CHAPTER 3
The book
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
"KAMAKAILAN lang, may natagpuan ang mga eksperto na isang mikrobyo sa syudad ng Maynila. Ito ay ang Maxima 2151. Sa kasalukuyan naman, isang security guard ang natamaan ng mikrobyong ito. Nakuha ng lalaki ang virus sa isang libro na kaniyang nakita sa likurang bahagi ng kanilang eskwelahan"Ayon sa mga seguridad, ang nasabing mikrobyo ay nakapagbibigay ng kapangyarihan sa isang tao maging ang imortalidad. Ayon naman sa mga siyentipiko, maaaring may kinalaman ito sa biglaang blackout sa buong mundo noong nakaraang linggo," sabi ng reporter sa balita.
Nakikinig lang ang mga estudyante doon. Mas naging interesado pa sila sa balita ngayon lalo na't may kinalaman ito sa pagiging imortal. Nais ng mga tao na magkaroon ng kapangyarihan kaya't tutok sila rito.
"Saan kaya banda 'yan? Gusto ko makakuha," sabi naman ni Jackie. Kunot-noo siyang tinignan ni Davin nang marinig nito ang sinabi niya.
"Sigurado ka? Mikrobyo 'yon! Baka mamaya madumi pala 'yon. As what the scientist said, it is a virus. And as the news says, it is contagious kasi nahawa si manong guard without even touching it. Most likely, it's dangerous," paliwanag naman ni Davin. Napakunot naman ang noo ni Jackie dahil sa kaniyang narinig.
"Masyado kang matalino, sinasabi ko lang naman e. Malay mo makatulong pa 'yan sa economy," pangangatwiran ni Jackie.
"Hindi nga gano'n 'yon! Hindi natin kilala 'yan, it's probably an alien virus. Something that never lives on our planet," pagtanggi ni Davin sa paliwanag ni Jackie.
"Okay fine, Mister son-of-scientist," sarkastikong sabi ni Jackie sabay irap.
"Thank you, miss daughter-of-an-economist," sarkastiko ring sabi ni Davin.
"Hay nako Davin, 'yung rebutts mo pang-matalino. Ang hirap makipagtalo sa'yo," puna naman ni Laviola sa kaniya.
"Sa true," pagsang-ayon ni Jackie.
"Oh come on, Lavi. I know you're proud of me," sabi naman ni Davin sa kaniya sabay lapit ng mukha niya sa dalaga.
"Of course, I'm proud of my baby," tugon naman ni Laviola. Tila nandiri si Jackie dahil sa nakita niya sa kaniyang harapan.
"Ang sarap masuka," bulong niya saka binuksan ang kaniyang sitserya. Wala pa rin naman ang kanilang guro dahil sa nangyari kanina. Inaalam pa rin ng mga autoridad ang nangyari.
---
MAKALIPAS ang ilang oras, pinauwi na rin ang mga estudyante. Hindi natuloy ang kanilang klase dahil sa mga bagay na nangyari sa araw na iyon. Agad na nagsi-uwian ang iba habang sina Davin, Jackie at Laviola naman ay nag-hihintay.
"Aantayin ba natin si Cullen?" Tanong ni Jackie nang mapansin niya na parang may hinahanap si Davin.
"Nope, he wants to be alone," sagot ni Davin sa kaniya. Nagtataka man, hindi na nagtanong pa si Jackie.
"Anyway, I have to talk to Laviola alone okay? Wait for me here," sabi naman ni Davin. Walang pasabing hinila ng lalaji si Laviola kaya walang nagawa si Jackie kundi ang maghintay.
"Ano kaya 'yon?" Tanong ng babae sa kaniyang sarili. Hindi naman ito ang dating gawi ng dalawa kaya nagtataka pa rin siya.
Hanggang sa makaramdam siya ng kakaibang kaba. Unti-unting namawis ang kaniyang mga kamay. Para bang may masama siyang kutob. Kaya hindi rin siya nakatiis, muli siyang pumasok sa loob ng kanilang building.
Malalaking hakbang ang kaniyang ginawa para mahanap ang dalawa. Ngunit, wala sila sa unang palapag. Umakyat na lamang sa ikalawang palapag si Jackie. Purisigido itong mahanap ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Maxi Outbreak
Science FictionIt's year 2051 Everything changed, everything became new to the eyes. New equipments, new style, new life and new purposes and view in different things. Everyone evolves in their own way. Everyone is happy to live in this world with a diverse equali...