Chapter 10 : Metropolitan Hospital

33 8 4
                                    

CHAPTER 10
Metropolitan Hospital








ㅤㅤ
BIGLA na lamang tumakbo sa dulo ng gusaling iyon si Sirius. Para bang tinuturo niya sa kanila ang daan. Walang atubiling sinundan ng siyam ang lalaki papunta sa dulo ng gusaling iyon.

Nang sila'y makarating, doon nila namataan ang isang dilaw na bus. Agad namang tumalon si Sirius sa bubong ng bus na iyon. Pagkatapos no'n ay pumasok siya sa loob gamit lamang ang kaniyang mga paa.

Mabuti na lamang at magaling ito sa pag-akyat kung kaya't mabilis siyang nakapasok sa kaniyang sasakyan. Wala na rin naman ang pinto ng bus at sira-sira na rin ang ibang bahagi nito.

Sa kabilang banda, napatingin naman si Quintessa sa kaniyang mga kasama. Inoobserbahan niya ang mga ito base sa kakayahan nila. Hanggang sa mapukaw ng kaniyang atensyon si Lyssa. Bahagya niya itong hinila papalapit sa kaniya at saka lumuhod upang mapantayan ang bata.

"Mauna ka na, sasaluhin ka naman siguro niyan." Utos ni Quintessa sa bata saka pinagpagan ang damit at braso nito. Nang matanggal na niya ang dumi rito, agad niya itong binuhat at saka inilapag sa bubong ng bus. Kaunti lang naman ang pagitan ng bus at ng gusali kung kaya't madali lang niyang nagawa 'yon.

"Kunin mo 'yung bata," sigaw ni Quintessa sa lalaki. Hindi nag-atubili ang lalaki na lumabas ng kaunti. Nakapatong sa kaniyang upuan ang kaniyang mga paa habang ang kalahati ng kaniyang katawan ay nakalabas ng kaunti. Doon, hinila niya ang bata sa bubong. Mabuti na lamang at sumama ito sa kaniya.

"Ikaw na Eloise, umapak ka sa upuan doon." Utos naman ni Quintessa kay Eloise. Ngunit, hindi agad sinunod ng dalaga ito sapagkat kinakabahan siya. Bahagya siyang napaatras at saka umiling.

Dahil do'n, muling napatingin si Quintessa sa kaniya. Ngunit, nang lingunin niya ito ay saka niya namataan ang mga zombie na nakaakyat na. Marahil ay permanente lamang ang ibang epekto ng Isopiotic sa mga zombie na iyon.

Mabagal naman ang kanilang paglalakad at malayo-layo sila dito. Ngunit hindi maiwasang kabahan ni Quintessa. Kaya wala siyang nagawa kundi hilain si Eloise sa tabi niya. Subalit nagpupumiglas ito.

"Ayoko nga! Natatakot ako--"

"Mas matakot ka dahil mamatay na tayo kapag hindi ka pumunta do'n!" Singhal ni Quintessa.

"Bakit hindi na lang tayo sabay-sabay?!"

"Masisira 'tong bus kapag ginawa natin 'yon! Bilisan mo na Eloise! Mas magaan ka!" Tarantang sigaw ni Davin kay Eloise. Napatingin din si Jackie sa bus at halatang kaunti na lang ay masisira na ito.

"Dali na hija, ayokong may mapahamak nanaman dito," mahinahong paghikayat ni Professor Johan sa kaniya. Napabuntong hininga naman ang dalaga at saka muling tinignan ang baba. Takot siya sa matataas at ngayon pa lamang niya susubukan 'yon.

"P-pero paano--"

"Mas may tyansa kang mamatay sa kagat nila kaysa diyan!" Pasigaw na saad ni Jackie. Napapikit naman ang dalaga habang pinapakalma ang kaniyang sarili. Mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso at mas lalo itong bumibilis kapag nakikita niya ang ibaba ng isang gusali.

"Dali na!" Paghikayat din ni Davin sa kaniya. Muli siyang bumuntong hininga at saka tumalon sa ibabaw ng bus. Nadulas pa nang kaunti ang kaniyang paa at muntik na siyang mahuloh ngunit siya'y nasalo ni Davin.

Inayos niya ang tayo ng dalaga bago sumunod rito. Ngunit, nang makapunta rin si Davin sa ibabaw, may kung ano'ng tumunog sa ilalim ng bus. May kaunting sira na ito dahil sa bigat nilang dalawa.

"Pasok na!" Tawag sa kanila ni Sirius. Umupo muna si Eloise sa bubong bago ipinasok ang kaniyang paa sa upuan ng driver's seat nito. Inalalayan siya pareho nina Sirius at Davin bago siya tuluyang makapasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maxi OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon