare settled on me and suddenly he smirk .

" Sa tingin mo ba magagamit mo sakin yang babae na yan laban sakin ? "

I felt a little pang on my chest because of what I heard , bakit parang wala lang ako sakanya? 

' Oo naman , siyempre shota mo toh at mahal mo kaya panigurado apektado ka pag nasaktan toh  , sa tingin mo ba hindi namin malalaman ang kahinaan mo? ' saad ng lalaki na para bang siya ang panalo sa laban nilang dalawa ni Kayden.

" Para sabihin ko sayo Ryan , pumunta ako dito para sabihing wala akong paki jan sa hawak niyong babae , hindi ako pumunta rito para iligtas siya kasi hindi naman siya ganon kahalaga para maging kahinaan ko " he said while maintaining his cold gestures.

Nasasaktan ako physically pero iba yung dating pag emotional na yung usapan , iniyuko ko na lamang ang ulo ko dahil hindi ko na kayang pigilan ang luha na kanina ko pa tinitiis na tumulo . Ang sakit isipin na yung taong akala mo mag liligtas sayo ay wala naman palang pakialam sa kalagayan mo at hindi lang yon ipinamukha pa sayo ng harap harapan na hindi ka naman ganon kahalaga sakanya.

Hinila ako patayo ng isa pang lalaki at pilit kinakaladkad papasok sa van , " Oh God !  please save me , please " I beg while my tears continue to flow around my cheeks.

Nagkaroon ako ng pag asa ng biglang magsalita si Kayden .

' Kami na ang mag hahatid sakanya '

Napatingin naman lahat sakanya bago ito nag simulang mag sitawa .

' Baliw ka ba? Sa tingin mo ibibigay namin siya sayo ng buhay ?

At dahil sa mga sumunod na salitang lumabas sa bibig niya ay nawalan na ako ng pag asa , pag asa na sana mailigtas niya .

"  Sino bang nag sabi sayong bubuhayin pa namin siya ? Ako at ako lang  ang pwedeng pumatay sakaniya "

The Sweetest LiesWhere stories live. Discover now