Chapter 2

4 0 0
                                    




Makalipas ang apat na oras na biyahe namin, nakarating narin kami sa bago naming tahanan.

Around north Cotabato lang din ang nilipatan namin. Dahil dito lang rin naman nag-tuturo si Tan.


Ako ang unang bumaba ng sasakyan para buksan ang gate.



Pagka-bukas ko ay ipinasok na ni Tan ang sasakyan at lumabas narin si Minya at Tan.


Ako naman ay pinag-masdan ang bago naming tahanan. Ito ang unang beses na makita ko ito, dahil hindi naman ako maisama-sama ni Tan. Binabantayan ko kase sa school si Minya. Kaya si Tan ang sumuri at namili ng aming bagong tahanan.



Kaagad kong napansin ang malawak na bakuran na may masasabong mga damo. Ang itsura naman ng bahay ay kulay puti at ang gate ay kulay pilak.



Ang sabi saakin ni Tan, may tatlo itong kuwarto. Sakto lang iyon para saamin ngayon, dahil isa palang naman ang anak namin ni Tan.

Kumapit naman saakin si Minya, kaya nilingon ko ito.


"Mommy, nakakatakot naman po yung new house natin." Sambit nya.

Napangiti naman ako sa pag-susuri suri ng mata.

"Wag kang matakot. Madumi lang siya. Mamaya lilinisin natin." Wika ko.

Nang mapatingin ako sa hawak-hawak niya ay biglang nawala ang ngiti ko. Sa kanan nyang kamay ay bitbit nito ang manika na napulot namin kanina sa daan.


"Anak, madumi pa yan. Bat mo tinaggal ang supot?" Pangaral ko sa kanya.


"She hate the plastic bag, mommy." Inosenteng sagot nito.

Napatawa nalang ako.


"Gusto mo laruin, no?"

Ngumiti at tumawa naman ang aking anak.


"Ikaw talaga."


"Mahal!" Rinig kong tawag ng aking asawa saakin na ngayon ay nag-bababa na nang mga gamit. "Ayusin na natin yung mga gamit."


Tumango naman ako at sumunod. Pina-upo ko muna ang aking anak sa may bench at pumunta sa Van. Pinalabas ko si Mocha na tatamlay-tamlay na maglakad.


Sunod naman ay inayos ko ang mga ibinababa ni Tan mula sa Van.


Binuksan ko ang pintuan at sinilip ang loob ng bahay. Malaki at mukhang nalinisan naman ito ng dating may-ari.


Agad kong napansin ang mga upuan at malaking salamin na nakalagay mismo sa sala. Walang second floor itong bahay, pero ang sabi saakin ni Tan ay may bodega raw ito.

Nasa mismong baba lang din ang mga kuwarto at kusina. Naglakad ako st sinilip ang bawat sulok ng bahay. May isa itong banyo at may bath tub.

Ang ikinagulat ko lang ay ang likod nang bago naming tahanan. Marami itong puno at matatalas ang mga damo. May iilang bahay naman, pero ang iba ay abandonado na. Ang iba naman ay may nakatira.


Medyo nakakatakot lang. Dahil kahit napapalibutan kami ng mga bahay na may mga nakatira na tao, ang iba naman ay abandonado na.


Ipinagpaliban ko nalang ang maling nararamdaman at bumalik na sa loob. Iniayos ko ang mga gamit sa bawat kahon na ibinababa ni Tan.

Ang mga damit namin na nakakahon ay inilagay ko muna sa aming kuwarto para mamaya na ayusin. Isinunod ko naman ang mga gamit namin panluto at mga gamit sa banyo.






The Doll NukpanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon