Chapter 8 : A Little Bit of Closure

30 6 1
                                    

CHAPTER 8
A Little Bit of Closure








ㅤㅤ
NANG mailabas na ni Davin ang kaniyang laptop, agad itong kinuha ni Quintessa at saka inilapag sa isang kahon na kinauupuan ng bata kanina. Nang buksan niya ito, kusang lumitaw dito ang screen kung saan maaari silang magtipa ng kung ano-ano.

Dahil may kalakasan na rin ang signal sa kanilang taon, hindi na nila kailangan pang sumagap. Ngunit, sa araw na iyon ay may kahinaan ito. Marahil ay dahil ito sa kaguluhan kahapon. Maaring maraming nasira sa araw na iyon kung kaya't kumonti ang lakas ng signal..

"Mahina ng slight 'yung network based dito," sabi naman ni Quintessa sa propesor saka lumayo sa laptop. Hinayaan niya itong tignan ang kompyuter.

Nang makalapit doon ang propesor, agad niyang kinalikot ang mga ito. Una siyang pumunta sa website na chrome at saka nagtipa doon nang kung ano. Maraming bagay ang lumabas ngunit isa lang ang pinindot ng propesor.

Hindi na rin naman kailangan ng wire ng laptop ni Davin kaya't wala nang ibang pinindot ang propesor. Nang marating niya ang website na kaniyang hinahanap, agad niyang tinignan ito.

Subalit, nang kaniyang pindutin ang open, may mga letrang lumabas na nagsasabing kailangan niya pang magtipa ng passcode para mabuksan ito.

"Think of a number, Solomon." Utos niya kay Quintessa gamit ang apilyedo nito. Agad namang nag-isip ang dalaga ng posibleng numero.

"83453," agad na sabi ng dalaga.

Ngunit, hindi iyon ang kinuha ng propesor. Bagkus ay binaligtad niya ito. Inuna niya ang pinakamaliit na numero hanggang sa pinakamalaking numero. Kahit na gayon, hindi pa rin tumam ang numerong tinipa niya. Kaya pinaghalo niyang muli ito.

Ilang beses niya pang pinaghalo ang mga numero hanggang sa bigla itong tumunog. Nanlaki ang mata ng propesor sa pagkabigla. Agad niyang pinindot ang salitang 'done' na indikasyong maaari na siyang pumasok sa wesbite na iyon. Nagpatuloy lang siya sa pagpipindot ng iisang salita.

Hanggang sa marating niya ang pinakadulo ng website, doon niya nakita ang kakaibang mga salita. Agad niyang tinignan si Quintessa na para bang sinasabi niya na basahin ito ng dalaga. Dali-dali siyang lumapit sa kompyuter at saka tinignan ang nakalagay do'n.

"Ano na nangyayari?" Atat na tanong ni Cullen sabay lapit sa propesor at kay Quintessa na ngayon ay magkatabi. Hindi naman siya sinagot ng dalaga dahil naka-tuon ang atensyon nito sa laptop ni Davin.

"Oh, it's the compounds of Maximiotic. Pero may tatlong classification dito. Which means, there are three types of Maximiotic?" Takang sabi ni Quintessa. Dali-dali namang nagsilapit sina Jackie at Davin.

"I-I only saw one, bakit tatlo na ngayon?" Nagtataka ring saad ni Davin. Nagkatinginan naman si Jackie at si Davin na para bang nagtatanong sa isa't-isa.

"Ligtas siya 'di ba? Malamang, makakaimbento siya ng iilan pa. Baka nga kumikilos pa rin siya hanggang ngayon e!" Inis na sabi ni Cullen habang nakahalukipkip.

"Sino'ng pinag-uusapan n'yo?" Tanong naman sa kanila ng propesor. Umiwas naman agad ng tingin ang tatlo. Napairap na lamang si Quintessa sa reaksyon ng mga ito.

"Mister Dolovan Agaton is the mastermind of this chaos. Sinabay niya talaga sa outbreak ng bagong virus. He knows that people could trust him. Kumbaga, sinamantala niya ang tiwala sa kaniya ng mga tao." Paliwanag ni Quintessa sa propesor. Umiwas naman ito ng tingin sa dalaga at saka nag-isip ng kung ano.

"And this bastard is his son," singit ni Jackie habang nakaturo kay Davin. Pinalo naman ni Davin ang kaniyang daliri upang pigilan ito. Sinamaan lang siya ng tingin ng babae at saka akmang susuntukin siya.

Maxi OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon