CHAPTER 6
Bewildered by the Chaos
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
NANG makarating sila sa bahay ni Quintessa, agad na bumaba ang dalaga. Tila nawala sa kaniyang isipan ang mga nangyari kanina. Ang tanging inaalala niya ay ang kaniyang mga alaga na iniwan niya kani-kanina lamang.Dali-dali niyang binuksan ang gate ng kaniyang tirahan. Sinamahan rin siya ni Cullen sa pagbaba upang bantayan ito sa maaaring panganib. Nang mabuksan na ng dalaga ang gate ng kanilang bahay, agad siyang pumasok rito.
Ngunit sa pinto pa lamang ng kaniyang bahay, nakita na niya ang kaniyang mga alaga. Bukas ang bintana, may kung anong likido ang pumasok dito. Ang kaniyang pusa ay may kagat sa tagiliran. Tila isang mabangis na hayop ang nakasilip sa loob. Puno rin ng kalmot ang mala-salamin niyang pinto.
Unti-unting napaatras si Quintessa. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Nagsisisimula ring lumamig ang kaniyang mga kamay. Napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.
Hanggang sa unti-unting tumulo ang kaniyang mga luha. Muling nawalan ng balanse ang kaniyang paa dahil sa kaniyang pagluha. 'Ang babies ko...ang babies ko...hindi ko na sila malapitan'
"M-mga anak ko 'yon e! Akin 'yon sila e! Bakit nangyari 'to?! Bakit sila pa?!" Pasigaw na tanong niya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kaniyang nadarama. Alam rin niya na walang makakaintindi sa kaniyang nararamdaman.
"T-tara na, wala na tayong magagawa. Halika na, baka makuha pa ng iba 'yung sasakyan," sabi naman ni Cullen sa kaniya. Ngayon ay nakaupo na rin ito upang samahan si Quintessa. Itatayo na sana niya ang dalaga ngunit nagpumiglas ito.
"Hindi! Hindi ko sila iiwan basta lang!" Pasigaw nitong sabi. Naging garalgal na ang boses nito dahil sa kaniyang pagluha. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa pintuan kung saan naroon ang kaniyang mga alaga.
Namumula ang mga mata, may dugo sa bibig ni Benjie habang ang kaniyang pusa ay may sugat sa tagiliran. Animo'y kanina pa ito nangyari kahit na ilang minuto lang ang nakalipas noong siya'y umalis. Lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak nang makita niya ang mga ito nang malapitan. Inilagay niya agad ang kaniyang palad sa salaming pinto at saka pilit na ngumingiti.
"B-benjie, Bea...pasensya na kayo ha? Hindi kayo naprotektahan ni mommy." Paghingi niya ng tawad sa kaniyang mga alaga. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa kadahilanang iniwan niya pa rin ang mga ito at mas inuna ang kapakanan ng iba.
"Bakit pa kasi ako umalis?!" Sigaw niya sabay luhod sa harapan ng kaniyang mga alaga. Doon niya inilabas ang lahat ng sama ng loob na kaniyang nadarama. Nahihirapan siyang tanggapin na sa isang iglap ay wala na sa katinuan ang kaniyang mga alaga.
"M-miss Quintessa, please tara na. Sige na tara na--" napahinto naman si Cullen sa pagsasalita nang may makita ito. Narinig naman ni Quintessa ang isang mala-lion na tunog. Nagmumula ito sa likurang bahagi ng bahay.
Agad siyang napatingala. Saka sila nagkatinginan ng isang babae na namumula rin ang buong mukha maging ang mata. Wala na rin ito sa katinuan at malamang ay epekto rin ito ng gamot na isinaboy rin sa kalangitan. Halos tatlong sentimetro lang ang lapit nila sa isa't-isa. Subalit, walang balak si Quintessa na umalis.
Muli siyang tinignan ng nilalang na iyon. Palapit na rin ito ng palapit sa kaniya. Tanggap na ni Quintessa ang kaniyang magiging kalagayan. Tutal, hindi na rin naman niya makakasama ang kaniyang mga alaga.
Ngunit, iba ang plano ng panahon para sa kaniya. Hinila siya agad ni Cullen paalis sa kaniyang pwesto. Hindi rin ito nag-atubiling hilain sita papalabas ng bahay. Wala naman siyang magawa dahil masyado siyang mahina sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Maxi Outbreak
Science FictionIt's year 2051 Everything changed, everything became new to the eyes. New equipments, new style, new life and new purposes and view in different things. Everyone evolves in their own way. Everyone is happy to live in this world with a diverse equali...