Chapter 1

3 0 0
                                    




Nakatingin ngayon ako sa bintana ng inupahan naming Van ni Tan. Dala-dala namin ang mga gamit namin dahil lilipat kami ng bagong tahanan ngayon.


Nilingon ko naman si Minya na nilalaro si Mocha sa likod.

Walong taon palang si Minya. She's my first child. I was 17 yearsold when I got pregnant by Tan. When I told him about my pregnancy, he was scared at first, but after a few minutes, he became happy. He was grateful, even though he knows that the life that he used to, will  now change.



Because I was only 17 at that time, my family can't accept teenage pregnancy. They were so mad and disappointed at that time. Pero alam ko na nagagalit sila dahil sinira ko ang pangako ko at ang pangarap nila para saakin.


Hindi ko naman sila masisi dahil pati rin ako ay galit sa sarili ko. Pinalayas ako ng mga magulang ko at tumira ako kila Tan.



Oo, pinagsisihan ko na nasira ang relasyon ko sa magulang ko, at kasalanan ko iyon, pero hinding-hindi ko pinag-sisihan na ipananganak ko si Minya. Dahil sya ang isa sa dahilan kung bakit ako bumabangon at lumalaban.


And then, Tan decided to still continue studying. Because he wants a better life for me and my daughter. He's studying while working for the two of us. And finally, he graduated college and became a license teacher.




Lilipat kami ng bahay ngayon dahil plano na ibenta ni Aling Mildred— ina ni Tan ang bahay dahil kamamatay lang ng asawa nito na si Mang tonio— tatay ni Tan.


Ang plano naman ni Aling Mildred ay pumunta ng America pagkatapos maibenta ang bahay para makasama ang mga kapatid ni Tan.


Hindi magkakaayos si Tan at ang dalawa nya pang kapatid. Kaya hindi sila nag-uusap.


Napabalik ang tanaw ko sa kalsada ng biglang pumreno si Tan.


Gulat akong napahawak saaking upuan at hinabol ang hininga.


Tiningnan ko ang anak namin si Minya na nasa likod at nakita kong hinahawakan nya ang ulo nya.


"Ouch! Mommy, nauntog po ako." Tawag nya saakin. Agad ko naman syang inabot at hinimas ang ulo nya.


"Okay na?" Tanong ko habang hinihimas ang ulo nya.

"Opo." Ngiti nyang pahayag at bumalik sa paglalaro kay Mocha.



Sinamaan ko naman ang asawa ko na nakatingin sa daanan ngayon.




"Tan! Bakit ba bigla-bigla ka nalang pume-preno? Baka ma-disgrasya tayo!" Galit na wika ko sa kanya.



Tumingin naman sya saakin na may pang-hingi ng tawad sa mukha.



"Sorry, may pusa kasi na biglang sumulpot." Ani niya at itinuro ang daan.

Napatingin naman ako don, pero wala akong nakitang pusa.



Dahil hindi rin ako kumbinsido sa rason nya, bumaba ako ng van kung totoo ba ang sinasabi nya.


Pagkababa ko ay may nakita akong manika.


Puti ang buhok nito at nakasuot ng itim na gusot na damit. Waring iniwan lang ito sa kalsada.




Nilapitan ko ito at sinuri. Bumaba naman si Tan at Minya mula sa sasakyan para sundan ako.




"Oh? Huh?" Ani ni Minya.


The Doll NukpanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon