Chapter 3

30 1 1
                                    

Dalawang araw na ang nakakaraan at ngayon finals na namin , ni review ko ulit lahat ng nasa notes ko para wala akong maging pagsisisi na naging pabaya ako . I admit these past two days occupied ako pero hindi ko hinayaan na maka apekto ang problema ko sa pag aaral ko. I always make sure that my study is my top priority .

Nag simula ang final exam namin na hindi naging mahirap sakin dahil tingin ko pa lang sa mga tanong alam ko na ang sagot . Naka focus ako sa test paper ko ng bigla bigla na lang may sumipa sa paa ko at ng lingunin ko ito ay walang iba kundi si Mynie my highschool best friend .

' Baka naman pwedeng pakopya Martina , sasabog na ulo ko pero wala pa rin akong maisagot '

" Saan ka ng part ?"

' Sa lahat '

Napatigalgal ako sa sagot niya at tinignan siya ng seryoso .

' Nag papanggap lang akong nag susulat para naman hindi mahalata ng prof na olats ako kaya pwede ba pakidalian sa pag sagot at paki ayos din ng sulat mo para hindi na ako mahirapan sa pag kopya '

" Ikaw hah , pasalamat ka kaibigan kita kung hindi hahayaan talaga kitang walang maisagot . Nakakagigil ka e. "

Pasaring kong pinakita sakanya ang test paper ko at siya naman ay parang naging telescope ang mata at agad nang kopya .

' Ang gulo ng sulat mo Martina , ang hirap maintindihan '

Ngumiti na lang ako sakanya dahil nang gigil ako sa babaeng toh , lakas ng loob mang lait sa sulat ko eh makikigaya lang naman haysss.

Natapos ang exam namin ng ma ayos at ng makalabas ang instructor namin ay bigla na lang nag reklamo si Mynie.

' Anu ba yan , sobrang hirap naman ng exam halos natuyo ata lahat ng brain cells ko sa stress eh. '

Nagtawanan naman ang iba naming kaklase knowing Mynie kilala siya ng mga classmate namin as a copy cut .   Basta examination halos lahat close niya , sabi niya sakin yun daw ang way niya para makuha ang loob ng isang tao at hayaan siyang makakopya ng sagot mula sa mga ito. 

Kinantyawan naman siya bigla ni Allen Kyle na isa rin sa mga pang asar sa klase namin.

" Sa pagkaka alam ko nakikopya ka lang ah , tas sasabihin mo na stress brain cells mo , meron ka ba non ? Parang wala kasi e. "

Inirapan lang siya ni Mynie but knowing her , hindi siya mag papatalo sa gantong bagay .

' Ah talaga ba? Para sabihin ko sayo nakaka stress din mang kopya at tinatanong mo kung may brain cells ba ko? '

" Wala ko nun diba , HAHAHAHA " malakas na tawa ni Allen .

' Tanga ka ba ? Parang di ka nag aaral ah , paano ka naka tungtong sa college niyan ?'

" Hahaha pinagsasabi mo Mynie , asar yan??"

' Malamang meron akong brain cells , nasa utak ko nga diba ? Brain nga diba? Bobo ka '

Nawala sa pag tawa si Allen at siya ang naging batuhan ng asaran dahil wala na naman siyang palag kay Mynie , well she's my bestfriend and I am proud of her.

Lunchtime na at papunta na kami sa cafeteria , inaasahan ko ng makikita ko siya sa paligid at hindi nga ako nagkamali. I saw him eating while talking to his friends . Kamusta kaya ang exam niya sana okay lang .

' Beh LQ kayu ng jowa mo?' biglang tanong nitong chismosang si Mynie .

" Misunderstanding lang "

' Eh bakit parang ikaw lang apektado ? Look oh ang saya niya while ikaw naman parang pinagbagsakan ng langit at lupa '

" I'm fine Mynie "

' And here you go , pretending to be fine even your'e not '.

I smiled bitterly at her , she know me too well ano pang sense nang pag sisinungaling ko.

" Ayoko talaga magka jowa sakit sa ulo at dagadg stress "

' Hinde naman lahat puro stress , madami kang ma iexplore pag na try mo na magkaroon ng karelasyon'

" I would rather stay single than to be in a fucking relationshit "

Nang matapos ang lunch time ay kinondisyon ko ulit ang sarili ko na mag focus sa exam , I need to get a high score dahil lingid sa ka alaman ng iba ay mataas ang expectations ng magulang ko sa akin.

Matagumpay kong natapos ang mga exam ko ngayong finals kaya nag eexpect ako ng positive results dahil alam ko sa sarili ko na lahat ginawa ko para lang sa finals na toh. At ngayong tapos na ang Finals ay dapat ko ng kausapin si kayden , yung relationship naman namin ang aasikasuhin ko.  Nauna na akong lumabas ng room at hindi ko na nahintay si Mynie dumiretso agad ako sa Department nila kayden at tamang tama lang ang dating ko dahil uwian pa lang nila.

" Kayd pwede ba tayo mag usap?"

' Wala kong time , may night shift pa ako mamaya ' malamig ang trato niya sakin at yun yung hindi ko maintindihan.

" Kahit saglit lang , I want to clarify things "
pursigido akong makausap siya ngayon dahil mababaliw na ako sa kaka overthink sa nakita ko ng gabing yon.

'  For sure nag overthink ka na , anu pang silbi ng paliwanag ko kung hindi mo na paniniwalaan diba? '

" kelan ba kita hindi pinaniwalaan kayd?"

' Look martina , ibang bagay na yon at alam kong nasaktan ka sa nakita mo , ngayon sabihin mo sakin kaya mo ba talagang paniwalaan kung mag papaliwanag pa ko'

Hindi ko na mapigilan ang luha ko na gusto ng tumulo kanina pa , hindi ko rin na kontrol ang emosyon ko at nasigawan ko siya.

" oo kayd kaya kong paniwalaan dahil paliwanag mo lang naman ang ina antay ko e. H -how can you even tr-eat me like this ? Na ikaw yung may dapat ipaliwanag tapos ikaw pa tong may ganang iwasan ako sa loob ng dalawang araw. " dahil sa sobrang sama ng loob ko tuloy tuloy lang ang pag patak ng luha ko ni halos hindi ko na naisip na nasa hallway lang kami nag uusap.

" Your'e being u-unfair kayd, I deserve your explanation that time pero pinagkait mo hindi lang yon iniwasan mo pa ako , How can you even blame me na nag over think ako?  Kung sana nag paliwanag ka kaagad sana hindi ako nag isip ng kung ano ano at sana naliwanagan agad ako "

' Hindi ko alam kung pano ka haharapin Martina , hindi ko rin gusto na mahirapan ka sa kakaisip kung anu ba talaga ang problema . I'm sorry '

" Hindi mo gusto na mahirapan ako? Talaga lang hah! hindi mo pala gusto bakit hinayaan mo lang ako? " I said while sobbing and wiping my tears.

' Martina hindi lang naman ako ang may kasalanan kung bakit hindi tayo nag pansinan. Hula ko pa nga naging favorable sayo na wala tayong komunikasyon kasi walang naging sagabal sa finals mo . '

" How can you even think like that? "

' Hindi mo rin naman sinubukan kausapin ako at nag focus ka sa pag rereview kasi ang gusto mo maging number one ka na naman , kasi gusto mo mabati ng mga tao , hindi mo ako iniisip kasi mas mahalaga sayo yang lintek na rankings na yan kahit alam naman natin pareho na napipilitan ka lang at pinepressure mo lang ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman talaga gusto ' 

This was the first time na nagtalo kami ng ganto kalala , in five years together madali lang namin na aayos ang problema pag may hindi kami pag iintindihan pero ngayon iba na ata.

The more we matured , a lot of things got complicated.

The Sweetest LiesWhere stories live. Discover now