CHAPTER 5
Too Late
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ILANG oras na ang nakalipas, ngunit hinintay pa rin ni Davin si Jackie. Sa sobrang kaba, hindi niya maiwasang maglakad-lakad sa kaniyang silid. Pabalik-balik lang siya sa kaniyabg pwesto. Hindi siya sigurado kubg darating ba ang kaniyang kaibigan."Jackie asa'n ka na ba?!" Inis na tanong niya sa kaniyang sarili. Tinignan na rin niya ang bintana upang malaman kung ando'n na ba ang babae. Ngunit wala itong namataan dito.
Ilang minuto pa siyang naglakad-lakad sa kaniyang silid bago marinig ang isang tunog ng motor. Alam na niya agad na si Jackie 'yon kaya agad siyang nagpunta sa bintana upang tignan kung si Jackie ba talaga iyon.
Samantala, itinapat naman ni Jackie ang kaniyang motor sa tapat ng bakod nina Davin upang makaakyat siya. Inabot muna niya ang dulo ng pader upang makaakyat siya. Nahirapan pa siyang isampa ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan.
Ilang minuto lang ay nakaakyat na siya sa tuktok ng bakod. Kahit mataas, pinili niya pa ring tumalon doon. Inihanda niya agad ang kaniyang paa kaya't nakababa siya ng maayos sa bakod. Pinagpag muna niya ang kaniyang kamay dahil damo ang kaniyabg binagsakan.
Pagkatos no'n, dali-dali siyang dumiretso sa gilid ng bahay nina Davin. Naging blanko ang kaniyang reaksyon nang mapansin niya na wala pa sa labas si Davin. 'Ilang minuto akong umakyat, wala pa rin siya dito sa baba?'
"Hey! I can't go down!" Sigaw ng kung sino. Agad siyang tumingala at doon niya nakita si Davin na may hawak na mga gamit at isang kumot. 'May balak na nga tatay niya, gusto pa atang magcamping!'
"Bakit? Wala kang paa?" Sarkastikong tanong ni Jackie. Kahit na pumayag ito sa plano ng binata, galit pa rin siya sa ginawa nito kay Laviola. Napapikit naman si Davin sa pagkainis rito.
"Just tell me how to use this f*cking blanket para makababa ako!" Inis na sabi nito. Halata sa boses ng lalaki ang pagkabalisa. Napabuntong hininga naman si Jackie saka bahagyang lumapit sa binata.
"Buksan mo 'yung sliding window malamang! Tapos 'wag na 'yan gamitin mo. Magbaba ka ng maraming unan pati gamit mo isama mo, tatalon ka kasi tumalon lang din ako papunta dito!" May halong inis na saad ng babae. Wala namang nagawa si Davin kundi sundin ang gusto ni Jackie.
Kumuha muna ito sandali ng mga unan mula sa kaniyang kama at upuan na gamit niya sa kaniyang kwarto. Saka nito inihagis pababa. Sinalansan naman ni Jackie ang mga ito nang makarating ito sa kaniya. Inihagis na rin ni Davin ang iba niyang bag.
"Ayan na! Talon na!" Sigaw ni Jackie.
"Is that safe?"
"May malalaking unan kaya safe 'yan. Saka suportado naman siguro niyan 'yung mga taong katulad mo," may pagkasarkastikong tugon nito. Umiling na lamang si Davin bago tuluyang tumalon.
Nakaapak naman ang kaniyang mga paa sa unan. Napahawak rin siya sa unan upang alalayan ang sarili. Ngunit, ang hindi niya napansin ay ang kaniyang mga paa. Wala pala siyang sapin dito.
"Wala kang sapatos," mahinahong sabi ni Jackie. Tumayo naman ng maayos ang lalaki at saka kinuha ang kung ano sa kaniyang bag. Saka niya kinuha ang sapatos niya.
Isinuot niya muna 'to bago isukbit ang kaniyang bag sa kaniyang braso. Samantala, inayos naman ni Jackie ang mga unan. Itinago niya ito sa madamong bahagi ng bahay. Matagal na ata itong hindi natatabasan kaya maaring taguan ng mga gamit ang mga damo doon.
"Saan tayo dadaan niyan?" Tanong agad ni Jackie nang maayos niya iyon. Kahit hindi aminin ng dalaga, kinakabahan pa rin ito. Kanina lamang ay nakita niya sa balita ang ama ng lalaki. Doon inanunsyo nito ang tungkol sa sinabi ni Davin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Maxi Outbreak
Science FictionIt's year 2051 Everything changed, everything became new to the eyes. New equipments, new style, new life and new purposes and view in different things. Everyone evolves in their own way. Everyone is happy to live in this world with a diverse equali...